"Van!" sigaw ko sakanya habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. Naku naman! Tumigil ka na Van, pagod na ako pero di ako dapat sumuko. Fighting!
"Van! Teka naman oh, tumigil ka na sa paglalakad di ka ba napapagod?" sigaw ko parin sakanya. Sa wakas tumigil na siya at lumingon sa'kin.
"Bakit? Sino bang nagsabi sayo na sundan mo ako? After you said that I have to stop my bullshits and now you're here chasing me, for what? Sofia, wag na tayong maglokohan. I get it, mas gusto mo si Ken makasama. I'm just your partner in prom, right?" sabay talikod niya uli. Masyado ko ata syang nasaktan sa sinabi ko. Wait, nasaktan? Bakit siya masasaktan?
"Van!" sigaw ko ulit habang naglalakad para kahit papaano ay marinig niya ang sasabihin ko. Pinagtitinginan na kami ng mga studyante.
"I'm sorry" sabi ko sakanya at tumigil na sa paglalakad sa pag-aakala na titigil siya. Pero hindi, nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Tumigil na rin ako at tumakbo nalang pabalik sa classroom.
Pagbalik ko sa classroom wala na dun si Ken pero iniwan niya naman 'yong bouquet. Di ko tuloy nasabi sakanya kung gaano ako kasaya nung binigay niya sa'kin 'tong bouquet. Masaya na may halong lungkot ang nararamdaman ko kaya naman ay nung nagsimula na ang klase namin ay para akong wala sa sarili. Oras na ang lumipas pero wala pa rin akong naiintindihan sa mga sinasabi nang teacher namin sa harap. Di ko na namalayan na tapos na pala ang klase namin.
Wala akong buhay na lumabas sa room namin. Nakita ko si Alice na papalapit sa'kin habang ang kanyang mga mata ay nanunuri.
"Ano na namang nangyari sayo bes?" tanong niya kaagad nang nakalapit na siya sa'kin.
Di ako kumibo, nakatunganga pa rin ako kaya sinapak na niya ako.
"Aray!" reklamo ko sakanya. Ngayon naman ay niyuyugyog niya ako.
"Gumising ka hoy!" sigaw niya sa'kin at pinasada ang kanyang kamay sa ere.
"Gising na ako, bes. Ito na nga diba? Nagsasalita na. Para kang baliw!" sabi ko sakanya habang umiirap.
"Para ka kasing wala sa sarili. For your information, ikaw po ang baliw, hindi ako" sabay tawa niya pa.
"Kasi bes, naalala mo 'yong nagawa ko kay Van? Di niya ako pinatawad bes, nanghingi na ako ng sorry sakanya kanina. Di ko na nga napansin 'yong binigay na bouquet sa'kin ni Ken." paliwanag ko sakanya.
"Binigyan ka ni Ken ng mga bulaklak!?" pahisteryang tanong ni Alice sa'kin. Seriously? 'yon lang yung narinig niya? Gagi talaga.
"Oo, bes. Yun lang 'yong narinig mo sa sinabi ko?" tanong ko sakanya.
"Hindi naman bes, nabigla lang ako. I smell something fishy diyan kay Ken ha, baka manligaw siya sayo bes. Ayieeeee!" tili niya. Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Baliw talaga. Biniro niya pa ako tungkol kay Ken hanggang sa nakita ko si Van na ang talim ng tingin sa'kin. Gusto ko sana siyang lapitan pero may pumigil sa'kin.
"Alice, dinner uli tayo?" tanong ni Ken sa'kin. Nagulat ako sa presensya niya. Tumingin ako kay Alice na ngayon ay nakangiting aso na.
"Ahh teka.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumingin ako sa banda ni Van. Nakita kong hinalikan niya 'yong babae, hinila pa ng babae ang kwelyo niya para siguro isiil pa ni Van 'yong halikan nila. Nakakainis! Dahil nakatingin pa si Van sa'kin habang ginagawa nila 'yon.
"I have to go" deklara ko kina Alice at Ken na halatang nagulat sa desisyon ko. Tumakbo na ako papunta sa gate ng school at kinapa ko ang aking cellphone tapos dinial ang driver namin.
"Manong? Kunin niyo na po ako, pakibilis po sana" pakiusap ko sakanya at naramdaman ko na ang sakit ng puso ko. Parang may tumama dito na hindi ko maintindihan. Parang bigla ko nalang naramdaman na parang naninikip na ang dibdib ko. Wala namang mali sa nakita ko diba? Pero bakit ako nasasaktan? Sofia, epekto lang yan ng hindi pagtanggap ni Van sa sorry mo, okay? Tama, dahil lang yun sa nangyari kanina.
YOU ARE READING
Almost
Roman pour AdolescentsMinsan sa buhay natin may ilang tao tayong makikilala. Pero ni isa sa kanila wala tayong kasiguraduhan kung sino ang ating makakasama. We will always left with the word "Almost" sa tuwing ang taong akala natin na para sa atin ay bigla nalang mawawal...