CHAPTER NINE

929 23 3
                                    

CYRA

Tatlong linggo.

Tatlong linggo na simula nung araw na 'yon kung saan ko tinanong si Tyron kung pwede ko ba s'ya maging kaibigan.

Sa tatlong linggo na 'yon walang araw na hindi ako nakangiti dahil hindi nalang isa ang iniintindi ko.

Dalawang pasaway na.

"Cyra." Napaangat ang tingin ko at agad na napangiti nang makita ko si Tyron na hingal na hingal. "Sorry natagalan ako may inutos kasi si Mama."

Ngumiti naman ako at tumango.

"Okay lang, si Shane pala?" Tanong ko.

"May practice daw sila ng banda n'ya, bumabanda na si baliw." 

Natawa ako sa sinabi ni Tyron.

Alam ko naman na si Rafaella ang dahilan kung bakit sumali si Shane sa banda na 'yon.

Sana naman mapansin s'ya.

Umupo na si Tyron sa katabing swing kung saan ako nakaupo.

Kahit tatlong linggo ko palang s'ya nakakasama ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya.

Kahit pa'no nabawasan ang lungkot ko sa pag-alis ni ate at doon sa sumusulat sa'kin.

Sino kaya s'ya?

Aaminin ko naman, may crush ako sa nagpapadala ng sulat na 'yon, kaso bigla nalang s'yang nawala.

I sighed.

Lahat nalang.

"Saan mo gusto pumunta? Sayang wala si Tyler."

Tumingin ako kay Tyron at ngumiti.

"Ikaw bahala."

Tumango-tamgo naman s'ya at mukhang nag-iisip kung saan kami pupunta.

"Fireworks?"

Halos magningning ang mata ko sa narinig ko kay Tyron.

Gusto n'ya rin ba 'yon?

"M-manonood tayo?"

Tumango s'ya. "Gusto mo?"

"Gustong gusto!" Mabilis at nakangiti kong sagot.

Tumayo na s'ya at itinapat sa'kin ang kamay n'ya.

"Tara, may alam ako."

~*~

"Sorry kung masikip marami talagang nanonood dito pag may fireworks display." Sabi ni Tyron habang nakikipagsiksikan kami para makahanap ng magandang pwesto.

Hindi ako makasagot dahil nakatuon ang atensyon ko sa kamay n'ya na nakahawak sa kamay ko.

Bakit ba hindi mapakali ang loob ko.

"Pwede na tayo dito."

Mula sa kamay naming dalawa nabaling naman ang atensyon ko sa mukha n'ya.

Mas lalo yata akong hindi nakahinga.

Ang gwapo n'ya rin pala?

"A-ah.. oo okay na dito."

Wag ka naman mautal.

Binitawan na n'ya ang kamay ko at tahimik kaming naghihintay na magsimula ang fireworks.

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon