Chapter 8 - The reason

72 3 1
                                    

Nagpasalamat nalang ako at naglakad sa gawi na itunuro niya.

Napagpasyahan kong isuot na yung mask. Nang makarating ako sa ikaapat na bahay parang ang tahimik naman ng party nila. Pinindot ko ang doorbell.

Nag antay ako ng ilang sandali bago bumukas yung pinto. Biglang may pumaradang kotse sa gilid ng daan.

"Sino po sila?" Natinag ako sa nagsalita. Napatingin ako sa may gate, isang babaeng may edad na nakadamit pang kasambahay.

"Dito po ba kela Mi-"

"MIA?!" I snapped when I heard a familiar voice.

Nilingon ko ito,

"Donny?" Namilog ang mata ko dahil hindi ito naka-costume! Nakaformal attire ito! Naka white long sleeve na na-unbutton yung dalawang botones sa may leeg at medyo expose and dibdib, naka maong pants naman to, at naka brushed up ang buhok. Muka akong tanga sa suot ko. Pero shet

Ang gwapo, so fresh

"Mia?! Is that you?!" Gulat pa ring tanong ni Donny na naglakad papalapit sa akin, ako naman tong nakamask ay napaatras.


Hindi pa rin ako nakapagsalita. Sobrang gulat.

"Hey," paggising niya sakin. Nasa harap ko na ito.

Biglang bumukas ang malaking pinto at napatingin kami dun.


Yung mga asungot na nakasagutan namin ni Hanna at yung mga nagparinig sakin kanina sa gym.


At naka-dress silang lahat. Sobrang iksi.


"Omgeeeeee, who's that creep?!"


Gulat na gulat pa rin ako. Kela Mitch to sigurdo ako dahil dito rin pumarada si Donny. Pero bakit ganon? Parang ako lang yung naiiba.


Nagsilabasan na ang mga tao sa loob, mukang magsisimula pa lang ang party. Pagpepyestahan ako nito panigurado.


Wtf Mitch?

"Mia, let's go." Donny tugs my wrist and started to get back to his car when suddenly Mitch enter the scene.

"Why are you leaving Donny, you just got here, right?" Nakakairitang tinig ni Mitch. Oo, nakakairita na.


Donny stops. Nagbuntong hininga muna ito bago humarap.

"We. Are. Leaving." Mariing sabi ni Donny. Ramdam na ramdam sa boses niya ang pagkairita.


"WE?! With who? With her?"

Alam kong ako ang tinutukoy ni Mitch. Hindi ko man sila hinaharap ay alam kong nasa akin ang atensyon ng lahat.


"With my special guest?" Diin niyang sabi.

Ngayon klaro na sakin ang lahat.

Kaya pala gustong gusto niya akong papuntahin sa party niya at pinagpasuot ng ganito upang pahiyain ako.

Kumulo ang dugo ko na para bang gasolina na pag sindihan ay liliyab na to.

Kasalukuyang hawak hawak pa rin ni Donny ang wrist ko.


"Hey Mitch, so you invited a special guest pala, surprise mo ba yun? Hahahaha! We are really shookt like OMG! Mind if you tell us who's that creepy special guest of yours?" Sakristong tanong nung babaeng unang nakakita sakin. Ramdam kong alam nila ang plano ni Mitch. Nagtutulongan sila para pahiyain ako.

TORNWhere stories live. Discover now