"Seryoso ba this?" Nashushungang tanong ni Terence habang nakatitig kay Sica na nasa tabi ko lang naman.
Actually, marami ang nakatitig kay Sica na mga schoolmates namin. First time yata nilang makitang sumabay ang diyosa na kumain sa mga tulad namin na, well, cute lang.
"Kasama talaga natin sa iisang table si Sica? Like, O to the M to the G!"
"Bes, tusukin ko kaya 'yang mata mo?" Ang mala-yandereng babala ni Chase habang iniuumang yung tinidor niyang may sauce pa ng spaghetti. "Nakikita mo na nga, nagtatanong ka pa. Bobo!"
"Maka-bobo ka, akala mo hindi ka nakakasakit! Bakla!" Maarte niyang sinapo ang dibdib na akala mo'y na-hurt talaga. "Hindi lang naman ako makapaniwala."
"Puwes, maniwala ka na. Bakla!"
"Hampas-lupa!"
"Pagpasensyahan mo na sila," Bulong ko kay Sica na aliw na aliw sa panonood sa gag show ng mga friendships ko. "Nakaligtaan kasi nila ang pag-inom ng gamot. Hayaan mo't may natitira pa namang katinuan sa amin ni Maki kaya may makakausap ka pa ng maayos."
Nangingiti naman siyang tumitig sa akin. "It's fine actually. Nag-e-enjoy naman ako. Ngayon lang ulit ako nag-enjoy na marami akong kasabay." pag-amin niya.
Ngumiti naman ako ng matamis at iginilid ang hibla ng buhok sa tainga ko. Nakakakilig talaga mag-smile. Hay!
"Kain muna bago landi." Ang mahina ngunit mapang-asar na parinig ni Maki sa amin.
Simula nang ma-basted naging bitter na. Kainis.
"Sica girl, ingat-ingat ka nga pala riyan kay bebe Chloe," Babala ni Mareng Terensiyo na ikinataas ng kilay ko. At anong dapat ipag-ingat ni Sica sa akin, eh, ang bait-bait ko pa nga? "Nangangagat 'yan kapag may topak! Rawr!"
"Hoy, ang kapal!" pagtanggi ko nang mariin, "Hindi ako nangangagat!"
"That's fine with me, Terence." Mahinahong sagot ni Sica, pero yung way ng pagkakasagot niya, parang sagot na dapat ka nang kabahan. Tumitig siya sa akin at ngumisi. "Marunong naman akong gumanti ng kagatan."
Napalunok ako. Water! Water! Nang-aakit siya! Hindi ko 'to keri!
"Oh, my!" Singhap na naman ni, again, Terence. "Ito na ba yung sinasabi nilang...sexual tension? Oh, my!"
"Landi mo, Bakla." Iritableng saad ni Sally na himalang tapos nang manood ng KDrama niya. "Mukha kang sexual. Palibhasa tigang."
"'Oy, hindi! Ang totoo nga niyan—"
"Hindi kami interesado." Sabay-sabay naming putol sa anumang sasabihin niya.
Ngumuso lang siya at buong kaartehang inirapan kami.
Natapos naman ang lunch break namin ng matiwasay. Buo pa naman si Terence at walang na-murder na pagkain dahil sa tangkang pagganti niya. Overall, mukha pa naman kaming mga mabubuting estudyante ng paaralan.
"Sabay tayong uuwi mamaya." Ang sabi—este, utos ng diyosa sa akin. Wala, eh. Statement talaga. Ayaw man lang akong bigyan ng chance na mag-isip o kumontra man lang.
"Oo na." sabi ko na lang. Inayos ko yung salamin ko habang naglalakad kami papuntang room ko.
"Hintayin mo ako sa tapat ng room niyo."
"Oo."
"Good."
Nauna nang pumasok sa loob sina Terence. Susunod na rin sana ako kung hindi lang ako hinila ni Sica palapit sa kanya. Bigla tuloy akong nailang kasi kitang-kita kami ng mga classmates namin.
BINABASA MO ANG
Sica Cabrera (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at ang pasaway kong aso na si Doraemon. Pero nagbago ang lahat nang bumungad sa pinto ng kwarto ko ang...