4

8 0 0
                                    

Naka upo ako sa tabi ng bintana at pinagmasdan ang mga tao sa labas. Kinuha ko ang baso ng hot chocolate sa aking tabi, na hindi ko alam na naroon pala at saka ko ito ininom. Ang sarap!

Bigla namang kumulog at nakita ko na wala nang tao sa labas. Ang bilis naman nilang mawala. Nagsimula nang umulan at napansin ko na color brown ang bumagsak mula sa langit kaya nama'y lumabas ako ng bahay para i-check kung tama ba ang nahihinuha ko. Umuulan ng chocolate!

Walang sabi-sabing sumugod ako rito. Gumulong-gulong at pinaliguan ko raw ang sarili ko sa isang puddle ng chocolate. Malaki ang ngiti ko sa mukha habang ginagawa ito. Napakaganda ng panaginip na ito't sana hindi na ako magising.

"Wake up, lil sis. May pupuntahan tayo." Sinubukang hilahin ni kuya 'yong kumot ko pero hindi ko siya hinayaan. Kingina. Nawala tuloy 'yong panaginip ko! Sabado ngayon at saan naman niyang balak pumunta?

"Sige. Mauna ka na. Susunod na lang ako." Hindi ako dumilat at dinantayan ko na lang ang mala-hotdog ko'ng unan at tinalikuran siya. Sinimulan naman niya ako'ng yugyugin na parang bata.

Hindi ko siya pinansin pero nagsisimula na ako'ng mainis dahil hindi siya tumitigil.

"Tara na. Bangon na. Aalis pa tayo. Tara na."

"Ayoko! Ikaw na lang kasi pumunta! Stop bothering me! Sh*t naman, e!" Hindi ko pa rin dinidilat ang aking mga mata pero nakakunot na ang aking noo. Saka lang siya tumigil sa ginagawa niya.

Nanahimik ang kwarto ko ng ilang saglit dahil hindi ko na siya narinig magsalita. Makakatulog na sana ulit ako nang.

"Hoy! Gising na, taba." Hinampas ko siya.

"T*ng*n* naman, e!"

-----

Kumuha ako ng dalawang chicken nugget at isinubo iyon nang sabay habang pinapanood ko ang mga sasakyan sa labas. Minsan iniisip ko na nakikipagkarerahan kami sa mga iyon sa tuwing nabiyahe ako. At kapag nalampasan ng kotse namin ang isa o dalawa sa mga 'yon ay tuwang-tuwa na ako. Isip bata man kung iisipin pero masarap sa pakiramdam.

Tinignan ko ang orasan ko sa phone. 3:00 pm. Meryenda na lang siguro ito.

"Grabe. Wala pang 5 minutes at malapit mo nang maubos 'yan." Nakangiti pa siya't umiiling-iling habang sinasabi 'yon. Sumubo ulit ako ng isa at saka siya tinaasan ng kilay.

"Well, kasalan mo 'yon, kuya. Umiidlip ako tapos ginising gising mo ako. E susunduin mo lang pala si Ate Mica."

"E sinabi niya kasi na gusto ka niya makita agad pag-uwi niya. Kaya sinama talaga kita." Tinignan ko siya't ngumiti nang nakakaloko.

"Oo nga pala. Gusto mo nga pala siya kaya hindi ka makatanggi sa kanya, ano?" Nawalan ng kontrol ang kotse't muntik na kaming bumangga. Napatili naman ako nang wala sa oras dahil kinabahan ako na baka mabitawan iyong nuggets.

"Sorry! Okay ka lang?" Sinabi niya't sinubukang magfocus sa pagmamaneho.

"Ano ba 'yan, kuya! Mabuti sana kung nakaseat bealt rin 'yong nuggets, e!"

-----

Halos dalawang oras na kaming nag-aantay ni kuya dito sa airport pero hindi pa rin dumadating si Ate Mica. Kanina pa rin akong nagugutom sa katutunganga rito't wala akong magawa. Napa-face palm ako nang wala sa oras at nandiri sa nakapa ko. Oily na ang mukha ko. Hindi pwede ito, baka magkatigyawat ako. Nagpaalam ako kay kuya na pupunta ako sa restroom para makapagretouch. Tumango lang siya sakin nang hindi tumitingin. Hanggang ngayon, tutok na tutok pa rin siya sa mga nagsisilabas pasok na mga tao mula sa kani-kanilang mga flights.

Naghilamos ako ng aking mukha at kinuha mula sa bag ko 'yong panyo na dala ko. Kinuha ko na rin 'yong make up kit ko at nagsimula nang magretouch. May tumabi naman saking babaeng medyo matangkad and all I can say is napakaganda niya. Kalahi ko ba ito?

A Fat StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon