Kabanata IX

23.2K 1.1K 117
                                    

Walang imik na hinila niya lang ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa isang super-duper-ultra-mega na hindi familiar na kwarto. Hindi niya ako dinala sa bahay namin ni Kuya kung hindi sa bahay niya mismo.

Napalunok ako nang buksan niya ang pinto. Hindi kaya dito na niya isasagawa ang pag-salvage sa akin? Oh, no!

"Umupo ka." Utos nitong higanteng dilag na nasa harap ko pero tinulak naman ako papuntang kama. Muntik na nga akong mapahiga, eh.

"Dahan-dahan naman," Reklamo ko bago ngumuso. "Hindi mo kailangan maging marahas."

Hindi niya ako pinansin. Inilagay niya lang ang bag ko sa couch na nasa gilid lang ng kwarto na kinalalagyan namin malapit mismo sa pinto. Ano kaya 'yon, may pa-couch-couch pa.

Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng lugar. Hindi hamak na mas malaki ito kaysa sa kwarto ko. Ito ngang kama niya'y sobrang laki rin, eh. May study table siya, computer set, at bookshelves na puno ng mga libro. May malaking closet din ito. May isa pa akong pintong napansin na sa tingin ko'y banyo niya naman. May mga naka-display namang paintings pero wala ni isang larawan niya o ng family niya pero may nakita ako sa living room nila nang madaanan namin. Halatang mayaman dahil malaki talaga itong bahay nila, mansiyon na nga yata!

Pero isa lang ang masasabi ko, napaka-elegante at linis ng room na ito. Lalo tuloy nadadagdagan yung pagiging diyosa niya sa paningin ko. Pero...pero... Napaismid ako. Isa siyang meanie!

"Are you listening?"

Napakunot ang noo ko. Huli na nang ma-realized ko na nasa harapan ko na pala siya, nakasuot na rin siya ng casual na damit. Nakapagpalit na pala ito nang hindi ko namamalayan.

"Huh?" Confused kong reaction. Inirapan niya ako at walang paalam na tinulak ako pahiga! "H-hoy! Teka—" Pumaibabaw siya sa akin, ikinulong ang mga kamay ko sa aking ulunan at—naman! Bakit ang lapit ng mukha niya sa'kin! "S-Sica, ano ba!"

"Ngayon, mag-usap tayo," Ngumisi siya.

Pakiramdam ko'y sobrang init ng pisngi ko sa posisyon namin. Mag-usap? Mag-usap ba kamo? Teka, paano? "P-puwedeng bitawan mo ako?"

"Hmm..." Animo'y nag-isip ito, ngumiti siya sa akin nang matamis. "Hindi."

"Sica!"

"Gusto ko itong posisyon natin," malambing na bulong niya sa tainga ko. Nanindig yata ang lahat ng balahibo sa katawan. Naman, eh!

"A-alam mo kasi," Tumikhim ako at napalunok. "Mayroon tayong tinatawag na civil talk. You know, uupo tayo ng maayos at mag-uusap...ng maayos."

HooraySarcastic na cheer ni Brainy. Nakakatuwa.

"So, bakit mo ako iniiwasan?" Kaagad niyang tanong, ni hindi man lang gumalaw para tumayo.

"Ha?" Nag-loading yata ako. Paano ako makakapag-concentrate kung ganito siya kalapit? Nakakawala ng katinuan! "P-pakiulit."

"Bakit mo ako iniiwasan?" This time ay nagtaas na siya ng kilay. Ang sungit naman this girl.

"Ah, eh," Iniwas ko ang tingin sa mata niya pero sa labi naman ako napatitig. Pasimpleng napalunok ako. Naman-naman. "He he he."

Hindi ba niya alam na yung halik niya ang rason? Nababaliw na ba ako?

"So?"

"Ano kasi," Isip, isip, isip! "H-hindi kaya kita iniiwasan! Promise!" Itataas ko sana yung right hand ko kaso hawak niya nga pala. "P-promise!"

Tumaas ang perfect niyang kilay. "Nautal ka."

"H-huh?" Plastik na tumawa ako. Pero kinakabahan talaga ako! Help! "S-sinong nautal? Hindi ako nautal! Pero pwedeng bitawan mo na ako?" Nakagat ko yung lower lip ko para pigilan yung sarili ko na mapatili sa sobrang kaba. Ginawa ko talaga yung best ko para lambingan ang tono ng boses ko. "Please?"

"Kiss muna."

Nanlaki ang mata ko. "Ha?"

Kiss daw. Aba't! Talagang inulit pa!

"Ayoko nga!" tanggi ko sa kanya. Ano siya, sinuswerte? Hah! Sumimangot ang magandang fez niya na parang nagtatanong kung bakit. Ramdam kong kasimpula na ako ng kamatis dahil ang init ng pakiramdam ng pisngi ko. Ano ba 'to, bakit napupunta ako sa nakakahiyang sitwasyon tulad nito? Naman, eh! "N-nakuha mo na nga second kiss ko, eh. Para sa future ko na yung mga susunod!"

Napalunok ako nang mapansin kong dumilim ang mukha niya. Wait. May..may nasabi ba akong mali?

Meron! Meron! Meron!

Ano?

Zip-zip!

Uhh...nababaliw na nga yata talaga ako.

"Sica, ba't nakasimangot ka—ouch!" Napasigaw ako at napapikit nang kagatin niya ang kaliwang tainga ko. Nagpumiglas ako. "Sica! Naman! Masakit!"

"Hmm?" Baliwalang reaksyon niya, hindi pa rin pinapakawalan ang kawawang tainga ko. Ano bang problema niya?

"Sica—shit!" Napatili na ako nang mas dumiin ang pagkagat niya. Ang sakit! "Sisipain na kita, isa!"

Hindi man lang siya kumibo sa pagbabanta ko. Aba't talagang sinusubukan ako! Naka-ready na sana yung mga binti ko para i-flying siya ngunit sa isang iglap ay nakaramdam ako ng mabilisang panlalambot nang maramdaman ko yung tuhod niya sa pagitan ng mga binti ko. Nakakakilabot na hindi ko ma-explain.

"A-ano ba..."

Sa wakas ay tumigil na rin siya sa pananamantala sa tainga ko pero mariin naman niya akong tiningnan. Mukhang wala siyang balak pakawalan ako. Teka, natutunaw na ako! Oh, lupa, pakilamon na me, please!

"Ahm, p-pwedeng pakialis yung binti mo sa—"

"Kilala ko ba?"

"Ha?" Sinong tinatanong niya?

"Your future," paglilinaw niya. Ah, iyon pala. "Kilala ko ba?"

"Malamang hindi!" depensa ko, "Kaya nga hinihintay ko pa siya."

"Oh," Umirap ang diyosang nagpapabaliw ng sistema ko ngayon. "P'wes, hindi na siya darating."

"Huh?" Nanlaki ang mata ko. "Bad ka!" Umungot ako. "Tatanda akong dalaga kapag walang dumating! Pangarap ko pa namang may makasamang tumanda kahit na papaano 'no!"

Imbes na maawa ay walang pakundangang inirapan lang niya ako! Itong babaeng 'to...pashnea!

Unti-unti akong nakahinga ng maluwag nang pakawalan na niya ako. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kadalas akong nagpigil ng hininga dahil sa lapit niya sa akin. Napahawak ako sa chest ko, relax ka lang.

"Ipinapaala ko sa'yo, Chloe, huwag mo na ulit tatangkaing umiwas sa akin," Wika nito sa nagbabadyang tono na parang anytime ay may gagawin siyang hindi maganda. "Hindi mo gugustuhing magalit ako. Sa susunod na maulit itong ginawa mo, hindi na ako magpipigil ng sarili."

Napasinghap ako. Binabalak niya bang saktan ako? Sa takot ko ay napatango na lang ako. Kung ganoo'y wala talaga akong takas sa kanya. Tapos na. Tapos na ang kaligayahan ko. Naiiyak yata ako. Hindi lang siya isang blackmailer, sadista rin siya!

"At oo nga pala," Halos mapaatras ako nang ilapit na naman niya ang pagmumukha ngunit maagap niyang nahapit ang baywang ako. Napalunok ako. "Akin ka lang. Kaya walang kuwenta iyang sinasabi mong future na darating dahil akin ka. Maliwanag?"

Huh?

"Kailan pa ako naging sa'yo?" naguguluhang tanong ko. Oo nga't mag-best friend sila ni Kuya, pero kailan lang naman siya nagsimulang manggulo sa nananahimik kong mundo. So, how come?

"Matagal na."

_____

Sica Cabrera (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon