Capitolo 3

9 0 0
                                    

The day went on like that. Laging nagpapadala si Van ng mga rosas o di kaya mga chocolates. I was expecting him to do some letters for me pero hindi nya ginawa. Aba! Di ko pa rin talaga nakakalimutan si Mr. Sulat, yan na ang pangalan nung lalaki na 'yon simula ngayon. Minsan nanan sinasamahan ako ni Van sa canteen. Ang hilig niya kasing magpapansin. Hindi na nakakatuwa.

"Sofia, halika." sabay utos nya sa'king lumapit. Ano ako aso? I smirk "Ano na naman to Delgado?" tanong ko sakanya. Nakatingin na naman kasi 'yong mga kaklase ko. Ayan! Nagsisimula na naman siyang makaagaw nang atensyon.

"I just want to be with you" sambit nya tapos naging malamig ulit ang kanyang ekspresyon. Want to be with you mo 'yang mukha mo. Back off Delgado!

"But, if you don't want to. Fine. I'll go on my own" Malamig nyang sambit tapos tatalikod na sana sya pero kainis! Tinawag ko pa kasi.

"Delgado!" sigaw ko sakanya. "Ano 'yon?" sabay tingin nya sa'kin nang napakaseryoso. Bigla tuloy ako naguilty.

"A-ah sabay na tayong magsnack?" tanong ko sakanya at binigyan ko pa sya nang napakatamis na ngiti. Salamat ka at marunong pa akong maguilty. Ang sarap mo kutosan!

"Sigurado ka? Di ka napipilitan?" tanong nya sa'kin gamit ang kanyang mga nanunuri na mga mata. Kung alam nya lang. Tss

"Hindi nga! Ano? Tara o pupunta nalang ako sa canteen na mag-isa?" tanong ko sakanya at magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang bigla nya akong hinila.

"I don't want to see you walking alone so ofcourse I'll go with you" kinindatan pa ako ng gago. Sanay na akong mag-isa kaya di na kita kailangan! Naku! Pinagbibigyan lang kita kung alam mo lang.

"Bilis na!" hinila ko na sya na ngayon ay nakangiting aso na.  Baliw din ang isang to.

Habang naglalakad kami patungo sa canteen nakita ko si Ken sa malayo. Kumaway sya sa'kin at di ko namalayan na papalapit na pala sya sa'kin. Kalma puso! Kalma! Wag pahalata, please?

"Sofia" ngiti ni Ken sa'kin, hays! ba't ang gwapo niya masyado. Eto na naman ako sa kakapantasya kay Ken, di ko kasi mapigilan.

Tumingin na rin sya sa likod ko "Van" tumango lang sya kay Van.

"Sofia, pwede ba tayong kumain mamaya sa labas ng school? Ililibre kita" ngumiti sya sa'kin. Oo na oo! Ikaw pa!

"Oo ba, basta libre mo" sabay ngiti ko na rin sakanya. Sana maaga kaming lumabas mamaya para makasama ko ang aking Escasa of my life. Di pa rin mawala ang ngiti sa aking labi. Bigla nalang nawala ang mga ngiti ni Ken nang napunta ang direksyon ng kanyang mga mata kay Van.

Tumingin na rin ako kay Van at nakita ko na napakatalim ng kanyang mga mata na tumitingin kay Ken. Ano na naman 'to Delgado? Panira ka ng moment.

"A-ahm s-see you m-mamaya Sofia" naging hilaw ang kanyang mga ngiti pagkatapos ay naglakad na palayo sa'min. Ano yun? Wala na tuloy si Ken. Napasimangot ako sa pag-alis niya.

"Dapat alam niya kung sinong niyayaya nya" bulong ni Van na narinig ko naman. Anong problema ng lalaking 'to? Sarap niya talagang kutosan!

Baliw din 'tong lalaki to. Akala mo kung sino. Hinila na nya ako patungo sa canteen. Ang hilig manghila.

"You stay here" turo nya sa upuan na nilapitan namin. "Ako na ang mag-oorder" tumango nalang ako sakanya bilang sagot. Ayokong kumibo. Di pa rin ako makaget-over sa nangyari kanina.

Minsan di ko talaga maintindihan si Van. Partner ko lang naman sya sa prom di ko naman sya boyfriend. Kung makaasta sya parang boyfriend ko sya. Napangiwi ako sa naiisip ko. Kadiri! Di ko na namalayan na parating na pala sya.

"Eto na ang pagkain natin" nilapag na nya ang mga pagkain namin. Tumango lang ako sakanya pagkatapos sinimulan ko nang nguyain ang siopao na binili nya.

"Sofia?" agaw ni Van sa atensyon ko. "Hmm" sagot ko sakanya. Busy ako sa pagkain, kaya wag ka! Wala din akong gana makipag-usap sakanya.

"Hatid na kita mamaya sa pag-uwi?" yaya nya sa'kin. Ang kapal din ng mukha mo noh? Pabigla-bigla naman ata 'yon. Di pwede, sasabay ako kay Alice. Ayokong makasama ka!

"Sorry Van ha? Si Alice kasi 'yong palaging kasabay sa pag-uwi baka magtampo na 'yon sa'kin" Dahilan ko sakanya. Kasi AYOKO, AYOKO TALAGA!

"You can take Alice with us" pangungumbinsi nya.

"No!" pahisterya kong sagot sakanya.

"I mean time namin 'yon ni Alice kaya walang pwedeng sumama" paliwanag ko kay Van na ngayon ay matiim na nakatingin sa akin.

"Time nyo ni Alice o Time nyo ni Ken?" he smirk. Anong pinagsasabi netong lalaki na to.

"Ano!? Syempre time namin ni Alice. Kahit nung di ka pa dumadating eh si Alice naman talaga ang lagi kong kasama at hindi ikaw" tinuro ko na sya. Mabilis na ang aking paghinga dahil mukhang napuno ata ako dun sa sinabi nya. Anong akala niya? Nagsisinungaling ako? Kainis! Oo, gusto kong makasama si Ken pero di naman ako nagsisinungaling nung sinabi kong si Alice 'yong kasama kong pauwi. Di kasi sasabay si Kuya sa'kin kaya si Alice nalang.

"I guess you're enjoying the company of Ken, I better go." tumayo na sya at naglakad palayo sa akin.

Unti-unti ko nang di maaninaw ang likod ni Van. Ano bang problema nun? Ngumiwi nalang ako. Syempre naman! Mas gusto ko si Ken noh? Gwapo, matalino, marunong rumespeto, na sakanya na talaga ang lahat. Hays, di ko maiwasang mapangiti. Iisipin ko palang na ililibre niya ako ay parang nanisay na ako sa kilig.

Naglakad na ako pabalik sa room. Nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin sa'kin. Ang iba nakangiting aso pero yung iba naman ang talim ng tingin sa'kin. Kayo na sumama dun sa crush nyong bipolar. Kainis! Dun na kayo sa crush niyo, total! Loyal naman ako sa ESCASA OF MY LIFE.

Pumasok na ako sa room at umupo na muna sa likod. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko si Alice.

To: Alice

Bes, sabay tayo umuwi mamaya ha? Imissyou. Di mo 'ko sinamahan kanina sa recess.

Sinend ko na at luminga-linga ako. Nakita ko si Ken, kumaway ako sakanya pero nag-iwas lang sya nang tingin. Kasalanan mo 'to Delgado! Pati lovelife ko nadadamay! Binaba ko nalang ang kamay ko at tumingin sa cellphone na may reply ni Alice.

Alice:

Tse! Paano ako makakasabay sayo eh kasama mo na naman si Van. Ano ako bes? Third party uli? Ha?

Napangisi nalang ako sa reply nya nang may dumating uli na message. Nagreply muna ako kay Alice bago tiningnan ang pangalawang message.

To: Alice

Wag na magtampo bes ha? Basta mamaya sabay tayo sa pag-uwi.

Sinend ko na at tiningnan ko ang next message.

Ken:

Sofia? Kayo ba ni Van?

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Syempre hindi noh! Kung alam mo lang Ken. Ikaw ang gusto ko kesa sa Delgado na 'yan! Agad akong nagtipa ng sagot.

To: Ken

Hindi noh! Ayoko nga sa gagong 'yon. Sorry sa inasta nya kanina, feeling nya lang 'yon.

Nagreply naman kaagad si Ken. Napangiti ako.

Ken:

Oh okay. So, tuloy tayo mamaya ha? Text you later nandito na si Mrs. Tuazon.

Di na ako nagreply kay Ken. Baka isipin niya na masyado akong halata na excited para mamaya. Kehet ee nemen! Enebe! Hays, katulad din kaya ni Ken ay akala nang mga tao na kami na ni Van? Yucks! Ayoko nga sa bipolar na 'yon eh. Mabuti sana kunh si Ken 'yon eh paano ba naman, kinain na ang pangalan ko sa pangalan ni Van. Niligpit ko na ang cellphone ko at tumingin sa harap kahit wala namang teacher.

Ghaaaaad! That Delgado is ruining my life. Kainis! Sana magpatuloy nalang sya sa pagtatampo nya sa'kin kasi ayoko nang makita ang mukha nya. Masyado nang nadadawit ang pangalan ko sa Delgado na 'yon. I better have Ken than to involve my name with that Delgado. Masyadong maraming baliw sakanya para dagdagan ko pa.

AlmostWhere stories live. Discover now