Kanina pa kami naglalakad ni Nick papuntang parking lot. Nakabuntot lang ako sa kanya habang nakatutok sa cellphone ko. Sinabi ko kay Valerie na magkita na lang kami sa main entrance pagkatapos kong magshopping para sa sarili ko. Ibinulsa ko ang aking phone ko at napabusangot sa layo ni Nick. Bakit ba kasi ang bilis niyang maglakad? Nag-ipon ako ng hininga at saka nag-jog palapit sa kanya. I managed to keep up with his speed pero hinihingal na agad ako. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at huminga ng malalim. Bakit ba kasi ang laki ng parking lot?
"Pagod na?" Narinig ko siyang tumawa nang mahina. Huminga ulit ako nang malalim at pinantayan siya sa paglalakad habang nakapamaywang.
"Mabuti sana kung ikaw itong nahihirapang humabol sa paglalakad mo, ano?" Napatingin naman siya sa'kin at tumawa ulit. Parang t*ng* lang talaga!
Susumbatan ko pa sana siya nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para tumakbo. Sinubukan ko'ng tumigil at hinila ko ang kamay ko para mabitawan niya ako. Pero sa sobrang lakas niya, napatakbo pa rin ako. Ilang segundo lang ang tinagal no'n at gusto ko na'ng mamatay.
Tumigil kami sa tapat ng BMW niya at muntik na akong mag-collapse sa sobrang pagkahingal. Narinig ko siyang tumawa nang malakas kaya napatingin ako sa kanya habang nagtatagaktak ang pawis ko sa mukha. Nainis ako kasi hindi man lang siya pinagpawisan sa ginawa namin.
Nagantay muna siya ng ilang saglit para ma-normalize ang paghinga ko. At habang nag-aantay siya, binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at may kinuha sa loob.
"Tubig?" Tinignan ko siya agad. Hindi pa man din niya nailalahad sa akin 'yon ay hinablot ko na sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko agad naubos 'yong laman no'n nang hindi man lang tinatanggal iyong cap. Pinasadahan ko siya ng tingin at nakita ko siya'ng tumatawa habag nailing.
"Look at you, Vee. Ang cute cute mo kapag napapagod ka." Minasamaan ko siya ng tingin at tumigil siya sa pagtawa.
"Alam mo mas cute ka kapag nasa kamay ko na 'yang leeg mo! Pinagod mo 'ko!" Susugurin ko na dapat siya pero nahawakan niya agad ang dalawang kamay ko.
"Waoh! Easy there! I brought you here para mag-usap. Hindi para patayin mo 'ko." Binitiwan niya ang kamay ko at humalukipkip ako.
"Ano ba kasi 'yon?" Irita ko'ng sinabi. Tinignan ko siya at medyo sumeryoso ang mukha niya.
"About the party..."
"Oh, tapos? Ayaw mo akong patuluyin?" Pinangunahan ko na agad siya. Although, I'm not sure kung 'yon nga ang sasabihin niya.
"How did you know?" Tinignan niya ako na para ba na hindi siya makapaniwala. Well, what do you know? Tama nga ako.
I played with my nails as if I'm bored, "I figured na ayaw mo akong patuluyin." Tinignan ko siya sa mata. "Pero ang gusto kong malaman ay kung bakit?"
Iniwasan niya ang mata ako at huminga nang malalim. "Well, it's about Valerie."
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. I didn't expect na kasama si Valerie dito. Sumandal siya sa kotse at tinignan ako.
"She's not your friend, Vee. Trust me. Ginagamit ka lang niya." Nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari ngayon. Ayoko sanang maniwala pero may maliit na part sa'kin ang nagsasabing baka totoo nga.
Kumunot ang noo ko, "Bakit naman niya ako gagamitin?" At napasandal na rin sa katabing kotse.
"Well, I heard Rommel's friends talking about Valerie at sa pasabog daw na gagawin niya para kay Rommel for his birthday. It turned out that Rommel wants you to be humiliated in front of everybody for also humiliating him."
Kumunot ang noo sa sinabi niya. Wala akong maalalang event na ipinahiya ko si Rommel sa harap ng maraming tao. Because, why the f*ck would I do that?
"And for your information, Valerie is head over heels for Rommel and would do anything what he wants. Even now na magkibigan na kayo."
Hindi pa rin nakukuha ng sistema ko ang pinag-uusapan namin ni Nick. Totoo ba talaga ito? 'Wag naman sana.
"At ano naman ang pasabog na 'yan?" Nagawa ko pa'ng itago ang kaba ko by raising my eyebrow.
"'Yan ang hindi ko alam. Pero if I were you, I'd better not attend that party."
Just then, bigla na lang may pumasok na idea sa'kin at napangiti ako nang wala sa oras.
"Pupunta pa rin ako." Nagulat si Nick at tinignan ako na parang baliw. Isang napakagandang baliw.
"Are you crazy?!"
"No, I'm beautiful." Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko kaya pumamaywang ako at tinignan siya.
"I don't know what they're up to but I'm going to that party. Kaya ko ang sarili ko kahit na wala si Valerie sa tabi ko. But there is one thing that I certainly cannot allow and that is to let those d*mn boys ruin our friendship. I don't know what the f*ck I did to them and I don't care. I'd say, f*ck 'em anytime." Tinalikuran ko siya, "Mahalaga sa'kin si Valerie kaya okay lang na itaboy niya ako papalayo. Pero ang hindi okay sa'kin ay 'yong makita ko ang kaibigan ko'ng umiiyak matapos siyang gamitin ng mga g*gong 'yon.Wala akong tiwala sa mga tao pero may tiwala ako sa kaibigan ko. 'Cause that's what friends are for, right?" Nagsimula na ako'ng maglakad papalayo nang marinig ko siyang nagbuntong hininga. Napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.
"D*mn it. Just tell me if anything goes wrong at the party. I be there." Napangiti ako sa sinabi niya. It looks like I'm not the only one who doesn't wanna lose Valerie.
------------------------------------------------------------------------------------------
"Vee!' Umalingawngaw na naman ang boses niya at tuwang-tuwa niya akong sinalubong habang dala-dala 'yong mga pinamili niya. Seriously, isa siyang naglalakad na wangwang.
Niyakap niya ako nang mahigpit na para ba'ng ang tagal kong nawala. "Tara, uwi na tayo. Akin na 'yang pinamili mo." Saka niya hinablot 'yong limang paper bags na dala ko at naglakad na papalayo habang ako naman ay nakabuntot lang sa kanya.
Pumasok na naman sa isip ko 'yong pinag-usapan namin ni Nick kanina. Tinignan ko si Valerie habang sarap na sarap itong kumakain ng ice cream. Napag-isip isip ko na siya lang ang kaibigang meron ako ngayon kaya hindi ko hahayaang mawala na lang bigla ang pagkakaibigan namin. I'll protect our friendship, no matter what's the cost. At kung iwan man niya ako, sorry na lang siya. Wala na siyang mahahanap na kaibigang kasing diyosa ko.
"Salamat sa pagsama, Vee" Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at bumaba na, dala dala ang mga pinamili ko.
"Seryoso ka? Ikaw pa talaga'ng nag-thank you? E ikaw nga itong naghatid sa'kin pauwi." Inayos ko ang damit ko at ngumuso naman siya.
"At least let me say, thank you." Pa-cute niyang sinabi.
"E 'di, thank you rin."
Nagpaalam na ako at pinanood munang makalayo 'yong koyse Valerie bago pumasok ng bahay. Agad naman akong sinalubong ni kuya. Kinuha niya ang mga dala ko at hinalungkay 'yon na tila may hinahanap.
"Pasalubong ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala!" Saka umakyat sa taas papunta sa kwarto ko. Bukas ko na lang iaakyat 'yong mga pinamili ko.
Humiga ako ng kama matapos kong magpalit. Tinitigan ko lang ang kisame ko at napaisip.
Gutom na 'ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/105250567-288-k624884.jpg)
BINABASA MO ANG
A Fat Story
ChickLit"Your looks doesn't match your confidence, honey. Pinapahiya mo lang ang sarili mo." "Hindi uso selfie sayo, ano? Dami mo kasi, e. Diet diet din pag may time." "Maganda ka sana kaso ang taba mo." "Ang yabang mo naman. Saan ba galing 'yan?"