Part 3

1K 14 0
                                    

Nasa kusina ako at nakatayong kumakain ng breakfast. Mas nauna sa aking magising si bes. Pero ewan ko ba kung anong trip niya ngayon dahil diretso ba naman sa sala at nanlulumong itinukod ang baba sa sandalan ng couch na nandoon. 

Binalewala ko nalang at naglakad na papunta sa lagayan ng mga sapatos namin at naghanap ng shoes to fit my outfit-of-the-day. I'll be meeting Nick's fiancee na si Roxy kasi today to choose a wedding gown for her. Happy ako na sa wakas ay nakagraduate na rin ang aking kapatid na si Nick. Nakawala na talaga siya sa Indenial Stage. He always denies kasi na meron na siyang nararamdaman kay Roxy. Takot lang sigurong umamin. What a coward, right?! Buti nalang at hindi na talaga idinideny pa.

"Bes?!" tawag sa akin ni bes na ramdam kong nakatingin na dito sa gawi ko. 

"Bakit bes?" sagot ko habang isinisuot ang napiling heels na susuotin.

"When I turn 26 next week should I ask my boyfie to marry me?" nakasimangot niyang tanong sa akin.  Napatigil ako sa pagsuot ng aking kaliwang sapatos at taas ang kilay na binalingan siya.

"Bakit naman ikaw ang magyayaya ng kasal diba dapat lalaki lang ang magtatanong ng mga bagay na yan sa babae?" 

"Eh baka kasi matagal tagal pa niya maisipang magpropose. Ni wala nga kaming topic related sa kasal eh. Ewan ko ba kung may nag-iba ba sa nararamdaman niya sa akin o busy lang talaga siya. Ano sa tingin mo?" pasimple akong tumalikod sa kanya at napariin ng pikit.  Naguguilty tuloy ako na hindi ko sinabi sa kanya ang pinag-usapan namin ng boyfriend nung nakaraan. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga sinabi sa akin ng boyfriend  niya nung nakaraan pero natatakot ako sa pwedeng mangyari sa relasyon nila bes. 

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago muling hinarap ang aking kaibigan lugmok na lugmok pa rin.  "Kung gusto mo talagang makasal na kayo agad agad oh edi tanungin mo siya kung kailan niya gustong magpatali sayo. Ikaw ng bahalang magpropose tutal mukha ka namang lalaki."

"MILLIE GARCIA?!!?!~~~" 

"Bayie~" pangisi ngisi kong paalam sa kanya at dali daling lumabas ng condo.






NASA tapat na ako ng condominium building nun at nag-aantay sa fiancee ni Nick nang maisipan kong tingalain ang condo unit namin. Glass wall kasi ang harapan kaya kita mula dito sa labas ang happenings sa loob.  Napangiti ako nang makita ang mukha ni bes na nagdadabog sa couch at nagmamaktol sa sala. Pero nawala lang ang aking ngiti nang sa sumunod na eksena ay nag-appear ang boyfriend from nowhere. Hindi ko nga nalaman na nakapasok na pala ito dahil saglit lang akong nakatingin kay bes. 

Bumigat pa ang aking paghinga nang mapansin siya ni bes at sinalubungan ng halik. Doon na ako umiwas. Hindi nakeri ng puso ko yung eksena nila ng boyfriend niya. Nasasaktan ako at di ko mapigilang magselos kahit alam ko naman na wala akong karapatan magselos.



BLOG POST #2: Letting You Go

It pains me real hard

But I have to do this

To lessen the pain inside my heart

I don't want to pretend anymore

That I'm fine seeing you with her

I don't want to pretend that

It doesn't affect me that much

Don't Say Goodbye (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon