Last Chapter//

191 17 3
                                    

Tiffany's

Argh. Ansakit ng ulo 'ko. Nasan ako?! Bat wala akong makita? Naka tali ako, at mayroon akong blindfold.

"Mahal na prinsesa, kamusta ka na?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Pamilyar ang tinig nito. Hindi ako pwedeng magkamali..

"Ngayo'y tuluyan ng natanggal ang nakapalibot na yelo sa iyong puso maitutuloy nanamin ang aming pinaplano." Sabi nito at tumawa ng malademonyo, tinanggal nito ang blindfold na nasa aking mga mata.

Tama nga ako ng hinala, ito ang Hari ng Air Kingdom kasama ang Reyna. Mas lalo akong nagulat nang nakita ko si Troy na nasa tabi ko na nakatali rin sa isang upuan.

"Bakit nyo ito ginagawa?" Seryosong tanong ko. Malaki ba ang galit nila saamin? "Salamat nalamang sa aking pinakamamahal na anak, nanakapagpatunaw ng yelo sa iyong puso. Hindi ba anak?" Sabi ng Reyna at tumawa ito ng malademonyo at tumingin sa kaniyang anak. "Damn it Mom! Pakawalan nyo na sya! Kung hindi ay mapipilitan akong... Labanan ang aking mga magulang." Seryosong sabi nito. Ngunit nararamdaman ko na mayroon siyang kinalalikot sa likod niya. Tiningnan niya ako ng diretso, tinatanggal niya unti unti ang tali na nakapulupot saamin.

"Puro na lamang Ice Kingdom ang sikat! Lagi na lamang kaming napapangalawa! Akala ko noong una na pinatay ko ay iyong kapatid ay kami na ang mangunguna ngunit hindi pa pala dahil nariyan ka Prinsesa! Akala ko'y noong inutusan ko ang isa naming tauhan na mayroong kaibigan na kuhanin ang mga korona ay mapapatay ka niya ngunit nagkakamali ako.. Ikaw nga pala ang Ice Princess. Mas malakas ka pa sa itim na mahika. Hindi tatalab ang kapangyarihan ko saiyo.. Ngunit pwede na kitang tanggalan ng hininga, mahal na prinsesa." Sabi ng hari ngunit bago pa niya magawa iyon ay natanggal na ni Troy ang tali naming dalawa.

At nagmadali akong gumawa ng isang mataas na Ice Wall para protektahan kaming dalawa.

"Ayos ka lang ba?!" Tanong ni Troy at hinaplos ang aking mukha. "Damn it. Sorry princess. Sorry." Sabi nito at niyakap ako.."Shh. It's not your fault." Napangiti naman ito. Hindi ko namalayan na unting unti na nilang nasisira ang ginawa kong Ice Wall.

Kailangan kong gawim to kahit delikado.. "T-troy.. Kailangan kong gawin to. Kailangan kong protektahan ang aking puso ng yelo.." Alam kong delikado dahil sila Mom and Dad lamang ang pwedeng gumawa nito. Ngumiti ako ng mahina kay Troy ngunit bago pa siya magsalita ay nilagyan ko siya ng Ice Shield. Halos lahat ng lakas ko ay nilagay ko roon upang hindi sya makalabas.

Patawad Troy ngunit kailangan kong gawin ito.. "Huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.." Huling sambit ko at unting unti kong ginawang yelo ang aking puso. Hindi na ito nakapalibot, dahil ang buong puso ko ay naging yelo na.

"ARGH!" Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ngunit napagdesisyononan ko na rin na gawing yelo ang aking mga ala ala.
"Makakalimutan man kita Troy, ngunit mananatili ka sa puso ko." Huling sambit ko. Nakita ko naman si Troy na pilit sinisira ang ginawa kong Ice Shield sakanya.

Naramdaman ko ang lakas. At lamig sa aking katawan at paligid. Wala na rin akong maalala, basta ang alam ko ay kailangan kong patayin ang Hari at Reyna na Air Kingdom. Napangisi at napatawa ako ng malademonyo sa nakita kong reaksyon nila.

"P-paano.." Sambit ng Reyna. Gumawa ako ng Ice Dragon at sa isang buga lamang ng aking Dragon ay naginh yelo ito. Napatingin naman ako sa Hari.. Nararamdaman kong pinipilit niya na tanggalan ako ng hininga. Ngunit hindi tumalab saakin iyon, "Mahal na hari, patawad ngunit hindi tatalab ang inyong ginagawa saakin." Sabi ko at ngumisi. "Paaalam, Mahal na Hari." Bulong ko at gumawa ako ng isang espada na gawa sa yelo at tinusok sa kaniyang puso..

-------

"Anak! Andito na si mommy!" Rinig kong sigaw ng isang babae.
"Mommy! Ang ganda ng kwento ni Tita! Hihihi." Sabi naman ng aking pamangkin.
"Hay nako Tiffany, about sa nangyari nanaman noon? Nakoo!" Sabi ni Ericka.
"Wag kang bitter mahal, andito naman ako eh." Sabi ni James, oo. Magasawa na silang dalawa.
"Huhubels sakit ng tummy ko!" Rinig kong reklamo ni Yuri kay Luke. Hahaha pati etong dalawang 'to.
"Alangan nandyan si baby!" Pagbabara ni Luke kay Yuri.

Pumunta naman saakin si Jamie. "Tita, what happened sa ending? Naging sila baaaa? :(" Tanong ni Jamie, hay nako ito talagang batang to.

"And they-"

"Honeybunch, tara na! Umuwi na tayo, baka pagod ka na at si Baby." Rinig kong boses ng isang lalaki, boses ng isang lalaki na pinakamamahal ko.

"Ang baho ng Tawagan nyo pwe! Araw araw ko nalang naririnig yan!" Reklamo ni Ericka at James. Napatawa nalamang kaming dalawa.

Lumapit ako kay Jamie at bumulong. "And they lived happily ever after.." Huling sambit ko at kinidatan sya.

"Sacrifice, that's what we do for the people we love."

-----

GUYS! TAPOOS NAAAA! Actually talagang maikli lang to huhu. Ayoko ng pahabain pa. :)) Salamat sa mga nagbasa! 💓

-imthesadness


The Ice Princess And Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon