CHAPTER THIRTEEN

857 20 1
                                    

CYRA

(One month passed.)

Two months ago.

May isang babaeng palaging nasa park.

Palagi s'ya nagpapa-ulan. 

Nag-iisa sa lamig at kuntento lang sa isang kaibigan n'ya.

Hindi mo masasabing masaya ang araw-araw n'ya pero kuntento na s'ya sa kung anong natira sa kanya matapos mawala ng magulang n'ya.

Her everyday life was like, being alive but don't know how to live.

She isolate herself too much.

Ikinulong n'ya ang sarili n'ya sa isang kaibigan lang at hindi na tumanggap pa ng iba.

Pero isang araw..

May isang dumating sa buhay n'ya para baguhin lahat ng paniniwala n'ya matapos ng masakit n'yang nakaraan.

Sa araw-araw na kasama n'ya ang taong 'yon, naramdaman n'ya 'yung mga bagay na hindi na n'ya nararamdaman dahil sa nakaraan n'ya.

"Sino ba kasi s'ya?"

Haynako! Hindi pa nga ako tapos mag-kwento!

"Yah! Patapusin mo ako!"

Tinawanan lang ako ni Tyron at nagulat nalang ako nang yakapin n'ya ako.

Nandito kami sa bench ngayon dito sa park kung saan kami palagi.

"Wag mo na ituloy hindi ko ma-take baka ma-overdose ako sa kilig."

Napairap nalang ako.

Siya kaya ang nag-request ng kwento na 'yan, tapos ngayon ayaw n'ya ituloy.

Natalo n'ya kasi ako sa bato-bato pick kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang consequence na Ikwento kung pa'no ko naging gan'to sa kanya. Kaya lang, 'yun nga. Ayaw na n'ya daw ituloy.

Hinawakan n'ya ang kamay ko at ikinulong 'yon sa kamay n'ya.

"Ilang beses kong hiniling na mahawakan ko 'yung kamay mo nang ganito. Ilang beses kong pinangarap 'to. Tapos ngayon.." tinignan n'ya ako at ngumiti. "Natupad na."

Isang buwan na ang nakalipas simula nang maging kami ni Tyron.

That day tinanong n'ya kung pwede n'ya akong maging girlfriend n'ya. Pumayag ako dahil gusto ko s'ya. Wala na s'yang kailangan patunayan sa'kin sa lahat palang nang nakita ko sa basement n'ya.

Agad ko 'yon pinaalam kay Tita at syempre nung una nagalit s'ya dahil napakabata pa namin para dito. Pero walang magawa si tita dahil alam n'yang masaya ako sa mayroon ako ngayon.

Alam na din ni Tita Vana, ang Mama ni Tyron. Nagulat nga ako dahil tuwang-tuwa s'ya nung malaman n'ya. Katulad ni Shane na mas kinikilig pa yata saming dalawa ng pinsan n'ya.

Masaya ako kahit sila lang ang mayroon ako. Lalo na sa taong kasama ko ngayon.

'yung two months na kasama ko s'ya. Wala yatang araw na hindi ako masaya. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako masaya nung si Shane at Tita lang ang mayroon ako. Pero ngayon kasi. Masasabi kong,

Buhay ako.

Nararamdaman ko ulit mabuhay na masaya at may mas ikukuntento pa pala 'yung contentment na naramdaman ko dati.

"I love you."

Napalingon ako kay Tyron nang marinig ko nanaman ang tatlong salita na 'yon.

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon