CHAPTER SIX

138 10 1
                                    

Tiffany's

Isang linggo na ang nakalipas. Ngayon na rin ang mission namin. Isang linggo ko na rin hindi pinapansin si Troy. Para rin saakin 'to kaya hindi ko na sya masyadong pinapansin.

Simula noong nararamdaman ko na palagi ang pagpatak saaking puso ay nagpakita saaking panaginip ang aking gabay na si Ice Goddess.

Pagbabalik

"Prinsesa.. Umiwas ka sakanya. Masyadong mapanganib." Sabi ni Ice goddess.
"Hindi ko kayo maintindihan. S-sino?" Ngumiti ito saakin ng malungkot.
"Mukhang nahuhulog ka na sa Prinsipe ng Hangin. Dahil doon ay unting unting natutunaw ang yelo na nasa iyong puso. Umiwas ka na habang maaga pa, prinsesa." Saad nito.
"Naguguluhan ako. Ngunit napakalakas ng yelong nakapalibot saaking puso!" Pagtataka ko.
"Malakas nga ito prinsesa.. Ngunit ang pagmamahal ang pwedeng magpatunaw nito. Sige na prinsesa gumising ka na, huwag mong kalimutan lahat ng sinabi ko sa iyo. Paalam."

-------

Nahuhulog na ba ako kay Troy? Hindi ko alam. At hindi pwede. Naglalakad na ako papuntang training room. Ngunit nagulat ako sa aking nakita. May kahalikan si Troy isang babae.. Si Rina. Si Rina ang babaeng iyon. Ang lakas naman ng loob nito. Hindi pa ba sapat ang ginawa ko sakanya sa cafeteria? Teka. Pake ko ba kung may kasama si Troy?

"Tiffany." Tawag sakin ni Luke. "Tara na. Aalis na tayo." Sabi nito at nginitian ako. Pumunta na kami sa aming sasakyan ngunit nagulat ako kung sino ang isa naming kasama. Hindi ko na napigilan ang bibig ko sa inis.

"Bakit nandito yan? Mga Royalties lang ang kasama. Hindi ako aware na pwede palang magsama ng palaka." Saad ko. Tinaasan naman ako ni Rina ng kilay. "Pinasama ako ng boyfriend ko bakit?" Sabi nito. Boyfriend? Tumingin ako kay Troy. Hinihintay ko na itulak niya si Rina palabas. "Oo. Kasama ko ang Girlfriend ko. May problema ka ba doon?" Saad ni Troy at tumingin saakin.

Napatigil naman ako. Naramdaman ko ang medyo pagtigas ng yelo sa puso ko. Tama, dapat ito ang nararamdaman ko. Hindi ang pagtunaw nito. Napahawak naman ako sa aking dibdib, mukhang namumuo na ang natunaw na parte rito kaya ganito ang pakiramdam.

------

Narito na kami sa bahay ng estyudante na kumuha sa mga korona. Nakakatakot ang bahay na ito. Mansion ata ito.

Madilim ang paligid, mukhang walang tao sa loob ngunit may nararamdaman ako sa loob ng mansion na ito.

"Baby! Natatakot ako dito! Huhu!" Rinig kong reklamo ni Rina at yumakap kay Troy. "Umalis ka nalang. Wala ka namang kwenta, hindi ka kailangan dito." Sabi ko dito, ngunit inirapan lang ako nito.

"Guys, ready?" Sabi ni Ericka. Pumasok na kami. Tumabi saakin si Luke. "Mukhang wala namang tao dito eh!!!" Sigaw ni Rina.

Putakte tong babae to ang ingay! Dahil sa pagiingay nya ay biglang naglock ang pinto at mayroong sumalubong saaming mga taong nakaitim sa suot. Mukha silang mga bampira.

"Bakit kayo narito?!" Sigaw nung nasa gitna. May nararamdaman akong kakaiba.. Parang may mali.

Sinugod nila bigla ang mga nakaitim na kalaban. Ngunit hindi ito nauubos. Tama ang hinala ko! May nagcocontrol rito! Isang Ilusyon lamang ito! Pinuntahan ko kung sino ang gumagawa nito, nakita ko ang isang babae na nakaitim, siya nga!

Nagulat ito ng bigla kong niyelo ang kaniyang mga paa, dahilan kunh bakit hindi siya makagalaw.

"Ialis mo ito!" Sigaw nito. Ngunit napangisi ito. Ito ang estyudanteng mayroong itim nakapangyarihan. Kasing itim ng budhi nya. "Ibalik mo saakin ang korona." Malamig kong sabi. Ngunit ngumisi lamang ito, ngisian ba ang labanan?

Bigla niya akong binato ang isang itim na apoy. Ngunit bago pa naman mapatama saakin ito ay ginawa ko na itong yelo. Hindi ko namalayan na nakaalpas siya. Bigla siyang nawala sa paningin ko.

Fuck. Naramdaman ko siya sa aking likod. May hawak siyang isang poisonous na espada.

"TIFFANY!" Sigaw nila Yuri.

"Hahayaan nyo akong makaalis o papatayin ko itong babaeng to?!" Pagbabanta nya, hindi ko maiwasang ngumisi. Nakalimutan nya atang Yelo ang aking kapangyarihan, hindi nya namalayan na unti unti siyang nagiging yelo, nagumpisa sakanyang kamay hanggang sa makaabot sa loob ng kaniyang mga organs.

Tumawa ako ng malademonyo. "Sino ang tinatakot mo ngayon?"Sabi ko at ngumisi. Unti unti ng nagiging yelo ang mga lamang loob niya. Halatang nahihirapan na siya. "Napagutu-san l-lamang a-ako..." Nagtaka ako sa sinabi nito. Sino naman ang maguutos na kunin ito?

"N-naroon ang m-mga korona.. Pakawalan nyo na ako.." Tinuro nya ang isang malaking cabinet sa gilid. Kinuha na nito ng mga kasama ko ngunit hindi ko pa din pinapalaya yung babaeng ito.

"Ano ang iyong pangalan? At sino ka?!" Sigaw ko. Halatang nahihirapan na siyang magsalita.

"M-maria V-victoria.. T-taga p-paglingkod n-ng Air k-kingdom.." At doon ay kumalat na ng tuluyan ang yelo sa kaniyang katawan.

Nagulat ako sa narinig, pati na rin ang aking mga kasama, lalo na si Troy.

Ano na nga ba ang nangyayari?

The Ice Princess And Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon