Hindi ko na malayan napatulala na pala ako sa kakaisip ko about kay Keeper at Ashton na yun."Uy. Nakikinig ka pa ba samin?" Sabi ni Rina.
"Huh? Pasensya na iniisip ko lang kasi kung ano connection ko kay Ashton hindi ko naman siya kilala" Sabi ko.
Un naman kasi ang totoo.
Tumunog yun doorbell dito sa dorm namin kaya napilitan si Rina lumabas sa silid ko para tignan sinu yun tao sa labas.
O mas maigi sabihin sinu Celestian ang nasa labas.
Maya maya pumasok ang isang lalaki naka suot ng itim na coat. Gwapo 'to pero halatadong suplado. Madami talaga gwapo dito sa school.
"Ikaw ba si Ayaca Rayven?" Tanong nito sakin.
Bakit niya ako hinahanap?
Hindi agad ako naka sagot dahil sumunod si Rina na nagpapadyak.
"Hoy Itim, sinu nag sabi sayo pwedi ka pumasok dito?" Sabi ni Rina sa lalaki.
Magkakilala sila?
Nagkatinginan kami ni Alex.
"Ako! " Tipid na sagot nang lalaki at binaling ulit ang tingin sakin.
"Ikaw si Ayaca Rayven diba?"
"Hoy, kinakausap pa kita, bakit ka nandito. Trespassing ka!" Sigaw ni Rina
Naiinis na humarap yun lalaki kay Rina.
"Can you shut up. Hindi ikaw ang pinunta ko dito!" Sigaw niya kay Rina.
Wow!
May L.Q?
Gusto ko sana sabihin pero nakikiramdam lang ako.
"Kahit na, kung ano man pakay mo, hindi ka parin dapat basta basta pumapasok!"
Tama naman si Rina.
"Tss." Hindi niya pinansin si Rina at hinarap ulit ako.
"Ms. Ayaca Rayven. Ang pangalan ko ay Black. -"
"Hindi niya tinatanong pangalan mo. Kaya umalis kana!" Sabat ni Rina habang tinuturo pa ang pinto.
"Ako ang school president ng Celestine. Naparito ako dahil pinapatawag ka ng Reyna!" Pagpapatuloy niya.
--
Nandito ako ngayon sa loob ng palasyo. Hinhintay ang pagdating ng mahal na Reyna. Kasama ko nag hihintay ang mga royal guard .
Sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Bakit ako pinatawag ng reyna?
Ano kasalanan ko??
Bumukas ang malaking pintuan at laman ang Reyna.
Agad nagsiyuko lahat ng royal guard.
"Bow your head on the queen!" Sabi ng Guard na malapit sakin kaya yumuko ako.
BINABASA MO ANG
Dark's Familiar ( celestine academy)
FantasíaMaster and Familiar relationship. You should not fall inlove with your master or familiar. Isa yan sa pinaka mabigat na rule at bawal labagin once you contract to your familiar. Ngunit maraming lumabag sa batas na yan. A master always fall inlove w...