Prologue

14 1 0
                                    

The sunlight kissed my skin telling me it's time to wake up and move my ass out of the bed. I only had 3 hours of sleep.

"Hello?" Sagot ko sa tawag sa aking cellphone.

"Oh good morning Alexandrette Luciana Salvatorre! Ano nakapagdesisyon kana ba?" masiglang sabi nya.

"Ugh please Cassie, busy ako mamaya nalang natin pag usapan" sagot ko.

"Pero nasabi mo na kahapon yan" malungkot na sagot nya.

Nanatili akong tahimik. Masyadong puno ang utak ko ng ibang bagay para pag-isipan ang alok nyang bakasyon daw.

"Hay friend! Um-oo kana kasi. Isang linggo nalang bakasyon kana. Anong balak mo? Isang buwan lang naman yun! Para magkalove life ka naman!" Dagdag pa nya.

Love life? Sinong nagsabi na kelangan ko nun?

"Hindi ba't ang bakasyon ay para makapagpahinga? Anong lovelife ang pinagsasasabi mo?"

Umeepekto nanaman ang kaharutan ng babaeng to.

"Eh oo ganon nga! Parehas lang yun no! Kaya sumana kana please! Alam mo namang bored na bored ako pag ako lang ang umuuwi na Puerto Leon kaya sumama kana." Pagmamakaawa nya.

"Pag iisipan ko Cass, sige na kelangan ko nang maligo. I have a class to attend you know."

Then I ended the call. Ang kulit talaga ni Cassie. I did all my morning rituals. Simpleng shirt at highwaisted pants lang ang sinuot ko.

"Ma'am sorry nasiraan yata tayo" sambit ni Kuya Boy na driver namin.

"Kaya nyo bang maayos kuya? Antayin ko nalang po"- sagot ko.

Since maaga pa naman ako, siguro kaya ko pang hintayin.

"Nako ma'am, mukhang kailangan na 'tong dalhin sa pagawaan. Pasensya na po, tatawag nalang po ako ng taxi"

"Ay ganoon ba Kuya? Sige ako na pong bahala. Di na ko magtataxi, mas mabilis pag mag tren nalang ako. Ingat po kayo"

"Pero Ma'am Alex baka magalit mo si Madam pag nalaman nyang nag tren po kayo?"

Ugh. Mom. Pinapalaki talaga nila akong spoiled at dependent sa kanila.

"Nako kuya di naman po nya malalaman kung di nyo sasabihin. Sige po mauna nako!" paliwanag ko at saka ngumiti.

Matagal tagal ko na ring gustong masubukang sumakay ng tren nang ako lang mag-isa.

I went there and bought a ticket. Mabuti at kahit papaano alam ko kung pano ang sistema sa public transpo.

Hindi ko alam na ganito pala ka crowded dito.

May tumunog ba bell hudyat na nariyan na ang tren at agad namang nagsitakbuhan ang mga tao na parang may digmaan silang dapat na harapin.

Wala naman akong nagawa kundi tumakbo rin.

Hanggang sa makarating ako sa pintuan pero pasara na ito.

"Wait!---"

biglang may humawak sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya

"Aray!" reklamo ko

"Bawal pabagal bagal dito Miss."

Tiningnan ko ang lalakeng nag salita. Unang nahahip ng paningin ko ang mata nya na tila ngayon ko lang ata nakita.
Tiningnan nya ko pabalik atsaka tinaas ng bahagya ang kanyang kilay.

Matangos na ilong, magandang hubog ng mga panga, makapal na kilay, mahabang pilik mata at kulay brown na mga mata.

"Miss okay ka lang?" Tanong nya.

Hawak parin nya ang braso ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa dulot ng masyadong maraming tao ang nagsiksikan sa loob ng tren.

"Ah-oo, ayos lang ako"

Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata nya. Parang hinihigop ako nito sa kawalan.

Natigil ito nang tumunog na ang bell. Agad namang nagkagulo sa loob ng tren hanggang sa di ko na alam kung saan ako papunta. At ang mga matang tinitingnan ko ay nawala na..

Eyes on YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon