"Mmm..."
Habang nginunguya ko itong napakasarap na McChicken Burger ko, inalis ko ang bun na nasa ibabaw nito at sinaksakan ng napakaraming fries at ketchup. Mas masarap kasi talaga ang burger kapag may fries rin sa loob. Pero bago ako ulit kumagat, kumuha ulit ako ng fries at isinawsaw sa aking hot fudge sundae na parang ketchup at saka isinubo ito kasunod ang burger.
"Tignan mo si ate kumain, oh. No wonder ganyan siya kalaki."
Patuloy pa rin ako sa pagkain kahit na naririnig ko ang usapan ng dalawa babae na 'di kalayuan sa pwesto ko.
"Oo nga, ano?"
"Sayang ang cute pa naman ni ate kaso ang takaw. Akala mo mauubusan." Sabay tumawa pa sila.
Ibinaba ba ko nang mahinahon ang burger ko na malapit nang maubos at pinunasan ang bibig ko gamit ang table napkin sabay dumikwatro at tinaasan sila ng kilay. Obviously isa lang sa kanila ang nakapansin na tinitignan ko sila kasi iyong isa, hindi pa rin natigil sa kadadaldal.
"Parang bigla ko tuloy gustong magdiet habang pinapanuod siya."
"Alam mo okay ka na sa katawan mong 'yan. Huwag ka nang magtangkang magdiet kasi magmumukha ka lang hipong naglalakad."
Nabigla siya sa sinagot ko. Napansin ko ring nakatingin sa'kin ang ibang customers kasi medyo malakas 'yong pagkakasabi ko. I didn't care. It serves her right dahil nananahimik akong nalamon rito tapos pag-uusapan nila ako na akala mo hindi ko nakikita 'yong pagtalsik ng laway nila sa isa't-isa.
Nakita ko namang namula 'yong mukha nila kasi nakatingin rin pala sa kanila 'yong ibang customers. Panget kasi nila kaya hanggang tingin lang, hindi titig. And thankfully, tumayo na ang dalawa dahil tapos na rin naman silang kumain at umalis na. Bumalik ulit ako sa pagkain at dahil hindi pa ako nakuntento, sinundan ko sila ng tingin only to find na gano'n rin ang ginagawa nila, 'yon nga lang nakasimangot sila.
Gano'n ba talaga ako kaganda, pati mga hayop napapatitig sa'kin?
Kaya naman para sa ikagaganda ko at ng mood nila. Wala, e panget talaga sila. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti galing sa hot fudge sundae na kasusubo ko lang kanina.Lalong kumulubot 'yong mga mukha nila at lalo naman akong natawa kasi may mas ipapanget pa pala sila.
Sakto namang nagvibrate ang phone ko sa bag kaya kinuha ko ito at nakita kong nagtext pala si mommy.
"Honey, it's almost time for dinner. Nasaan ka ba ngayon? Nagdadaldal na naman Kuya Vince mo rito kasi dinner won't start if wala ka pa."
I texted back while eating my sundae.
"I'll be home later, ma. You can start dinner without me. I'm just finishing something important here. Tell Kuya Vince that I'll bring him snacks when I get home."
I placed my phone back in my bag at saka ipinagpatuloy ang aking first dinner.
°•○●°•○●°•○●
"Oh!" Sabay hagis kay Kuya Vince ng malaking plastic na puro chocolates, biscuits, at tsitsterya. Nagulat naman siya kaya tumama ito sa mukha niya kasi nakahiga lang siya sa sofa. Pero imbis na magsorry, tinawanan ko pa siya. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula nang hubarin ang aking heels at footsocks. Habang siya naman ay nakaupo na at nagbubukas na ng biscuits.
"Thanks. Kumain ka na, ano?" Umupo siya at nagsimula nang buksan 'yong isang box ng Sneakers.
"Hindi pa, ah."
"Weh?" Tinitignan niya ako sa mata pero umiiwas ako. "E bakit ang laki ng tiyan mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Inaano ka ba ng tiyan ko, ah? Hindi por que't hindi ka nataba kahit na lamon ka ng lamon gina-AAHH!"
Niyakap niya ko ng mahigpit. 'Yong hindi na ako makahinga. Sweet sana kaso sinusuksok niya 'yong mukha ko sa bandang kili-kili niya!
"Si bunso naman hindi mabiro!" At doon ko na naramdaman na sumuksok na pala ang ilong ko sa kili-kili niya.
"Argh! Stop it! Kadiri!" Hinahampas ko na siya pero tinatawanan niya lang ako. Then bigla siyang bumitaw at tumakbo papuntang second floor, dala-dala 'yong plastic bag.
"H-hoy kuya pahingi ako!"
Hahabulin ko na dapat siya nang mapansin kong nasa tabi ko pa 'yong box ng Sneakers niya. Napangiti naman ako kasi I know na iniwan niya talaga 'yon para sa'kin. Or not. G*go 'yon eh.
Kinuha ko 'yon at napataas na lang ang kilay ko sa nakita ko.
"Kuya ang takaw mo talaga! Bakit tatlo na lang 'yong nandito?!" Narinig ko siyang tumawa ng malakas sa kwarto niya. Kahit kailan talaga itong si Kuya napaka-patay gutom!
Kung tatanungin niyo rin naman ako, siya si Marc Vincent "PG" Javelina. That's what I like to call him, patay-gutom. Kase mas matakaw pa sa'kin 'yan! Pero bakit gano'n, hindi siya tumataba?! Napaka-athletic ng katawan niya! 'Ni wala kang makikitang belly rolls nor double chin sa kaniya. Habang ako naman ay saksakan ng katabaan. But there is one thing I know for sure that we have in common that no one can deny. And that is Kuya Vince and I are both good-looking.
Siguro nga maganda talaga ang pagkakagawa sa'min nila mom and dad.
Sakto namang nagvibrate ang phone ko kaya kihuna ko ito sa bag at iniligpit ang mga gamit ko and went to my bedroom. I looked at the sender to see it was Valerie.
Hindi ko muna ito binasa kasi alam ko'ng kukulitin na naman niya ako na samahan siya'ng magshopping.
"Baby, kumain ka na ba? May ulam pa dito, tara kumain ka na. Baka hindi ka pa naghahapunan."
Well, sino nga ba ako para tumangi sa utos ng nanay ko?
Naligo muna ako saglit bago bumaba ng kwarto papuntang kusina. Bumulaga sa'kin ang napakabangong amoy ng menudo! Saktong luto na pala ito noong pagkababa ko. Kaya naman naghain na ako para sa sarili ko at nagsimula nang kumain habang si mommy naman ay pinapanood akong kumain.
"Oh! Hinay-hinay lang, aba! Alam ko'ng masarap talaga ako magluto but that's not a reason to stuff your face without breathing, honey." she said with full of confidence.
I was about to reply when I saw daddy came in. And once he saw us, his face suddenly got gloomy. He stared at me with a disgusted face, na parang ako ang pinakapanget na nilalang na nakita niya. I hate him.
"Kumakain ka na naman?!" medyo mataas ang boses.
"Daddy naman. Hindi pa nga daw kumakain ang anak mo."
Hindi pa rin ako tumitigil sa pagsubo while staring at him with a bored expression. He's always like this whenever he sees me.
"Well then, you should look at yourself now, Victoria. You're obese! Ano na lang ang sasabihin ni Rick? What will his son say, huh? Na magkakaroon siya ng asawang napabayaan sa kusina?"
"Now you're going too far. Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Anak mo siya, Daniel!"
He stared at me once again and said, "Kahit kailan, wala ako'ng anak na balyena." and walked out of the kitchen, leaving mommy pissed and me still eating.
----------------------------------------------------------------------------
Heyy...So I hope na nagustuhan niyo ang Chapter 1. Kahit papaano. Just wanna let you guys know that I'm still working on the synopsis of this story. Please do comment if you have any suggestion that I can read. I'd totally appreciate that. Thanks again!
![](https://img.wattpad.com/cover/105250567-288-k624884.jpg)
BINABASA MO ANG
A Fat Story
Literatura Feminina"Your looks doesn't match your confidence, honey. Pinapahiya mo lang ang sarili mo." "Hindi uso selfie sayo, ano? Dami mo kasi, e. Diet diet din pag may time." "Maganda ka sana kaso ang taba mo." "Ang yabang mo naman. Saan ba galing 'yan?"