I did my every routine in the morning. Bumangon ako, niligpit ang higaan pagkatapos naligo at tsaka nagbihis. Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko si mommy na naghahanda na nang aming almusal.
"Nandyan ka na pala anak." Bineso ako ni mommy pagkatapos ay hinila na nya ang isang upuan para sa'kin. "Maupo ka na anak, hintayin nalang natin si Kuya at Daddy mo" ngumiti si mommy sa'kin tsaka bumalik ulit sya sa kusina para siguro kunin pa ang ibang pagkain.
Habang hinihintay ko si kuya at daddy, kinuha ko muna 'yong cellphone ko na may text pala ni Alice.
Alice:
Bes, nandito na ako sa school. Meron nang nilabas na list para sa prom. Punta ka na dito, bilis
Tumingin ako sa relo ko, 7:15 na pala pero di pa ako nakakakain. Bahala na. Titingnan ko nalang mamaya. Nagtipa na ako nang reply kay Alice.
To: Alice
Mga 7:45 bes, nandyan na ako. Kumakain pa kasi ako. See you.
Sakto, pagsend nang message ko kay Alice dumating na sina Kuya tsaka si Daddy. Tumayo ako para magbeso kay Dad at kay Kuya.
"Good morning dad, kuya" pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko.
"Good morning anak" pabalik bati ni Daddy sa'kin.
"I heard that your prom is coming. Wanna seek out for your gown Sofia? as well as yours Liann?" Tanong ni mommy sa'min ni Kuya.
"Mom, you already know that I'm not interested with that Prom. Di ko hilig 'yan" sagot ni Kuya kay Mommy na ngayon ay nakasimangot na.
"Mom, If Kuya is not interested. Well, I'm interested" sabay kislap ng aking mga mata kay mommy.
"I'm sure you're interested with this thing Sofia" sabay ngiti ni Mommy sa'kin "But Liann, are you sure you don't want this prom?" salitang parang nangungusap na sambit ni Mommy.
"I'll try Mom. I have to go" sabay tayo ni Kuya pagkatapos ay tumalikod na.
"Kuya!" sigaw ko. "Wait for me, sabay na tayo" bineso ko sina Mommy at Daddy pagkatapos kumaripas na ng takbo patungo kay Kuya.
"You should have walk, ayan tuloy napagod ka. Kakatapos mo lang sa pagkain tapos tumakbo ka kaagad, sigurado akong sasakit 'yang tagiliran mo." sambit ni Kuya pagkatapos ay nakitaan ko ng concern ang kanyang mga mata. He's always like that. Cold but he's sweet and overprotective when it comes to me.
"Kasi Kuya, sabi ko sayo hintayin mo ako pero nagpatuloy ka naman kasi sa paglalakad kaya tumakbo na ako, halika na!" hinila ko na sya papasok sa kotse.
Ginulo nya ang buhok ko "Yan kasi! Mabagal kumain. Ang daming satsat" humagalpak na siya ng tawa tapos inirapan ko nalang.
Dumating na ako sa school pagkatapos lumabas na kami ni Kuya. Hinalikan muna ni Kuya ang aking noo bago umalis para puntahan siguro ang kanyang mga kaibigan. Naglalakad na ako patungo sa loob dahil di ko namalayan na nakatunganga lang pala ako sa labas nang gate kaya pumasok na ako. I saw many student who are gathering near the bulletin board. I guess this is the prom Alice's is talking about. Naglalakad ako nang sumabay si Alice sa paglalakad.
"Bes, 'yong mga 4th year 'yong magiging partner natin" sabay talon ni Alice na hindi mo naman masyadong mahahalata na masaya sya.
"Okay. 'Yong batch lang naman pala nila Kuya, ayos lang." walang gana kong sambit sakanya at sabay lingon ko ulit sa mga studyante na nakatingin sa bulletin board.
"Lang!?" Pahisteryang tanong ni Alice sa'kin. Ang OA din nang isang to. Batch ba naman ni Kuya ang pinag-uusapan tiyak na parang palaging nasasapian 'tong si Alice. Baliw! "Anong lang, Sofia? Sila kaya 'yong batch na madaming gwapo, ayiiieee!" tili ni Alice na ang sakit sa tenga. Ang ingay ne'tong si Alice pinagtitinginan tuloy kami.
YOU ARE READING
Almost
Teen FictionMinsan sa buhay natin may ilang tao tayong makikilala. Pero ni isa sa kanila wala tayong kasiguraduhan kung sino ang ating makakasama. We will always left with the word "Almost" sa tuwing ang taong akala natin na para sa atin ay bigla nalang mawawal...