3.School

43 8 0
                                    

School

"Handa ka na ba?" Tanong ni Alynah sakin. Ang babaeng kahawig ko.

Ang kambal ko daw. O sabihin natin kambal ni Aliyah

Si Aliyah ang babaeng kumakausap sakin sa isip

Lulubog lilitaw. Gaya ngayon, Hindi siya umiimik.

Nag-nod na ako bilang sagot. Wala akong ganan na magsalita.

Kasalukuyan nilang inaayos ang gamit ko na dadalhin sa Luna. Lugar kung saan daw ako mag-aaral.

Oo mag-aaral ako. Pero hindi ko maramdaman ang pagka-excited.

Kinakabahan pa nga ako eh.

Isang buwan narin ako dito. Kung tawagin nila ay Sol, isang parte daw nang Celes.

Nagising nalang ako isang araw nasa iba'ng mundo ko.

Sa ibang katauhan pero parehas na mukha.

A place far diffrent from earth.

A place where power exist.

A place called celes.

A place without night, without moon.

Only a sun.
Hindi lang isa kundi dalawang araw. Isang malaki at isang maliit.

Pag lumabas daw ang araw nagtago daw ang buwan.

Nagising din ako sa katauhan bilang Aliyah. Basta ang sabi ni Aliyah ako at siya ay iisa.

Ang gulo noh?

"Handa ka na ba?" Tanong ulit ni Alynah.

Isa din 'tong magulo kausap eh. Paulit ulit?

Unlimited?

"Paulit ulit teh?"

"Ang tinatanong ko kung handa kana bang papasukin sa loob ng katawan mo ang mga mana mo?"Sabi niya.

Bigla yata ako napa-lunok sa sinabi niya.

Hindi ko yata un gusto.

Seriously?

Papasok sa loob ko yung apat na yun?

" hehe.Kailangan pa ba yun?"

Akala ko nakalimutan na nya.

"Yes, you're powerless without them. Hindi basta basta academy pupuntahan mo ka-kailanganin mo sila. Kailangan mo nga kapangyarihan. Lalo ngayon lahat ng kapangyarihan mo nawala at nag-iba ka Aliyah. Para kang baguhan!"
Mahabang sabi niya, habang sinesenyasan ang apat na lumapit samin.

Malamang, hindi naman ako si Aliyah eh.

Si Ayaca kya ako.

Sa totoo lang.. I don't have any idea. Kung paano papasok sa loob ko ang mga mana na yun.

Ang mana daw means power.

Lumapit naman ang apat sa'min.

"Mauna na ako!" Sabi nang babaeng may itim na buhok. Humarap 'to sakin.

"Handa ka na po?" Magalang na tano'ng nya sa'kin.

Nag-nod na lang ako.

Dark's Familiar ( celestine academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon