Capitolo 10

11 0 0
                                    

Pinakilala ko na si Van kay Alice. They already know each other pero pa echos pa kasi 'tong si Alice.

"Bes, Van Delgado" sabay turo ko kay Van at tiningnan si Alice.

"Van, si Alice, bestfriend ko" tumingin uli ako kay Van at nginitian siya. Nagshake hands silang dalawa. Gusto kong matawa sa mukha ni Alice, ang seryoso yata ne'to ngayon.

"Van, alagaan mo 'tong bestfriend ko ha? 'Pag ito sinaktan mo, wag na wag kanang magpapakita sa'kin dahil hindi kita hahayaang mabuhay pa ulit dito sa mundo" sambit ni Alice. Gusto kong matawa, ang OA din ne'tong babaeng 'to. Pero I'm happy to hear that. Alice really love me.

"Ofcourse. I won't let that happen" sagot ni Van kay Alice. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Damn, that smile!

"Okay, good. Una na muna ako. Ayokong langgamin" ani Alice na parang naiirita pero syempre biro lang 'yon. Bumeso siya sa'kin at nagpaalam na.

Naglalakad kami ni Van ngayon sa campus. Naghihintay na magsimula 'yong practice ng prom. As he hold my hand, I can't help but stare at it. I'm lucky that I have him. He's someone's dream and I bet that he's everyone's favorite fantasy. And I have their fantasy. Ako, ako ang nakahawak sa kamay niya. Ako, ako ang dahilan nang mga ngiti niya. Ako, ako lang ang mahal niya. Ako, ako ang dahilan nang mga pagseselos niya. Ako at ako lang 'yon.

"Baka tunawin ako niyang titig mo" sambit ni Van na kinagulat ko. Mahina siyang tumawa sa reaksyon ko.

"Little did I know, I have an effect on you" nakangiting sambit niya. Maryusep! Sino bang hindi matitigilan sa tawa at ngiti niya.

"And little did I know, ang OA mo pala" sabay kirot ko sakanyang ilong. Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi. Like, I'm shocked. I can't believe it. I'm stunned at the moment.

"You're so cute when you do that" nakangiting sambit niya. Hinila na niya ako sa gym kung saan 'yong practice. Did it really happened?

Habang patungo na kami ni Van sa gym, nakita ko si Ken sa may bandang canteen. Nakatingin siya samin o sa'kin lang? Hilaw siyang ngumiti at umalis na. Siguro pupunta na siya sa gym katulad namin.

"I'll go to Tristan." paalam ko kay Van.

"No, I'll go with you." seryoso niyang sabi.

"E 'yong partner mo? Mapapagalitan tayo ni Mrs. Mendoza nyan" pagmamaktol ko sakanya. Pinagpalit kami nang partner kasi nung araw na hindi kami bumalik nang practice, pinagalitan kami ni Mrs. Mendoza. Inexchange partner kami para daw di na kami magbulakbol, nagmamaktol si Van nun pero wala din siyang nagawa.

"Don't worry. Ihahatid lang naman kita patungo kay Tristan tsaka aalis na ako" sambit niya. Tumango nalang ako.

Nang makalapit na kami kay Tristan, bigla akong tumawa nang mahina dahil sa reaksyon niya. Para siyang natatakot habang tinitingnan niya ang kamay namin ni Van. Ang OA din ng mga tao ngayon.

"Pare, hanggang sa cotillon mo lang pwede isayaw si Sofia, ha? And the rest, it will be my turn" ani Van at tumango naman ng mabilisan si Tristan sakanya. Hinalikan muna ni Van ang aking noo bago siya umalis. Humarap ako kay Tristan at ngumiti na sakanya.

Hindi na dapat mag-alala si Van kay Tristan dahil parang bakla kasi 'tong si Tristan. Kaya siguro 'to nanginginig kanina dahil crush niya si Van.

"Hoy girl! Kayo na?" mataray niyang tanong sa'kin. Tignan mo na?

"Ahh oo e" sabay pacute kong ngiti sakanya at nilagay ko sa tenga ang tumatakas na buhok ko.

"Ang swerte mo girl!" inirapan niya ako at kinuha na ang kamay ko.

AlmostWhere stories live. Discover now