"Girl, ang ballpen baka mabali, kawawa naman." May pagka-maarteng sambit ni Terence. Hinablot niya yung ballpen na hawak ko bago ako tuktukan sa noo. Tiningnan ko siya ng masama pero balewalang nagtaas lang ng kilay ang bruha. "Ang noo, pakiayos at lukot na lukot."
"Hindi kaya!" Giit ko sabay pout. Malditang inirapan ko siya at umismid. Nakaka-badtrip na araw, oo!
"Magkasinghaba na yung nguso at ilong mo, Chloe. Pinocchio, ikaw ba 'yan?"
Hindi ko na lang pinansin yung pang-aasar niya at wala sa sariling napalingon kina Anne at Sica na masayang nag-uusap.
Hay!
Bakit naiinis ako ng bongga? Gusto kong baliin ang mga leeg nila! Napaungol ako sa inis.
Sinubukan kong kumalma. Ginawa ko talaga ang best ko para lang huwag ipahalata iyong disgusto na nararamdaman ko. Ayoko namang magmukhang ewan talaga, 'no. Napalingon ako kay Maki at natigilan.
Nakatingin siya sa akin. Oo nga pala.
Feeling ko adult na ako sa gagawin ko. Parang first time ba na may gagawin ako in a mature way. Kailangan ko nang magdesisyon. Shocks, dalaga na ako!
Siguro medyo iba yung way ko sa pag-iisip sa mga bagay-bagay. Madalas akong sabihan ng slow kahit na hindi naman. Pero alam ko pa rin naman yung ginagawa ko. Normal lang naman pumalpak kung minsan, eh. At ayos lang na hindi palaging tama ang desisyon natin. Kasi ganoon naman talaga, 'di ba?
Napahinga ako ng malalim at inayos yung eyeglass ko. Nilapitan ko si Maki na hanggang ngayon ay hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Ah, eh. Hallo, Maki." Pagbati ko sa kanya sabay fail na he-he.
"Gusto mong makipag-usap?" diretsong tanong niya. Napatikom ako ng bibig at dahan-dahang tumango. Kilala na talaga ako ni Maki... "Halika."
Tumayo siya kaya natahimik ang mga kasama namin. Ako naman ay sumunod na lang. Binigyan ko ng huling lingon si Sica na ngayon nga'y nakamasid ang mata sa'kin. Napalunok ako. Para kasing ang sama ng tingin niya. Ano na naman bang ginawa ko?
Napatingin naman ako kay Anne pero mabilisan lang. Ngumiti siya sa akin ng matamis, napangiti tuloy ako. Bakit gano'n, ang bait niya pa rin sa akin? Simula nang nakilala namin siya, wala na siyang ginawa kung hindi maging nice. Seryoso? Ang bait niya. As in. Wala akong makitang kaplastikan. Pero...pero...nagseselos pa rin ako!
"Chloe."
"O-oo."
Napadpad kami ni Maki sa hindi mataong part ng school. Bigla tuloy akong kinabahan kasi ni pagngiti ay hindi ko nakitang ginawa niya. Pero hindi, kailangan ko 'tong gawin. Para na rin sa ikatatahimik ko at ni Maki.
"Ahm, a-ano..." Inalos ko ang salamin pero isinuot ko rin naman agad. Parang ewan lang. "Maki?"
Nakatingin lang siya sa'kin. Inangat niya ang parehas na kilay na parang sinasabi na, "Go lang, sabihin mo na yung gusto mong sabihin."
Isang malalim na paghinga ulit ang ginawa ko. Kaya mo 'yan, Chloe. "A-ano...sorry, Maki." Napapikit ako nang mariin. "M-may...may iba na kasi akong gusto."
Hindi ko siya kayang tingnan. Ang hirap. Ang hirap pala na ganito kasi siyempre, kaibigan ko siya, eh. Alam ko masasaktan ko pa rin siya kahit anong gawin ko.
Kung pwede lang naman na siya na yung gustuhin, bakit hindi? Kaso ang problema, hindi ko kaya. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Hanggang doon lang.
Ewan ko nga kung bakit ko nagustuhan si Sica, eh, wala naman na iyong ginawa kung hindi bulabugin ang araw ko gamit ang pang-aakit niya. Ano bang meron sa kanya?
Nagbilang ako ng ilang segundo pero ni isang salita mula sa kanya ay wala akong narinig. Napilitan akong magmulat ng mata. Napakunot ang noo ko kasi nakatalikod siya sa akin. "Maki?"
Hindi siya sumagot pero napansin ko yung mahinang pag-alog ng balikat niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt at lungkot.
"Maki, u-umiiyak ka ba?" lakas-loob kong tanong. Alam ko naman na obvious na, pero para akong sira na kinukumbinsi ang sarili ko na baka imagination ko lang 'yon.
Ni minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak.
"M-maki," Dahan-dahan kong pinutol ang distansya sa pagitan namin at niyakap siya mula sa likuran. "Sorry..."
Hinawakan niya ako sa kamay ng mahigpit. Narinig ko yung mahinang paghikbi niya. Napakagat ako sa lower lip ko para pigilan ding mapaiyak. Bakit gano'n? Bakit ang bigat sa pakiramdam na ganito?
Dapat ba noong una pa lang pinigilan ko na siya? Pero alam ko naman na hindi ko 'yon pwedeng gawin kasi karapatan niya 'yon.
Mabilis siyang gumalaw at humarap sa'kin. Yumakap agad siya bago ko pa makita ang mukha niya. "S-so," Tumikhim siya. "Basted na ako, 'no?"
"Hmm," Tumango ako. "Sorry ulit."
"Ayos lang 'yon."
"Hindi, eh." Marahas na umiling ako. "Napaiyak kita—"
"Chloe, normal lang 'yon," mahinang sabi niya. Hinaplus-haplos niya ang buhok ko. "Hindi naman lahat ng gusto o mahal natin ay nakukuha natin. Kaya naimbento ang term na rejection. Handa naman na ako, masakit lang talaga. Huhulaan ko, si Sica ang gusto mo, tama?"
"P-paanong—"
"Sobrang halata ka." Naiiling na sagot niya. "Kaya ine-expect ko na rin na kakausapin mo ako."
Bigla akong nahiya at nakaramdam ng pag-iinit ng mukha. H-halata ako? Oh, my gosh. Ibig sabihin... Napasinghap ako.
Oh, hindi!
"F-friends pa rin ba tayo?" Parang batang tanong ko, ayoko nang isipin muna yung na-realize ko. Sa mga napapanood ko kasi, kapag may ganitong scene ay umaabot sa friendship over yung dalawang tao. Ayoko naman ng gano'n, 'no!
"Sira ka talaga, malamang friends pa rin." Natatawang sabi niya. "Kahit ang lakas ng loob mong mambasted, eh, hindi ka naman kagandahan."
"Cute naman!" giit ko, "Pero sorry ulit, ha?"
"Hm-mm." Hinalikan niya ako sa noo. Nakita ko iyong mamasa-masang mga mata at pisngi niya. Kita ko yung lungkot kahit na nakangiti siya sa akin. Pinunasan niya ang pisngi niya. "Marami pang isda sa dagat."
Huh?
Kunot-noong tiningnan ko siya. "Anong gagawin mo sa isda sa dagat—aray!" Napangiwi ako sa sakit nang walang pakundangan niyang pitikin ang noo ko. "May galit ka sa'kin, 'no? Ang sakit!"
"Inaayos ko lang yung signal mo, mahina pick up, eh." Walang emosyong saad niya bago umiling. "Malala ka na, bakit ba ako na-in love sa'yo?"
"Kasi cute ako!" Tinaasan niya lang ako ng kilay sa sinabi ko kaya inirapan ko siya. "Tsaka hindi ako WiFi or antenna para gawin mong signal."
"Sabi mo, eh."
Umismid ako. "Pero ayos na tayo, ha?"
Tumango siya at muling ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman. Nginitian ko rin siya pero parang sa iba siya nakatingin. Parang sa may likuran ko. Uhh?
Lilingon na sana ako nang bigla akong hapitin ni Maki sa baywang at hapitin palapit sa kanya. Ramdam ko yung paghinga niya sa sobrang dikit namin. "Maki?"
Ngumiti siya ng nakakaloko. "May aasarin lang ako."
Late na para magtanong ako sa kung anong gagawin niya nang walang anu-ano'y kinabig niya ang ulo ko palapit hanggang sa tuluyang magdikit ang mga labi namin. Halos matulala ako sa nangyayari.
Ngunit hindi pa man nagtatagal ang halik ay may bigla nang humila sa akin palayo. Nahuli ko ang pagngisi ni Maki sabay kibit ng balikat.
Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko yung humila sa akin—si Sica.
Napalunok ako. Parang gusto ko nang maghukay ng sarili kong libingan sa talim ng pagkakatitig niya sa akin.
Wrong timing!
_____
BINABASA MO ANG
Sica Cabrera (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at ang pasaway kong aso na si Doraemon. Pero nagbago ang lahat nang bumungad sa pinto ng kwarto ko ang...