5

9 0 0
                                    

"T-tulong..."

Tumigil saglit ang puso ko at napatigil ako sa paglalakad. Nakakunit ang noo ko at nagpalinga-linga sa paligid. Tama ba 'yong narinig ko? Ilang saglit ang lumipas at narinig ko ulit 'yong boses ng lalaki at lalo akong kinabahan. Sinundan ko ito at nalaman ko na sa eskinita iyon nanggagaling. Balak ko sanang sundan pero napalunok ako sa pagkakaalala na wala palang masyadong dumadaan doon dahil sa madilim na doon kapag gabi.

May narinig akong umungol mula doon at agad na akong tumakbo papasok kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa kaba. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay kaya ganito na lang ako kung makareact. Butil butil na ang pawis ko sa mukha at halos hindi na ako makahinga sa kaba. Masyadong madilim, wala akong makita. Biglang pumasok sa isip ko na paano kung wala palang tao doon at hindi tao ang madatnan ko? Paano kung biglang may sumulpot sa harapan ko at kainin ako? Pero kahit na gano'n na ang takbo ng isip ko, kinuha ko ang cellphone ko at buong tapang na binuksan ang flashlight. Bakit ko ba kasi ginagawa ito? Pupwede namang tumakbo na lang ako papalayo at maghapunan na lang sa bahay, e.

Iginala ko ang ilaw na galing sa flashlight at halos mapatalon ako sa gulat nang may nakita akong lalaking nakahandusay sa trash can. Nakatakip ang braso niya sa mata niya. Hindi siya gumagalaw pero nakikita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Ano'ng ginagawa nito dito? More importantly, ano'ng nangyari sa kanya?

Parang tanga lang ako doon na nakatayo habang tinututukan siya ng flashlight. Hindi ako nagsalita at ilang saglit rin ako tumunganga doon bago ko siya nilapitan.

"H-hoy, okay ka lang?!" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at niyugyog siya nang pagkalakas. Napangiwi siya sakit at nabitawan ko siya. Hindi ko sinasadya na mayugyog ko siya nang malakas, nagpapanic lang talaga ako. Nauntog 'yong ulo niya sa trash can at napa-aray na naman siya sa sakit. Again, hindi ko rin sinasadya 'yon. Tumayo ako para tulungan ulit siyang makaupo at hindi ko namalayan na nasa hita ko pala ang cellphone ko. Kaya pagkatayo ko, bumagsak ito sa sahig at namatay kasama ang flashlight.

Nanigas na naman ako dahil sa ang dilim pero hindi ko muna pinansin 'yon at kinapa-kapa ko 'yong cellphone ko sa sahig at ibinulsa 'yon. Hinanap ko kung nasaan 'yong braso ng lalaki at nang mahawakan ko na siya, agad kong isinukbit ito sa akin. Nakailang attempt rin ako'ng tumayo pero ang laki niya. Baka kapag naglakad na ako, nakalaylay lang 'yong binti niya sa haba. Pero sinubukan ko pa rin at sa awa ng diyos, nakaladkad ko siya palabas ng eskinita. Habang palayo kami nang palayo sa eskinitang iyon ay unti unti ring nawawala ang kaba ko.

Hirap na hirap ko siyang inalalayan sa paglalakad at nagtatagaktak na ang pawis ko sa mukha. Ilang lakad lang naman ang bahay dito pero hindi ko pa rin mapigilang hindi magpahinga para habulin 'yong hininga ko. Sa wakas, nakaladkad ko siya sa bahay at nang nasa harap na kami ng gate ay naramdaman kong tinapik niya akong sa braso.

"Miss kaya ko naman." Bigla nalang gumaan ang katawan niya at nahimasmasan ako.

Binitawan ko siya kaagad at napakapit siya sa gate para alalayan ang sarili niya at hindi siya tuluyang sumubsob.

"Kaya mo naman pala, pinahirapan mo pa 'ko!" Humalukipkip ako at tinignan siya ng masama. Kinamot niya lang ang kanyang batok at saka tumawa ng mahina. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya habang hirap na hirap siya ayusin ang pagtayo niya. Nakita kong dumulas ang kamay niya sa pagkakahawak sa gate at tuluyan na siyang sumubsob sa lupa. Napailing naman ako sa kanya at isinukbit ulit 'yong braso niya sa balikat ko at inalalayan uli siya papasok ng bahay.

"Teka, miss, kaya ko nama-"

"Shh...'wag ka nang magsalita."

"Pero-"

"Sabi nang ang baho ng hininga mo."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n at ganoon din ako. Nakapasok na kami ng bahay at nakita ko na walang tao maliban nalang kay kuya at Mang Domeng na nanonood ng tv habang kumakain ng popcorn. Napalingon silang dalawa sa amin at agad na tumayo. Nagaalalang lumapit si Mang Domeng at kinuha 'yong lalaki sa akin.

"Naku, anong nangyari sa'yo, hijo?" Hindi sumagot 'yong lalaki. Siguro tulog na.

"Mang Domeng, pakidala naman po siya sa guest room." Tumango naman siya at dumiretso na sa second floor. Hinawakan ko ang ulo ko, nahilo ako bigla. Umikot bigla ang paningin ko at muntik na akong bumagsak sa pagkahilo. Mabuti na lang at nasalo agad ako ni kuya at kinarga ako sa sofa.

"Okay ka lang?"

"Nakaya mo 'ko?" Iginulong niya ang mga mata niya.

"Okay ka lang?" Tanong niya ulit na agad ko namang sinagot.

"Nakaya mo 'ko?" Dahan-dahan niya akong pinaupo sa sofa.

"Para saan pa 'to kung hindi kita mabubuhat?" Hinawakan niya ang braso niya at tinapik tapik ito. Inabutan niya ako ng tubig at saka tumabi sa akin. Ininom ko 'yon nang isang lagukan at saka huminga ng malalim.

"Okay ka na?"

"Ano ba 'yan. Kanina pa." Humalukipkip siya at tinignan ako nang seryoso.

"Ni isa sa tanong ko, wala kang sinagot. Ngayon, sino 'yong lalaking 'yon? Boyfriend mo ba 'yon? Bakit siya gano'n? Binugbog mo? Ano'ng ginawa niya sa'yo?"

Hindi ko alam kung alin sa tanong niya ang sasagutin ko at nagsimula na kaming magbangayan tungkol sa mga dapat at di ko dapat gawin. Sinabi ko sa kanya ang lahat nang nangyari at kung paano ko siya nakita sa eskinita at hindi naman niya ako pinakinggan kasi busy siya sa kakasalita. Nilelecture na naman niya ako na paano kung masamang tao siya at inuwi ko pa sa bahay. Paano kung nakadrugs pala siya tapos magloko dito. Paano kung gangster pala 'yon at pumasok sa kwarto ko at alam mo na. Umupo lang ako doon na parang bata at nakinig sa kanya. I can't believe this.

"You know, I can't always be here to protect you, lil sis." Pumikit siya at huminga ako ng malalim. Nagiging OA na naman si kuya.

Tumayo na lang ako at hindi na siya inantay na matapos. Kailangan ko pang gamutin 'yong mga sugat no'ng lalaking 'yon. Iniwan ko si kuya doon na hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil sa pagsesermon. Kinuha ko ang first aid sa drawer at dumiretso na sa guest room. Pumasok ako sa loob at sinubukan ko'ng 'wag magingay dahil ayoko siyang magising. Umupo ako sa gilid ng kama at nilapag sa side table ang first aid at 'yong batya na may towel.

Sinimulan ko siyang hilamusan bago ko gamutin 'yong mga sugat niya. Thankfully, hindi naman siya nagigising sa pagpupunas ko sa mukha niya. Matapos kong lagyan ng band aid iyong sugat niya sa pisngi, sumandal ako at nag-inat ng katawan. Napatingin ako sa lalaki at kumulo ang tiyan ko kasabay ng aking paghikab. Hindi pa pala ako kumakain. Nagligpit na ako at lumabas pero bago noon, tinignan ko ulit 'yong lalaki bago tuluyang lumabas ng kwarto papuntang kusina.

-----

Pasenya na po talaga sa very late update. Maybe I'll be posting 1 or 2 more chapters today.

A Fat StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon