Kabanata XV

24K 948 80
                                    

"Pwede mag-back out—"

"No." Matigas na sagot ng demanding na babae sa akin.

Napanguso ako. Naman, eh! Anong alam ko sa pakikipag-date? Paano ba 'yon? Kinakain ba 'yon? Kaasar! Hindi ko alam kung paano ginagawa ang date pero ako naman 'tong wagas kung kabahan.

"Sica—"

"What?"

"Taray naman!" ungot ko, "Itatanong ko lang naman kung saan tayo pupunta."

Kasalukuyan niya akong hinihila palabas ng bahay namin. Nakita kami ni Kuya pero baliwalang kumaway lang ito bago muling hithitin ang hawak na sigarilyo. Talaga nga namang kapag tinamaan ka ng kabaliwan. Pinapamigay na yata ako ni Kuya, eh.

"Sa bahay ko."

"Huh?" Natuliro yata ako sa narinig. Sa bahay na naman niya? Edi kung doon nga kami pupunta, pangalawang beses ko na 'tong mapapadpad sa kanila. Napalunok ako nang maalala yung huling tagpo namin doon. Sa kwarto niya. "B-bakit? Anong gagawin natin doon sa b-bahay niyo?"

At saka gabi na! Bakit sa gabi ang date? Bakit!

Huminto siya at mariin akong pinagmasdan. Bigla yatang nanlamig ang kamay kong hawak niya. Napalunok ako. Yung itim na itim niyang mata, natutunaw ako. Help!

Halos matulala ako nang ngitian ako ng mapang-akit ni Sica. Mapang-akit nga ba, o ako lang ang nag-iisip no'n? Oh, my gulay! Bakit ba ako napupunta palagi sa ganitong sitwasyon?

Pwede bang mamatay nang lahat ng ilaw dito para hindi ko na siya makita?

"Ano bang ginagawa sa bahay?" Lumapit siya at walang kahiya-hiyang hinapit ang baywang ko. Napatingin ako sa paligid. Baka may makakita sa amin. Lagot! "Specifically...sa kwarto..." Inilapit niya ang bibig sa aking tainga. "Ko?"

And I almost died.

Maghuhukay na po ako ng libingan dito mismo sa pwesto ko. Magbubungkal ako gamit ang mga maiiksi kong kuko. Magpapanggap akong patatas at habambuhay nang magtatago sa lupa. At siyempre, dapat may baon akong lollipop.

Nagulat ako nang hilahin niya ulit ako habang tumatawa. Teka nga, anong nakakatawa?

"Ang cute mo mag-blush."

"H-h-h..." Malakas na tumikhim ako. "Hindi ako nag..." Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. "Hindi ako nagb-blush, 'no!"

"Sure, sure."

"Hindi nga kasi!"

"Oo nga."

"Huwag kang tumawa!" Singhal ko sa kanya bago ngumuso. Kaasar, eh. Kung hindi ako aakitin, aasarin naman ako. Porke maganda siya! Cute naman ako, ah!

Cute nga ba? Nanunuyang bulong ni Brainy. O baka tama nga sila na mukha kang otoko sa paningin nila?

Napaungol ako dahil sa pagkapikon. Pati isip ko, binu-bully ako!

Natigilan ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi. Ngiting-ngiti ang loka. "Ang cute mo."

See? Cute ako!

Pero bakit sa cheeks lang? Hindi ba pwedeng—natigilan ako sa iniisip ko. Ang harot mo, Chloe! Magtigil ka!

At dahil sa pakikipag-usap ko sarili ko ay hindi ko na namalayang nakarating na kami sa bahay niya. Kung paano? Aba'y naglakad siguro.

Hawak niya lang ang kamay ko. As usual, tahimik pa rin dito. May guard naman pero mukhang mga aloof. Ano ba 'yan. Pinapasok nila kami. Walang kaimik-imik na naglakad kami ni Sica papasok.

Sica Cabrera (GL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon