Kabanata 4

3 1 0
                                    

Saturday.

I drew his eyes again...and again.

Di ko na yata matatapos ito. Paulit ulit lang akong gumuhuhit hanggang sa naubos na ang pahina ng sketchpad ko. I need to buy a new one though.

Sabado naman ngayon kaya ayos lang kung pumasyal ako saglit. Perfect for alone time? Right.

"Kuya Boy, sa Mall po tayo, may bibilhin lang po ako" sabi ko sa Driver namin.

Pagbaba ko ay dumeretso agad ako aa bookstore para bumili ng mga kailangan ko sa pag guguhit.

Maraming bagong materials na gusto kong subukan kaya kinuha ko na ito para bilhin. New set of brushes, pens, water colors. Ahhhhhh.... Very refreshing.

"2,450.75 ma'am" ani ng Cashier.

Agad kong hinanap sa bag ko ang wallet ko para makapagbayad na pero naiwan ko ata sa bahay!!! Good timing. Nakakarefresh talaga ha.

"Miss pwede bang pa cancel? I think I forgot my wallet. Naiwan ko ata sa bahay" paliwanag ko.

Humahaba na yung pila dahil sa akin. Nakakahiya!

"Ay ma'am sorry na punch ko na po eh tas wala pa po yung manager namin" sabi ng cashier.

"Ah eh hindi ba ta--"

"Miss eto na bayad nya"- sabi ng lalaking biglang sumulpot sa tabi ko.

Lumingon ako at nakita ko ang naka baseball cap, three fourths na shirt at faded pants na si Primo!

"Okay sir" sabe ng cashier girl na mukhang kinilig pa.

Ngumiti naman sya at kinuha ang mga pinamili ko.

"Thank you Primo ha, babayaran nalang kita mamaya, itetext ko lang yung driver namin." Sabe ko.

"It's fine Alex, lunch lang with you and you are paid" natatawa nyang sabi habang nakatingin sa mga pinamili ko.

"Hindi ba't madadagdagan pa ang utang ko kase ililibre mo ko ng date?" Sabe ko.

"Date?" Tumawa sya. "Ang cute mo talaga no. Just accept my offer." Dagdag nya.

Oh gosh. Did I actually say that it is a date?? Tell me. MAY MAS NAKAKAHIYA PA BANG MANGYAYARI SA AKIN?
*face palm*

"O-okay" sabi ko at ngumiti ng kaunti.

Kumain kame sa isang sikat na korean restaurant. Hindi ko itatanggi pero masarap talaga ang pagkain.

"So you are into arts? I'm sure magaganda ang gawa mo, kasing ganda mo" malambing na sabi nya.

Muntik na akong masamid sa sinabi nya.

"Nambola ka pa ha." Tumawa ako.  "Well, kaya nga ako nagmultimedia para ma enjoy ko rin ang gusto ko" dagdag ko.

"Graduating kana diba?" Tanong nya.

"Yes. Sana" sagot ko at uminom ulit ng iced tea.

"Congrats pareho pala tayo" sabi nya.

"Edi dapat pala engineer na ang itawag ko sayo Mr. Maravilla?" Biro ko.

"Pwede namang engineer o pwede ring baby para hindi mahaba" sabi nya sabay ngisi.

Napatawa ako at napailing.

"Nakakailan kana Primo ha. Kumokota kana" sabi ko.

"Biro lang Alex. So ano hatid na kita?"

"Nako hindi na, natext ko na driver namin, iniintay na ako nun," paliwanag ko

"Oh sure sige hatid nalang kita sa sasakyan nyo"

Hinatid na ako ni Primo, pinilit ko sya na babayaran ko sya pero di nya tinanggap dahil marami naman daw syang pera. Natawa na lang ako. May kayabangan din pala ang isang yun.

Bumyahe na kami pauwi, mga limang minuto palang, nakaramdam ako ng kakaiba sa tyan ko.

Parang kumukulo at pinagpawisan din ako ng malamig kahit malamig naman sa kotse.

"Kuya Boy pakitabi dyan sa Jollibee, may bibilhin lang ako" palusot ko.

Dahil yata to sa kinain ko. Ugh.

Dali dali akong pumasok sa fastfood habang hinahanap ko ang tissue ko sa bag.

Pagharap ko, nakita ko sya... Si train boy.

Nakaside view sya ngunit gayunpaman, sigurado ako na sya yun. Nakabaseball cap, maong pants at polo shirt sya.

Lalapitan ko na sana sya pero biglang kumulo yung tyan ko. Siguro pagtapos ko di pa sya nakakaalis.

Huminga ako ng malalim pagtapos ay dumiretso na sa banyo.

Nakahinga naman ako ng maluwag pagtapos at naghugas na ng kamay. Nagmadali akong lumabas para maabutan sya.

Ngunit pagtingin ko... Wala na sya. Wala nanaman sya.

***
Kinuwento ko kay Cassie ang nangyare pero pinagtawanan lang nya ako.

"Hay nako, ganda babae pero pala tae, tsk tsk" sabi nya pagtapos ay humagikgik na parang walang  bukas.

"Ngayon palang yun nangyare sakin ha!" Paliwanag ko.

"Napaka misteryoso naman ng lalaking yun. Pa hard to get" sabi ni Cassie.

"Siguro di pala talaga yun yung panahon para makita syang muli." Sabe ko at huminga ng malalim.

"Ay friend! Ang drama! Tara na at pumasok na tayo. Baka malate pa tayo"

Tumango ako at nag-ayos ng mga gamit.

Hay, kailan ba kita makikita?

Eyes on YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon