Part 2

1K 21 0
                                    

Naging busy ako sa pagpabalikbalik ko ng Amerika to visit Tito Allen who was confine there. Ako kasi ang nag-aasikaso sa mga gastusin ni dad sa ospital doon.  Nathan wanted to help me sa mga hospital bills but I refuse. He should take care muna of his wife dahil nalaglag ang pangatlong anak nila. Naistress si Michelle sa pagkalaglag ng baby niya. Nandoon ako nung time na inuluwal niya ang panghuli but when the doctor tap it's butt the baby didn't respond. They tried to revive the baby but it's useless. It was heartbreaking knowing na hindi na ito humihinga pa. Tita Amy cried too, alam niya kasi yung feeling na mawalan ng anak. Tapos hindi pa sila pwedeng magkaanak muna ulet dahil sa lumalalang kalagayan ni Tito Allen. At ako na panganay sa pamilyang ito ay dapat lang na maging matatag at matapang para sa kanila. I can't be weak because I am the only one they can rely on.

Pero heto ako ngayon nagiging duwag na umiiwas sa bestfriend ko. Nagbubusy-busyhan ako para hindi kami magkita, sila ng boyfie niya. Sa mga nagdaang araw kasi na nagkakasama kaming tatlo, as usual kasama syempre yung boyfriend niya, nasasanay na ako sa presensya ng boyfriend niya. Yung tipong nakikisali na ako sa kulitan nila na dapat ay quality time nilang magkasintahan. Kaya ngayon umiiwas ako para burahin na talaga ang lumalalim na paghanga ko sa boyfriend niya. Nagseselos na kasi ako minsan lalo na at nagsusubuan sila sa hapagkainan at sa harap ko talaga mga ateng. Mga walangya! Charot! Hindi naman sila walangya ako lang talaga kasi nagseselos ako kahit wala naman dapat akong karapatan magselos. 

Natatakot na nga ako sa nararamdaman ko kasi mas nahuhulog pa ako lalo sa mga pag-aalaga rin sa akin nung boyfie ni bes. Siguro nagtataka kayo kung bakit boyfriend ni bes ang tawag ko dun sa lalaki noh? Eh kasi baka pag inalam ko pa yung pangalan niya eh mas mahirap kalimutan. Baka matulad ako sa ibang nagmomove-on na pag narinig lang ang pangalan nung lalaking iniibig nila sa ibang tao nag-eemote nalang bigla bigla. Boyfie naman ang tawag sa kanya ni bes kaya hindi ko talaga malalaman name nung lalaki niya. Baka pag nabaliw ako ng konti ipa-engrave ko pangalan nun sa lahat ng mga gamit ko at sa lahat ng sulok ng kwarto ko eh sa ganun ako magmahal. 

Katulad nalang nung magkacrush ako sa high school classmate ko nun syempre classmate kaya alam ko talaga pangalan. Nagalit nga yun sa akin kasi lahat nalang ng madadaanan ko pati mga gamit ng ibang tao nilalagyan ko ng pangalan niya. Kinausap niya ako sa kung bakit ko daw yun ginagawa tapos sinabi ko na crush ko siya kaya ganun pero alam niyo ba kung ano ang sinabi niya? Sinabihan lang naman niya ako na tigilan ko na daw kasi nakakatakot na daw ang ganun. Kulang nalang daw ipakulto ko yung pangalan niya.

Umiyak ako nung time na yun. Mga ilang buwan ako nag-eemote. Di nga ako makausap nina Tita Amy kasi gusto ko munang mapag-isa. Ang OA ko na ba kung mag-eemote ako dahil lang sa nakakatakot daw akong magkacrush? Kaya simula nun hindi ko na inaalam ang mga pangalan ng mga crush ko. Puro hoy lalaki, classmate, batchmate, pare, dude, tol, dre at iba pa. So please lang wag niyo akong pilitin alamin ang pangalan nung lalaki ng bestfriend ko.

BLOG POST #1: "Alam Mo Ba Yung Feeling?"

(I change some lyrics here for this story only.)

Alam mo ba yung feeling na...

Nababaliw ka na sa kanya?

Di mo alam kung ano ang gagawin
Iiwasan ba o ipupush ko na
Alam mo ba yung feeling na...
Nagpipigil ka na

Di mahalata ng kaibigan mo

Kasi baka masaktan siya at masira rin ang pagkakaibigan niyo.

Alam mo na

Alam mo na

Don't Say Goodbye (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon