"I get it" sambit ni Alice pagkatapos tumingala sa ulap.
"Na ano?" tanong ko sakanya.
"Kung bakit nakatingin sa'yo 'yong mga babae kanina. Kasi partner mo LANG naman ang isang Van Isaiah Delgado" diin nya pa sa 'lang'.
"Di ko nga alam bes eh, sa dami-dami ba naman nang pwedeng maging partner ko eh si Van pa talaga" sabay irap ko sa hangin.
"Sus!" kinurot nya ako sa tagiliran ko. Ang hilig mangurot eh. "You should be thankful, you're lucky to have him as your partner. Marami kayang babae ang gustong makapartner sya" sabay ngiti nya sa'kin.
"Di ko talaga gusto ang ideya na partner ko siya, ang dami ko kayang natanggap na bulong-bulongan kahapon nang dahil sakanya" Umirap ulit ako.
"Mamaya na 'yan bes. Punta na ako sa classroom. Bye" hinalikan niya ako sa pisngi at tumakbo na.
Nagring na pala ang bell. Hindi ako tumakbo. Naglakad lang ako, di masyadong ganap ang salitang "klase" ngayon sa section namin kasi laging absent 'yong first subject teacher namin. Habang naglalakad ako nakita kong nakatingin sa'kin si Van. I can see anger and disappointment in his eyes. Para bang kasalanan ko pa na ako 'yong partner nya. Iniba ko nalang ang direksyon ko pero bago ko pa 'yon magawa nahuli na nya ako kaya tumigil na ako.
"Don't you dare turn your back at me" malamig na sambit nya sa'kin. Humarap ako sakanya.
Tinaasan ko nalang sya ng kilay.
"Bakit?" pagtataray ko sakanya. Nakita kong nawala na ang galit at disappointment sakanyang mga mata.
"So, what's your plan this coming promenade?" tanong nya sa'kin.
"Ahm, as far as I can do it. I would like to, ahm..." di ko madugtungan ang aking mga salita.
"What?" naging seryoso ulit ang kanyang mga ekspresyon.
"I would like to tell Mrs. Mendoza that I would change my partner. I'll take Ken instead of y-" dudugtungan ko na sana nang bigla nalang syang nagsalita.
"Hush baby, di mo kailangan magpalit nang partner. I'll have you than to see you with someone else's hand" sabay talikod nya sa'kin.
Naramdaman ko nalang na uminit na 'yong pisngi ko. Hindi dahil kinikilig ako sa sinabi niya kundi dahil naiinis ako. Naiinis ako na bakit ayaw niyang magpalit nang partner. Mas gusto ko si Ken maging partner kesa sakanya. Bumilis bigla 'yong lakad ko tsaka pumasok na ako sa room. Nandun na pala si Ms. Morte para sa second subject namin, muntik na akong malate.
Habang nagleleksyon si Ms. Morte walang pumapasok sa isip ko kundi ang mga katagang binitawan ni Van kani-kanina lang. Naiinis talaga ako sakanya. Kakausapin ko ulit 'yon mamaya. Hindi pwede na sya ang magiging partner ko sa prom. Paano na 'yong usapan namin ni Ken? Kainis talaga 'yang Delgado na 'yan! May sira ata 'yon sa utak. Kahapon lang parang galit sya sa'kin tapos ngayon bigla nya nalang sasabihin 'yon?
"Ms. Calderon? Excuse me? Are you with us?" pagtataray na tanong ni Ms. Morte sa'kin pagkatapos tumingin ako sa paligid ko, nakatingin pala sila lahat sa akin. Kasalanan mo 'to Delgado!
"A-ahm y-yes Miss, I'm sorry" sabay yuko ko.
"Good, now eyes infront Ms. Calderon" pinagpatuloy nya lang ang pagleleksyon nya at nakinig nalang ako sakanya.
Natapos din ang leksyon ni Ms. Morte tapos napagdesisyonan ko na tumambay muna sa gym total mamaya pa naman 'yong next class ko.
Nakaupo ako sa gym at bigla ko nalang naisip 'yong isang lalaki na palaging nagbibigay sa akin ng sulat. Gusto kong basahin 'yong mga sulat nya dahil nacucurious talaga ako sakanya. Ano ba naman 'yong walang pangalan na nakalagay diba? Kaya nung tumigil na sya sa pagsulat, di na rin ako tumatanggap ng mga sulat. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino at anong pangalan niya.
Nakita ko si Alice di kalayuan, kumaway ako sakanya. Tumakbo na sya palapit sa'kin.
"Bes bilisan mo!" sigaw ko sakanya.
"Bakit bes?" tanong niya
"Mas gusto ko makapartner ang aking Escasa of my life" pagpapantasya na sambit ko kay Alice "kesa dun sa Delgado na 'yon. Ayoko bes!" sabay simangot ko uli.
"Okay lang 'yan bes." tinapik niya ang balikat ko "Sa cotillion lang naman kayo magkakapartner diba? Pwede ka naman makipagsayaw kay Ken, last dance naman 'yong hiningi niya hindi first dance" pangungumbinsi niya sa'kin.
Oo nga noh. Iisipin ko nalang na para sa bayan, makikipagsayaw ako kay Delgado basta ba pagkatapos nun eh si Escasa of my life na ang kasayaw ko. Napangiti ako sa naiisip ko. Biglang tumikhim si Alice kaya napatingin ako sakanya.
"Bes, anong ginagawa mo dito? Emote uli?" sabay tawa nya at nanunuya ang kanyang mga mata.
"Wala, naisip ko lang ulit 'yong lalaking laging nagbibigay sa'kin nang sulat. Naalala mo 'yong Grade 7 tayo?" pag-iiba ko nalang nang topic tsaka yinugyog ko sya para pilit ipaalala sakanya.
"Oo nga bes no? Saan na kaya yun nilagay ni Lord" tumingala sya na parang may malalim na iniisip, mabuti naman at napalitan ko kaagad ang topic kundi sumisigaw na ulit 'to ngayon. "Diba? Sya lang naman 'yong lalaki na nagagawang pabasahin ka nang napakahaba? Asan na kaya 'yon" tumingin sya sa'kin na para bang masasagot ko ang tanong nya.
"Aba malay ko, pero whatever. It's his choice anyway" tumingin din ako sakanya pagkatapos ay tumayo na para bumalik na sa classroom.
"Tara na bes?" tanong ko sakanya. Tumango naman sya at nagpaalam na rin sya papunta sa classroom niya.
Pumasok na ako sa classroom at wala pa naman si Mrs. Cruz. Sasabihin ko pa naman sakanya na hindi ko nahanap 'yong librong pinapahanap niya.
"Guys! Nagbigay lang ng seatwork si Mrs. Cruz ipass nalang daw natin bukas." sambit nang aming class president kaya pumunta nalang ako sa likod para magmuni-muni. Habang nag-iisip ako tinawag ako ng kaklase ko.
"Sofia! May naghahanap sayo, bilis" sigaw nya sa'kin na para bang ang principal 'yong naghahanap sa akin.
"Sino ba yan?" tanong ko sakanya habang naglalakad "Bilisan mo nalang!" hinila na nya ako, hindi na nakapaghintay ang bruha.
"Sino ba k-" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang nakita ko kung sino ang nasa labas. Delgado! Ano na namang trip 'to. Kainis! "Hey" sabay abot nya sa'kin ng isang bouquet. Ayokong tanggapin 'yang mga rosas na 'yan kaya tinanong ko nalang siya "What is it now?" tinaasan ko na sya ng kilay. Aba! Ang lakas nang self-confidence ng lalaking to. Grrr.
"I just want my queen to feel special everyday" bulong nya sa'kin pagkatapos ay umalis na sya at ginugulo na ako nang nga kaklase ko. Kainis! Ang hilig gumawa nang eksena.
Queen mo mukha mo! Ang sarap mong ipakain sa pating, Delgado! Kung alam mo lang. Akala mo naman nagugustuhan ko ang presensya niya. Yucks! Di ko pa nakakalimutan 'yong nangyari sa library!
"Ang swerte mo, Sofia" sabi ni Janella, ang class president namin.
"Anong swerte dito?" tinaas ko ang bouquet na hawak ko. "Okay sana kung wag na siyang pumunta dito eh, ang hilig gumawa nang eksena" umirap ako sa kawalan.
"Ay, pahard to get ang lola niyo oh!" panunuya ni Hazel sa'kin.
"Hindi ako nagpapahard to get ha. Ayaw ko nga dun eh. May gusto akong iba" pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Asus! Sino bang babae ang may ayaw kay Van, ha?" tanong ni Hazel sa'kin.
"Gaga! Syempre ako! Sabing ayoko dun eh. Sayo na yan!" sabay bigay sakanya nung bouquet na binigay ni Van. Lamunin nyo 'yan. Tumalikod na ako.
Ginawa ko nalang ang seatwork na pinapagawa ni Mrs. Cruz, hindi naman mahaba ang pinapasulat kaya mabilis naman akong natapos at niligpit ko nalang ang notebook ko at nagmuni-muni uli.
Kung si Ken 'yong nagbigay kanina, di sana parang nanisay na ako sa kilig eh ano ba naman 'yong si Van 'yong nagbigay. Nakakasira ata 'yon ng araw. Hays. Sana si Ken nalang talaga, hangga't maaari ayokong mainvolve ang pangalan ko kay Van. Di ko masyadong like na madawit ang pangalan ko sakanya.
YOU ARE READING
Almost
Teen FictionMinsan sa buhay natin may ilang tao tayong makikilala. Pero ni isa sa kanila wala tayong kasiguraduhan kung sino ang ating makakasama. We will always left with the word "Almost" sa tuwing ang taong akala natin na para sa atin ay bigla nalang mawawal...