Kabanata 2

5 1 0
                                    

Festival.

Naglakad lakad ako sa school grounds para makita kung anu-ano ang mga hinanda nila para sa school fest. May mga booths and workshops silang nilaan para sa mga students. Meron ding companies na nag ooffer ng opportunities para sa graduating. Napukaw non ako interes ko. I'm graduating and that is what I need. Papalapit na ako sa isang kompanya nang biglang may humila sa'kin.

"AHHH--"

"Miss kayo diba si Alexandrette Salvatorre?"- sabi ng isang cute na babae na mukhang nasa lower batch.

"Ahh oo, bakit?" Tanong ko.

"Sorry po pero bayad po ito, para sa chain booth lang" tugon nya.

"Pwede bang tumanggi? Babayaran ko nalang"

"Nako miss! Hindi pwede eh tsaka wag kang mag-alala! Gwapo yung makaka chain mo! Mukhang mabango. Gugustuhin mo pang humirit ng isa" galak na galak na sabi nya habang hila hila ako.

Hay nako, kung alam lang nya. I'm done with pretty boys. I had several exes before at sawa na ako. They got pretty faces and pretty promises but they are not true to their words which make them really ugly.

"Tsaka bagay kayo! Sa ganda mo ba naman Miss. Maputi ka, yung lips mo natural na mapula, on fleek yang kilay mo at maganda kulot ng buhok mo sa dulo. Matangkad at sexy ka pa! Bagay talaga kayo nun ate" hirit nya.

Nang makarating kame sa booth ay nandoon naghihintay ang isang matipunong lalake. Moreno at gwapo. Nahihiyang ngumiti naman ito sakin.

"Tangina mo Primo! Ilibre mo ko mamaya ha!" Biro ng barkada nya yata.

Kinabit na sa amin ang handcuffs at nilock ito. Dapat pala ay nagpumiglas ako at tinakbuhan ang babaeng nagdala sakin rito. Napairap nalang ako.

"Okay! Okay! Bunot na po kayo kung anong gagawin nyo para makawala sa posas na yan" anang ng babae sabay lahad samin ng isang jar.

Bumunot naman ako dahil mukhang walang balak gumalaw ang katabi ko.

Nakabunot nako ng isa.

Holding hands while walking.

Napamura naman ako sa nabunot ko. Great Alex. Great.

"Dalawa pa po. Kuya ikaw naman po bumunot" utos ng babae.

Bumunot naman ang katabi ko.

Exchange numbers.

Collect 5 red scarfs.

Wow just wow.

"Okay simulan nyo na po!" Masiglang sabi ng babae.

I have no choice but to do this. Meh. Nakipag holding hands na sya sakin at ginawa ko rin naman na.

So the goal here is to collect 5 red hankies.

Naglalakad lang kame and the irritation is already in my head.
Napabuntong hininga nalang ako.

"Uhm.. Sorry pala dito, yung tropa ko kasi loko loko by the way I am Primo Antonio Meravilla from engineering department" sabi nya habang nakikipagkamay.

"Ayos lang gawin nalang natin yung dare, I am Alex" sabe ko sabay ngiti at tinanggap ang pakikipagkamay nya.

"I know you. Crush kita e" sabe nya pagkatapos at kinamot ang kanyang ulo.

"I don't like pretty boys and I heard manloloko raw ang mga taga engineering department" biro which is half meant naman talaga.

"Aww.. Don't generalize tsaka isa pa crush lang naman e" sabi nya at umarteng nasaktan gamit ang pag hawak sa kanyang dibdib.

Ngumiti na lang ako at di nalang sumagot. Nagtanong tanong nalang kami sa mga students kung sino ang may panyo na pula at nangakong ibabalik naman.

Primo did the talking at madali lang nya 'tong nagawa. Lalo na kapag babae ang kausap nya. Maybe the perks of being a gwapo? I guess.

Nakalima naman kami at bumalik na sa booth.

"Wow ang galing naman! Pero you need to exchange numbers para makawala na na" sabi ng babae.

Kinuha nya ang phone namin at sya ang nagtype ng number doon. Pagtapos ay tinanggal na nya ang posas.

"Thank you! Sana ay nag enjoy kayo! Next!" Sigaw ng babae
Mukang maraming studyante ang nakapila sa booth na 'yon.

Inayos ko ang bag ako at ningitian si Primo.

"Thank you dito and sorry sa abala. Well, see you around?" Sabi nya.

Tumango naman ako at umalis na.

Babalik na ako sa stand ng company na balak kong pag apply-an.

Pero mukhang nakaalis na rin ito. It's already 5:30 pm at hindi ko na ito inabutan.

Well may bukas pa naman. I still have another chance.

I was about to call Cassie pero natanaw ko na ang pigura nya. She was playing sa isang booth na may gamit na ping pong balls. I went there and greet her.
Halata namang naiinis na sya at naibato nang malakas ang bola sa frustration. Tumalsik ang bola sa loob ng tabing court.

"Ako na kukuha Cass" sabi ko.

Kawawa naman ang bestfriend ko at nagpapakahirap para sa isang stuff toy. Napatawa nalang ako ng bahagya.

I walked towards the ball na pumasok sa loob court. Nakalock ang gate nito pero kaya ko namang ipasok ang kamay ko dahil may mga butas ang gate. I can get that ball using my hands.

Sinabit ko ang bag ko sa bakod ng court and I saw a familiar figure of a man. He's on the other side of the court. Naka maroon v neck at baseball cap sya. Medyo malayo pero tanaw ko at sigurado ako na sya yon. I watched him scroll on his phone. He's alone. At gusto ko syang puntahan.

"ALEEEEX! YUNG BOLA" rinig kong sabi ni Cassandra.

Napailing ako at dali daling niyuko at inabot ang bola. I got it pero nung pagtayo ko ay wala na sya. The familiar figure was gone.

He's gone, again.

Eyes on YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon