CHAPTER FOUR

181 11 0
                                    

Tiffany's

Today is the day. Damn ngayon yung date kuno na Troy. Tsk as if papayag ako? Bigla nalang may kumatok sa pinto ko.

"Ba't di ka pa ready? O baka pambahay lang talaga ang isusuot mo?" Ang kapal ng mukha nito ah.

"I'm sorry but hindi ako sasama." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"You can't say no." Pagmamatigas ni Troy.

"Is it because Dare is Dare?! Damn you Troy! I'm not going to be your fucking Toy for one week!" Sigaw ko sakanya. Hindi naman sya nagulat sa sinabi ko. Parang ineexpect nya na talaga yun. "That's why i found you interesting." Sabi nya sabay hila sakin. Ang kapal talaga grr! Gawin ko kaya syang Yelo ha?!

"Bitawan mo nga ko! Sabi ng ayoko eh!" Pero napatigil sya at tumingin sakin. "Please Tiffany." Sabi nya at tumingin saking mga mata. Nakita ko na may lungkot at hinanakit sa kaniyang mga mata. Nagbuntong hininga ako at tumango. "Fine." Sabi ko at nakita syang ngumiti. Wait! Baka namamalikmata lang ako?

Napatigil kami sa isang portal na nasa harapan namin. "Ito yung way para makalabas ng Academy." Sabi ni Troy. "Let's go?" Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa hawak nya, ba't hindi ko magawang alisin?

------

"Here we are." Sabi nya. Ginala ko ang mga mata ko, wow. Ito ata ang place ng mga ordinaryong tao sa Yeshaire Land. Well kung tatanungin nyo kung pagmamayari ito namin, No. But pagmamayari ito ng lahat ng Royalties, ginawa ito para sa mga naninirahan sa Yeshaire Land.

Habang naglalakad kami ay nagbobow kay Troy ang tao. Ofcourse, Air Prince eh. "Magandang umaga Prinsipe! Sino ang iyong kasama? Nobya mo ba?" Tanong ng isang ale. "Hindi po. Ito nga po pala ang prinsesa ng Ice Kingdom." Namangha ang ale dahil ngayon lamang niya ako nakita.

"NARITO ANG PRINSESA NG ICE KINGDOM!" Sigaw ng ale. Dahil doon ay nakuha namin lahat ng atensyon ng tao. Maraming lumapit saakin at ngumiti.

"Ngayon ko lamang nakita ang prinsesa!"

"Ang ganda nya no?"

"Bakit kaya magkasama ang Prinsipe ng Hangin at Prinsesa ng Yelo?"

"Sa wakas ay hinayaan narin ng reyna at hari na magpakita ito!"

Hindi ko alam pero.. Ang sarap sa pakiramdam. Ang babait ng tao rito. Hindi ko maiwasang mapangiti.. Pati nga itong kasama ko eh.

Pumasok kami sa isang coffee shop. Iniwan ako ni Troy sa isang table at oorder lang daw sya. Pagbalik nya ay may Vanilla Cake at isang Chocolate sya, at Isang Vanilla Milkshake at Chocolate Milkshake na dala sya.

"Here, i know it's your favorite." Sabi nya at inabot ang Chocolate cake at Chocolate Milkshake saakin.
"How did you know?" Tanong ko. Totoo naman, pano nya nalaman? Stalker ko ba sya. Ngumiti lamang ito. Hindi ako sanay na ngumingiti ang isang to. "Sa school cafeteria, puro chocolates ang inorder mo." Napaahh nalang ako at sinubo ang chocolate cake ko.

Napatingin nalang ako bigla sa suot ko. "Dahil sa paghila mo nakapangbahay lang tuloy ako." Reklamo ko. Napatawa naman siya, "Edi bibili tayo." Sabi nya at hinila ako. Putek yung chocolate ko hindi pa ubos!

------

Dinala nya ako sa isang botique. Nakasunod lang ako sakanya, marami siyang kinuhang damit. Pagkatapos ay pinapunta ako sa fitting room. Isukat ko daw tapos siya yung Judge.

Sinuot ko yung una, paglabas ko ay nandun sya nakaupo.

"Okay ba?" Isang simpleng Red Dress lamang ito. Tumango sya at sinabing itry ko pa daw yung iba.

Tinary ko na lahat lahat huhu andami nga eh. Pero yung Red Dress ang suot ko ngayon. Nagulat ako na pati yung lahat ng sinukat ko kanina ay binayaran nya.

"Hoy! Bat binilhin mo din yan?" Tanong ko.
"Lahat kasi bagay sayo. Sayang naman." Sabi nya habang nakaharap sa counter. Aish. Bigla nalang parang umangat sa dugo ko sa mukha ko.

"You're blushing." Sabi nya at nakangisi. "Kapal mo! Blush on lang yan!" Sabi ko at umiwas ng tingin. "Pero hindi ka ready nung sinundo kita.. Hindi ka pa nga bihis, how come na nagblush on ka?" Asar nya. Grrr. "Shut up or else i'll freeze you to death." Takoy ko sakanya. "Chill just kidding!" Sabi nya at tumawa.

Pagkatapos naman namin ay pumunta kami sa isang parke. May Ferris Wheel? Ang galing. Kumuha ng ticket si Troy at lumapit sakin. "Let's go?" Sabi nya at hinawakan ang aking kamay.

Pagkapasok namin ay nakatingin lang ako sa bintana nito Ferris wheel. Ang ganda kasi hay. First time ko lang din namang makalabas. "Enjoying the view huh?" Tanong ni Troy. "Yeah. First time ko lang makagala ng ganito." Sabi ko at napayuko. Masyado strikto ang parents ko. Lalo na si Dad.

"Don't worry, maeexperience mo na ngayon." Sabi nya na siya ko namang ikinangiti.

Habang nakatingin lang ako sa View ay tinawag ako nito. "Uhm Tiffany.." Sabi nya. Napalingon naman ako. "Ano yun?" Tanong ko. Napaiwas ito ng tingin. "Wala. Nevermind." Sabi nya at tumingin na rin sa view.

------

Nasa Academy na kami ngayon. Nasa labas na ako ng dorm ko. "Thanks for the day, Tiffany." Sabi ni Troy.
"Salamat din. Ansarap pala ng feeling ng ganito." Sabi ko at tumawa. "I can't believe na ang Ice Princess ang kaharap ko ngayon. Yung Ice Princess na napakatapang at cold nung first day." Pangaasar nya.

"Che!" Sabi ko at umirap. Bago ko buksan yung pinto ng dorm ko ay tinawag ako nito.

"Bak-" Nagulat ako sa ginawa nya, hinalikan ako nito sa pisngi at biglang umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko.Naramdaman ko na mayroong isang patak na tumulo, hindi pwede ito..

----
Someone's Pov.

"HINDI MAAARI!" Sigaw ng hari.
"Pero, dahil sa paglapit niya sa Prinsesa ay natutunaw ang yelo na nakapaligid sa puso nito! Kumalma ka!" Sigaw ko.

Napangisi ang hari. "Tama ka aking mahal. Mas lalo natin itong matatalo." Sabi ng hari at tumawa ng malademonyo.

"Tama iyan anak. Lumapit kapa sa Prinsesa, hanggang sa matunaw ang yelong nakaprotekta sa puso nito."

The Ice Princess And Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon