Huling Kabanata

22.9K 837 107
                                    

"Umalis na ulit sila." Sabi niya sa akin habang magkayakap kami. Nandito kami ni Sica sa kwarto ko. Wala, eh. Tenant na yata siya kasi laging present sa bahay namin.

Dapat sa babaeng 'to sinisingil na sa renta at nang kumita naman ako.

"Okay naman na ba kayo ni Papa mo bago sila umalis?" tanong ko sa kanya.

Bilang lang sa daliri na nakita ko yung Papa niya. Pero tingin ko mabait naman siya. Kaso minsan nakakatakot talaga siyang tumingin, yung paramg kapag naka-eye to eye mo siya mas gugustuhin mo na lang na magtago.

"Ewan ko."

"Anong ewan ka riyan. Tatay mo 'yon, 'oy!" Pinitik ko siya sa noo niya. Ang kaso pinitik niya rin yung noo ko kaya napangiwi ako sa sakit. "Ang bigat ng daliri mo!"

"Naiinis pa rin ako sa kanya." sagot na lang niya. Hindi man lang pinansin na ang sakit ng ginawa nito.

Wala naman na akong nasabi. Nalaman ko na kasi na kaya pala may gap silang mag-tatay ay dahil mismo sa wife ngayon ng Popsicles niya.

No'ng namatay si Tita—ang Mama ni Sica—nalaman niya na may iba pa palang karelasyon si Paps niya at 'yon na nga. Feeling ni Sica, natuwa pa ang Tatay niya na nawala si Tita kasi after lang ng isang taon ay kinasal na 'to do'n sa girl.

Kaya ayon, hanggang ngayon hindi pa rin sila close.

"Magbati na kasi kayo."

"Next time na, tinatamad pa ako."

Hay nako. Ang tigas talaga ng bungo, dinaig pa ako.

"Just hug me, okay?" sabi niya sa akin. Mas hinigpitan ko ang pagkakayapos ko. Clingy pa kasi sa akin 'tong si Sica. Kakaloka, ang laking babae pero parang bata naman minsan kung magpalambing. "Kailangan ko ang warmth ng girlfriend ko."

Kinilig naman yung puso ko sa narinig. Sa sobrang kilig  ako na mismo ang humalik sa labi niya. "I love you, Sica."

"Dapat lang."

Kakatapos lang ng birthday ko last week. Yay, isa na akong ganap na dalaga!

Wala namang masyadong nangyari except sa isang maliit na salu-salo sa pagitan namin nina Kuya, ni Sica, at ng mga kaibigan ko. At siyempre, hindi nawala sa okasyon si Doraemon na todo abang sa mga nakahain na pagkain.

Hindi ko naman kasi hilig yung mala-engrandeng celebration, yung tipong isang buong barangay ang invited. Siyempre una sa lahat, hindi naman ganoon karami ang kilala ko, 'no. At tsaka nakakabutas lang ng bulsa 'yon. Baka paggising ko bukas pulubi na kami.

Ayoko namang maabutan ako ni Sica sa tabing kalsada habang may hawak na lata o kaya makitang sumasabit sa jeep habang nag-aabot ng sobre. Huwag gano'n.

Natawa ako sa na-imagine ko. Pulubi agad, eh.

At siyempre, hindi ko makakalimutan na noong mismong araw ng kaarawan ko...naging official na kami ni Sica.

At ang pinakanakakagulat na revelation na nalaman ko noong araw ng beerday ko ay...parehas pala kami ng birthday ni Sica!

Kaya pala nakalagay sa banner na ginawa ni Kuya ay Happy Birthday, Chloe and Sica! Akala ko mema lang talaga.

Nasira tuloy ang pangarap ko na maging kasing-age siya kahit ilang buwan o araw man lang. Kaasar. Pagtuntong ko ng eighteen, siya namang pagtanda niya rin.

Pero okay lang, at least special yung birthday namin. Kasi iyon na rin ang magiging date ng anniversary namin. Ibig sabihin, wala kaming mai-excuse na nalimutan namin yung date ng anniversary kung sakali.

Sica Cabrera (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon