"Tara! Doon naman tayo sa kabila!" Umalingawngaw ang boses ni Valerie sa buong mall. Ang ingay niya talaga kahit kailan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko siya kasama in the first place.
Hinawakan niya ako sa kamay at saka hinila papalayo ng Dairy Cream. Alam kong wala pa kaming 20 minutes dito sa mall at hawak ko na agad ang pangalawang ice cream ko pero mas hindi ako makapaniwala na may tatlong shopping bags nang hawak itong si Valerie.
Naglakad siya habang hila-hila ako at hindi ko mapigilang hindi matisod kasi puny*ta ang lalaki ng mga hakbang niya. Alam kong mas matangkad siya sa'kin pero PUT*NG*NA ang liit ko pala talaga.
Nakarating kami sa tapat ng FOREVER 41 at tumigil ako sa paglalakad, na siya naman ikinabigla niya. Lumingon naman siya sa'kin at nagkangusuan kaming dalawa bago niya binitawan ang kamay ko at pumasok sa loob. Hindi naman kasi ako pu-pwedeng pumasok sa loob nang may pagkain at saka kilala ko na 'yan si Valerie. Matagal pa lalabas 'yan dahil patay-gutom 'yan sa damit.
Minutes later, nanatili pa rin ako'ng nakatayo sa tapat ng store nang mapagdesisyunan ko na pagod na ako. Ang hirap kaya tumayo. Saka naubos ko na rin 'yong ice cream ko. So I straightened my posture and looked around with a hand on my hips. Napansin ko na may nakatingin sa'king group of girls na nagbubulungan habang nakangisi. Tumatawa sila habang ginagawa 'yon kaya naman napataas lalo ang kilay ko sa kanila. Akala mo naman kinaganda nila 'yong red lipstick nilang kalat at napakajeje nilang porma. E t-shirt at ripped jeans lang naman ang suot nila na halatang pinalaslasan lang nila sa nanay nila habang nagluluto. Idagdag mo pa ang labi nila na akala mo pinadugo sa sobrang pula at 'yong mga kilay nilang sumisigaw ng "P*t*, 'yoko na."
Humarap ako sa kanila nang hindi binababa ang kamay ko. Tinignan ko sila head-to-toe at napangisi na lang sa isa nilang kasama na mukhang hanger na sinabitan ng sando. Kung ang flat-chested, nilapat, siya nasuntok. Sa sobrang lubog, wala akong makita.
Tumalikod na lamang ako para hindi ko na sila makita pa at nagsimula nang maglakad. Hindi ko alam kung saan ako tutungo kaya hinayaan ko na lang ang magaganda ko'ng mga paa na ihatid ako sa lugar kung saan ako sasaya.
-------------------------------------------------------------------------
"Isang order nga ng two-piece chicken meal with large fries and sundae." tumango naman 'yong babae sa cashier, "Regular drinks po, ma'am?"
"Oo-"
"She'll have water, miss." Nabigla ako sa boses sa likuran ko at napataas na lamang kilay ko nang nilingon ko kung sino 'yon.
"Nick?" Nginitian niya ako na para ba'ng close kami.
"Yow!" Pinasadahan ko lang siya ng tingin nang nakataas pa rin ang kilay ko at saka ibinaling ulit ang atensyon ko sa babae. Magsasalita pa sana ulit ako nang.
"Miss, padagdag na rin ng isang order ng Mushroom Pepper Steak saka tubig na lang 'yong drinks namin." Saka niya inabot 'yong bayad sa cashier girl sabay pakita niya ng mala-prince charming niyang ngiti dito. Napakagat naman ng labi 'yong babae nang magdikit ang mga palad nila at ngitian niya ito pabalik. "Sir may io-offer po sana akong 25% discount. Sana po okay lang po sa inyo."
"Talaga? Thanks!" Tumango naman 'yong babae nang nakangiti at saka tinawag na 'yong sunod sa'king nakapila habang nakatitig pa rin kay Nick, na siya namang nakatingin na sa'kin. Nakahawak pa 'yong kamay niya sa baba niya na tila sinusuri ako. Tinaasan ko ulit siya ng kilay at nagsimula nang maglakad-lakad para makahanap na ng table na mapup-pwestuhan. At nang makakita ako ng table na malapit sa bintana, nagtungo na ako roon. Nakasunod naman si Nick sa tabi ko at hindi pa rin tumitigil sa katititig sa'kin.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo? Alam ko na maganda ako kaya pwede ba-"
"Parang tumataba ka." Hindi pa man din kami nakararating sa table ay nabatukan ko na siya.

BINABASA MO ANG
A Fat Story
ChickLit"Your looks doesn't match your confidence, honey. Pinapahiya mo lang ang sarili mo." "Hindi uso selfie sayo, ano? Dami mo kasi, e. Diet diet din pag may time." "Maganda ka sana kaso ang taba mo." "Ang yabang mo naman. Saan ba galing 'yan?"