Kabanata IV

28.7K 1.3K 234
                                    

"Sabay raw kayo ni Sica?"

"Ha?" Maang na napatingin ako kay Kuya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Sabay raw kayo ni Sica na papasok," pag-uulit niya.

"Sino iyon?" Patay malisya na binalikan ko ang bag ko na nasa kama at isinabit sa balikat. Isinubo ko yung lollipop na hawak ko bago ngumiti ng painosente. "Wala ka bang pasok, Kuya?"

"Day off." Maikling sagot nito at pinagtaasan ako ng kilay. Pero hindi iyon kasintaray ng kay Terence. Mas mukhang barumbado si Kuya, eh. Iyong baklita naman, eh, masyadong talandi kung makapagtaas ng kilay. Kilay is life daw kasi. "Sabay raw kayo ni Sica."

Kumunot ang noo ko at nilagpasan siya. "Bahala ka riyan. Pangit!"

"Mas pangit ka—hoy!"

Tumakbo ako nang mabilis at napangiti nang wala akong makitang matangkad at mapang-akit na nilalang sa living room namin. Yay! Wala siya! Parang ewan naman kasi iyon. Sabay raw kami? Hah! Asa siya! Ang lakas ng loob niyang utusan ang isang dalagang kagaya ko. At sinabi niya pa talaga sa kapatid ko.

Pandak ka raw kasi. Elementary-like. Baka maligaw ka, kaya ka ine-escort. Panlalait ni Braincell no. 2. Napairap na lang ako.

Bakit ba nagkaroon ako ng mapanghusgang side sa utak ko? Kaazar.

"Hmm..." Ninamnam ko ang lollipop na nasa bibig at napangiti. WinnerPero gano'n na lang ang pagbabago ng expression ko nang makita si Sica sa labas ng bahay. Mukha siyang mabait na bata habang tahimik na naghihintay. Napangiwi ako. "Eh..."

Nakaka-disappoint.

Napabuntong-hininga na lang ako at sinipat ang suot niya. Uniform─malamang. Ang ipinagkaiba lang ay ang color ng necktie namin pero same style ang lahat which is checkered. Typical. Green ang para sa mga grade seven, yellow sa grade eight, red for grade nine, at blue sa grade ten—though pagdating ng senior year ay iba na ang uniform kumpara sa mga junior. Pero parehas pa rin. Ah, basta! Basta black ang necktie ng seniors! Bakit ba ako nag-e-explain?

"Chloe."

Napakunot ang noo ko. "B-bakit?"

Tumaas ang isang kilay niya.

"Hala!" Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko yung nasa bibig niya.

Lollipop.

Napahawak ako sa bibig ko. Napakagat sa ibabang labi. Naiiyak ako!

"Masyado kang lutang," Natawa siya ng mahina at pinaglaruan iyong lollipop ko sa bibig niya. "Hindi mo tuloy namalayang nasa akin na 'tong candy mo."

"A-akin iyan, eh..." Mangiyak-ngiyak na ungot ko.

"Gusto mo?"

Nakakaewan naman yung tanong niya. "Eh, akin naman talaga 'yan."

Lumapit siya sa akin. "Ito na, oh."

Ganoon na lang ang gulat ko nang ibinalik niya sa bibig ko yung lollipop ko na nasa bibig niya lang kanina. Mabilis na nag-init ang buong mukha ko, pati yata tainga ko nag-iinit na! Shems. Anong nangyari?

Rape! Rape!

Rape agad?

"Masarap?" Nakangiting tanong niya.

Ang bilis-bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko ma-explain! Hindi ko na rin mahanap ang boses ko kaya isang nahihiyang tango lang ang nagawa ko.

"Good." Hinawakan niya ang kamay ko at talagang hindi pinansin ang naging reaction ko. "Halika na."

"S-Saan?" Napamaang ako. Ang lambot ng kamay.

"Sa school. Malamang." May pagka-pilosopong sagot ng epal na babaeng 'to.

Napairap ako ng wala sa oras. "A-alam ko!"

Tumawa lang siya at hinila na ako. Kaya namang lakarin yung school mula sa bahay kaya push lang. Napatitig ako sa kanya habang naglalakad kami. Diretso lang ang tingin niya pero alam kong alam niyang pinagmamasdan ko siya. Nakangiti ang lapastangan, eh! Ah, basta! Titingnan ko siya kung kailan ko gusto!

"Masyado ka na yatang nawiwili kakatingin sa akin," komento niya.

"Wala kang pakialam." maikling sagot ko. Bakit wala siyang pimples? At saka bakit ang tangos ng ilong niya?

"Nagagandahan ka sa akin, ano?"

"Joker ka, ah. Hindi nga lang funny." Hmm...tapos black iyong mga mata niya, parang sa manika. Pero hindi creepy. At ang ganda ng lips niya!

Lips...

I groaned. Ang puso ko, nagwawala! No!

Nag-iwas ako ng tingin. Mag-iinit na naman yata ang mukha ko. Naman, eh!

Lollipop!

"Chloe?"

"B-b-bitawan mo na nga yung kamay ko!" Bumitaw ako sa kanya at nagsimulang tumakbo palayo. Binelatan ko lang siya na ikinatawa nito ng malakas. Kainis!

"Chloe, baka madapa ka!" May concern ngunit nang-aasar na turan niya.

"Hindi ako bata—ay!" Muntik na akong mawalan ng balanse. Wala namang nakaharang sa daan pero sadyang wrong timing kung magparamdam ang kalampahan ko. Mabuti na lang at hindi ako nadapa at napakain ng alikabok nang wala sa oras. Naman, eh!

"Okay ka lang?" Mabilis na nakalapit sa akin si Sica at parang magulang na sinipat ang kabuoan ko, inikut-ikot pa ako. "Lampa."

"Luh," parang timang na reaction ko. "Hindi, ah."

"Sige." Umirap siya at muling hinawakan ang kamay ko. Napangiwi ako dahil medyo mahigpit iyon. Magsasalita na sana ako para kumontra nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Napatikom ako ng bibig. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. "Subukan mong tumakbo ulit at isasabit kita sa punong madadaanan natin. Maliwanag?"

"O-opo." Napasimangot ako. Nakaka-intimidate.

Ano ba kasing problema niya? Hindi ko naman kailangan ng kasabay, eh. Sa itinagal ng panahon na nagkikita kami at hindi nagpapansinan, ngayon niya lang ginawa ito. Usually naman kasi ay tumitingin lang siya at mag-iiwas ng mata na parang walang nangyari. Hay!

Nang abot-tanaw ko na ang school ay huminto ako kaya napahinto rin ang higanteng ito na nakahawak sa kamay ko. Tumingin siya sa akin. Halatang nagtataka.

"Bakit?"

"P-pwede mo nang bitawan iyong cute kong kamay. Ayan na yung school, oh." Tinuro ko pa sa kanya iyong malaking eskuwelahan na isang kalsada na lang ang pagitan mula sa amin. "Hindi ako maliligaw. Swear. Cross my heart." At talagang gumawa pa ako ng krus sa dibdib ko.

"Ihahatid na kita sa room─"

"No!" Kaagad na pigil ko. Nakuha ko na rin ang kamay ko at mabilis na tumawid nang masiguradong walang sasakyan. Lumingon ako kay Sica at kumaway.

How nice naman, singit ni Brainy—ang haba kasi ng name niya kaya is-shortcut ko na—kaway pa. Sige!

Buwisit.

Natameme ako nang ngumiti ng matamis si Sica. Ngayon ko lang napansin na bagay ang itim na necktie sa kaniya. Hmm...naks, ibang klase. Napailing ako sa isip-isip ko. Itinapon ko na yung stick ng lollipop sa malapit na basurahan at naglakad na.

"Chloe!"

Napahinto ako. Nilingon ko siya.

"Huwag ka munang magkaka-crush, hm?" Ngumiti siya ng mapang-asar pero, grabe lang, ang sexy pa rin ng dating niyon. Nakakatuyo ng lalamunan.

At, bakit ba ako apektado?

"Bata ka pa." Mabilis siyang nakatawid at nakalapit sa akin. "Kung magkaka-crush ka, sa akin muna."

Ano raw?

_____

Sica Cabrera (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon