CHAPTER FOURTEEN

894 20 7
                                    


CYRA

Nandito ako ngayon sa bench sa may waiting area malapit sa gate ng school at hinihintay si Tyron. Ganito ang araw-araw naming routine. Sabay papasok, sabay sa lunch, at sabay din sa pag-uwi.

Hindi kami magka-year. Second year ako at third year naman s'ya. Mas lamang s'ya sa'min ni Shane ng isang taon.

Isang linggo narin pala ang nakalipas simula nung mag-pasukan.

Habang naghihintay ako kay Tyron, hindi ko nanaman maiwasang isipin 'yung napaginipan ko kagabi.

Napaginipan ko na lumalayo sa'kin si Tyron.

Hindi ko alam kung bakit napaginipan ko ang bagay na 'yon, samatalang hindi ko naman 'yon iniisip. Buti nalang din at agad akong nagising dahil pakiramdam ko binabangungot ako kagabi dahil doon.

Ayoko na ulit 'yon mapaginipan pa.

Napaangat ang tingin ko nang biglang tumalon sa harap ko si Tyron na hingal na hingal.

"Natagalan ba ako? kasama kasi ako sa mga cleaners ngayon." Sabi n'ya.

Ngumiti naman ako at umiling.

"Hindi naman, tara na." Aya ko.

Nauna na akong maglakad pero napahinto ako nang madaanan ko ang bulletin board.

Napahinto rin si Tyron at napatingin sa tinitignan ko.

"Sasali ka sa audition?" Tanong n'ya na nagpapitlag sa'kin.

"H-ha? Hindi."

Nakatingin kasi ako kanina sa papel na nakadikit sa board kung saan sinasabi na may pa-audition ngayon para sa Melo Club. Club 'yon dito sa school kung saan kabilang ang mga kumakanta kapag may ginaganap na event.

Sasali naman sana ako dati d'yan pero simula nung aksidente kila Mama at Papa hindi na 'yon natuloy pa.

Sila lang naman kasi ang inspirasyon ko noon sa pagkanta.

Nagulat ako nang biglang hilain ni Tyron ang kamay ko pabalik sa campus.

"Room 104, 4rth floor. Tama?" Tanong n'ya habang tangay-tangay parin ako.

Nanlaki ang mata ko nang ma-realized ko kung saan n'ya ako dadal'hin.

"A-ayoko mag-audition."

Napahinto s'ya sa sinabi ko at hinarap ako.

"Bakit? Halatang gusto mo sumali."

Napayuko naman ako sa sinabi n'ya.

Totoo 'yon.

Totoong gusto ko parin sumali pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob.

"Sigurado akong matutuwa ang parents mo kapag ginawa mo 'yung bagay na gusto mo."

Napaangat ang tingin ko sa sinabi n'ya at sinalubong n'ya ako ng isang ngiti.

"Kaya mo 'yan, kasama mo ako." Sabi n'ya at ginulo ang buhok ko.

"Yah! 'yung buhok ko."

Hinila na n'ya ako ulit at nagpatangay narin ako sa kanya.

Tinignan ko ang mukha ni Tyron na nakangiti habang hawak ang kamay ko.

"Kaya mo 'yan, kasama mo ako."

Tama.

Kaya ko 'to.

Sad Beautiful TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon