Special Chapter

19.3K 719 54
                                    

Sica's

"Aray ko naman po!" Daing niya nang pitikin ko ang noo niya. Sinapo niya iyon habang nakanguso sa akin. Automatic naming natuon ang paningin ko sa labi niya. "Makapitik ka, ah. Iyang kamay mo parang bakal! It hurts!"

"Ang exaggerated mo." Napailing ako bago siya hilahin paalis ng clinic. Kakatapos lang niyang magpa-check ng mata niya. "Stop pouting or I'll kiss you right now."

Nakita ko ang pagtikom ng bibig niya. That's good. "Pero ikaw kasi, eh. Ang sakit kaya!"

"Paano kasi, tumaas na naman iyang grado ng mata mo. Paano kapag nabulag ka?"

"Bulag agad?" Kumunot ang noo niya. "Exaggerated ka rin, ano, Sica?"

"Tigilan mo nang pagbababad sa social media. Lalo na iyang pagbabasa mo. Sobra na. Iyang mukha mo nagiging logo na ng Wattpad." iritableng saad ko. Ayoko lang naman na mas lalo siyang mahirapan dahil sa patuloy na paglabo ng paningin.

Hindi siya umimik hanggang sa makapunta kami sa bahay namin. Wala naman si Pao sa bahay nila kaya mabuting dito na muna siya sa akin. She's in good hands, hindi ko lang maipapangako na wala akong magagawa na hindi maganda sa kanya. But I'm sure she'll like it.

I can say na isang rollercoaster ride ang pagiging kasintahan ni Chloe sa loob ng isang taon mahigit. Magulo na nakakairita kung minsan pero mas lamang pa rin yung happiness sa bawat oras at araw na mayroon kami. I still think that everything's worth it.

"Bakit nandito tayo sa bahay mo?" Nakasimangot niyang tanong pagkarating namin sa kwarto ko. Pabalya niyang inilagay ang shoulder bag sa gilid ng kama bago humilata.

"Ayaw mo ba?" tanong ko pabalik, "Kung kailan tayo nakarating saka ka magtatanong."

Umismid siya at mas nalukot ang mukha. "Pangit ka!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay ngunit tinalikuran niya ako. Binuksan ko ang aircon para hindi mainitan.

She's already nineteen pero ni isang patak ng maturity ay wala siya. Para akong nag-aalaga ng bata madalas. Pero hindi naman ako nagrereklamo.

She's still that girl who loves lollipop a lot. Sira pa rin ang tuktok niya dahil sa labis na kabaliwan but I love her weirdness.

Tumangkad siya ng ilang centimetre at kung dati ay mukha pa siyang patpating bata na naliligaw, ngayon ay mas nadepina pa ang kanyang pangangatawan at maging ang itsura niya ay mas nag-mature. Puberty striked her hard. She's so beautiful and her body's so... Napahinga ako ng malalim.

Hindi rin nakatulong na sumasabay siya sa aking mag-gym. Tuloy, hindi na lang ako ang nakaka-appreciate ng ka-sexy-han niya. She even have abs like me for Pete's sake! Kulang na lang ay takpan ko na siya huwag lang siyang pagpantasyahan at titigan ng iba.

"At talagang hindi mo ako susuyuin?" Napatigil ako sa pag-iisip at napatitig sa kanya. "Ganyan ka. Ang bad mo!" Muli ay tumalikod siya.

"Bakit ka ba naiinis?" Humiga ako sa kama at niyakap siya mula sa likod. Hinawi ko ang buhok niya bago siya kintalan ng mabilis na halik sa batok. Napansin ko ang pagtayo ng balahibo niya ro'n. "Dahil ba sa sinabi kong tigilan na ang paggamit ng social media at Wattpad?"

Hindi niya ako kinibo.

"Ayoko lang mabulag ka."

"Hindi ako mabubulag."

"Ayokong mas lumabo ang mata mo." pagre-rephrase ko.

"Pero gusto kong magbasa." Napansin ko ang pagnguso niya na ikinangiti ko.

"Fine." Humiga ako at napatitig sa kisame.

Napalingon naman siya at talagang pumunta sa ibabaw ko. "Talaga? Yey!"

"Pero dapat moderate lang."

"Eh!"

"Take it or leave it." mariing sabi ko. "At isa pa, mas gusto kong sa akin ka lang palaging nakatingin. Naiintindihan mo?"

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpula ng kanyang pisngi. "P-pasalamat ka at cute ako! Sige, m-moderate na lang."

Nginitian ko siya. Napaiwas naman siya ng tingin. Nanlaki ang mata niya nang ipasok ko ang kamay sa loob ng kanyang damit.

"H-hoy, Sica, ano na naman iyan?" Aalis na sana siya sa ibabaw ko ngunit mas hinapit ko pa siya palapit. Ipinuwesto ko ang kamay sa batok niya habang patuloy sa paglilikot ang isang kamay ko na ngayo'y natanggal na ang hook ng kanyang bra kaya mas malaya ko nang nahawakan ang kanyang dibdib. Napakagat siya sa ibabang labi. "T-teka lang naman."

"Na-miss kita, eh," Sagot ko. Mas lalo siyang namula. Alam kong alam niya kung anong pinatutungkulan ko. "So, ano?"

"Pwedeng time out?" Napangiwi siya pagkatapos segundahan iyon ng isang nakakalokong he-he.

Umiling ako at itinaas na ang kanyang damit. Itinapon ko iyon sa kung saan kasama ang bra niya. Gusto niyang takpan ang sarili kaya mabilis kong naipagpalit ang pwesto namin. Maagap kong nahawakan ang magkabilang kamay niya at ipinuwesto ito sa kanyang ulunan.

"Pabebe ka pa rin, Baby." Saad ko habang pinagmamasdan siya. She's so beautiful. Hindi ko maiwasang mapalunok.

Napasinghap siya. "Luh, hindi ako pabebe! Baliw ka!" Sinubukan niyang kumawala but failed to do so. "Sica, isa, ah! Susumbong kita kay Kuya!"

"Sumbungera." Pang-aasar ko pa bago siya halikan sa kanyang leeg pataas sa kanyang tainga. Napansin kong natigilan siya. "Ngayon lang naman ulit. Pagbigyan mo na ako."

"N-nahihiya kasi ako."

Mahina akong natawa sa tainga niya na nagpasinghap sa kanya. Bumaba ang halik ko hanggang sa collarbone at balikat nito. "Bakit naman?"

"Kasi patay ang ilaw noong first time natin." sagot niya, "Eh, ngayon?"

Humarap ako sa kanya at nginisihan siya. Imbes na sagutin ang tanong ay hinalikan ko na lang siya na agad niyang tinugon. Kusang bumaba ang kamay ko sa kanyang dibdib habang siya naman ay napayapos sa akin. Ilang sandali lang ay siya na mismo ang nagtanggal ng pang-itaas ko habang hindi pinuputol ang halikan.

Napatitig kami sa isa't-isa habang hinihingal.

"Quits na tayo." Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

Napatango siya. "I love you, Sica."

"I love you, too."

Wala na akong hahanaping iba pa. Mula noon hanggang ngayon, hindi nabago ang pagtingin ko sa kanya. Alam kong si Chloe lang ang mamahalin ko.

_____

Sica Cabrera (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon