Tiffany's
Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kahapon. Nandito pa ako sa dorm, actually may klase na ngayon ngunit wala akong pakialam kung malalate ako.
Medyo nagaalala ako. Ano ang naramdaman ko kahapon? Possible bang natunaw ito ng kaunti? Hindi maaari. Malakas ang nakapaligid na yelo rito. Tama tama.
-----
Binuksan ko ang pinto ng classroom, naroon ang professor na parang may mahalagang sasabihin. "Take your seat Ms. Tiffany." Sabi nito. Umupo ako sa upuan ko, which is pinagigitnaan ako ni Troy at Luke. Akala ko ay papansinin ako nito ngunit hindi manlang ito tumingin sakin.
Nagaasume ba ako? Hindi! Tsk. Wala akong pakialam sakanya. Tama tama.
"Kamusta kahapon?" Tanong ni Luke. Ngunit sinamaan ko ito ng tingin na ikinatawa naman nito.
"Magkakaroon ng mission sa susunod na linggo. Ang mga royalties ang nakaassign doon. Ito ay ang hanapin ang nawawalang korona ng, Ice, Earth, Fire, Water kingdom na naka display sa museo ng paaralan. Mayroong estyudanteng kumuha rito." What the fuck? Bakit Ice, Earth, Water, Fire lang ang kinuha? Bakit ang Air ay hindi?
Hindi ako masyadong nagaalala dahil ang korona naman na iyon ay hindi mahalaga. Dahil bukod doon ay mayroon pa kaming korona. Bale, naroon lang yun para bigyan kaming respetong mga royalties.
Bakit pa namin hahanapin? Tsk.
"Bakit hindi kinuha ang akin?" Nagtatakang tanong ni Troy.
"Pagkatapos ng klase ay pumunta nalamang kayo sa Principal para kayo'y kausapin."-----
Natapos ang klase, kasama ko ang mga engot na to nanaman. No choice eh. Nasa harap na kami ng pintuan ng Principal habang nagtatalo pa si Yuri At Ericka.
"Ako ang kakatok! Ikaw ang magsasalita!" Sabi ni Ericka.
"Hindi! Ako ang kakatok at ikaw ang magsasalita!" Sabi naman ni Yuri."Tsk. Stupids. Ako na." Sabi ko at binuksan ang pinto.
"Hi there, Royalties." Sabi nito at nagbow. "Alam nyo na siguro kung ano ang pinunta nyo rito." Duh. "Isn't obvious?" Bara ko. Stupid naman kasi.
"Nawawala nga ang korona ng mga Royalties, Ngunit naiwan ang sa Air Kingdom. Ngayon ay kailangan nyo itong hanapin. Ito ang estyudante na pupuntahan nyo, siya ang nahuling kumuha nito. Magingat kayo dahil, Mayroon syang hawak na itim na kapangyarihan." Saad ni Principal. Itim na kapangyarihan? Ngunit bakit sya nandito? Hinayaan nila na pumasok ang estyudante na ito sa paaralan ng aking mga magulang?
"Ito ang kaniyang bahay. Pupunta kayo dyan sa isang linggo. Kaya mayroon pa kayong oras upang magensayo." Tumango tango naman ang mga kasama ko. Ensayo? Hindi ko na kailangan nun.
------
Nasa Training room kami. Nagpapractice sila, habang ako nakaupo lang. Ay may nakaupo rin pala ditong asungot.
"Hey." Tawag sakin nito. Pagkatapos akong hindi pansinin kanina? Teka. Bat ba ko affected?!
"Hey." Tawag ulit nito.
"Tiffany." Ayun naman pala eh, alam pala pangalan ko. Maka hey naman 'to.Tumingin lamang ako dito. "Tara sa Cafeteria. Gutom na ko. Libre kita." Napangisi ako dito at bigla kong pinatamaan ng Ice Spikes sa gilid nito. Syempre gilid lang. "What the fuck?!" Sigaw nito. Akala nya siguro makakalimutan ko yung ginawa nya sakin kahapon tsk. "Para yan sa paghahalik sa pisngi ko! Maniac!" Sigaw ko at tumayo.
Bigla namang may humila ng braso ko. Fc to ha. "Tara Tiffany! Cafeteria tayo." Sabi ni Luke at inakbayan ako.
------
"Anong gusto mo Tiffany?" Tanong sakin ni Luke. "Chocolates." Tanging sagot ko bago sya pumila.
"YAAAAAH NAKAKAPAGOD! YUNG BEAUTY KO HUHUHUHU." Rinig kong sabi ni Ericka na papalapit saakin. "Baka may beauty!" Pangaasar ni James. Makapag spray nga ng baygon ambaho ng love nila eh.
Napatingin naman ako kay Troy nanala simangot.
"Eto na Tiff-" Naputol ang sasabihin ni Luke ng makita nya lahat ng kaibigan nya na nandito.
"Ba't kayo nandito?!" Sabi ni Luke.
"Aba! Bakit magsosolo kayo ni Tiffany?! Che. Tara na guys alis na tayo!" Tumayo si Yuri at sumunod naman sila Ericka at James. Maliban dito sa impaktong nasa tabi ko."Oh ikaw Troy? Hindi ka aalis?" Tanong ni Luke dito nakinainis naman nito.
Inabot na saakin ni Luke yung binili nya at kinain ko naman syempre, alangan namang tanggihan ko at Chocolate cake na ang nasa harapan ko?!
Napatingin naman ako dito sa katabi kong si Troy. Katapat ko naman kasi si Luke.
Natapos ko na ang kinakain ko hanggang sa-
"Let's go. Nakalimutan mo atang you're my girl for one week." Sabi nito at hinila ako. Tinawag pa ako ni Luke pero letse tong si Troy!
------
"What's your problem?!" Sigaw ko sakanya. Sa garden lang pala ko dinala?! "Wala lang." Sabi nito na kinainis ko naman. Hinila hila ako sa wala lang? Tanga ba to o sobrang tanga lang?
"BAHALA KA DYAN! BABALIK AKO KAY LUKE!" Sigaw ko. Hindi ko nga alam kung ba't ko nasabi yun eh.
"FINE! I'M JEALOUS!"
Napahawak ulit ako sa dibdib ko. There's something na biglang pumatak dito. What the hell is happening?
BINABASA MO ANG
The Ice Princess And Her Frozen Heart
Fantasy"Can true love melt her freezing heart?" The Ice Princess And Her Frozen Heart 2017©