Capitolo 4

11 1 0
                                    

Nang maghapon na, excited na ako. Mabuti nalang talaga at maaga kami nakalabas sa room. Nagligpit na ako ng gamit, aba syempre excited ba naman ako makasama si Ken. Paglabas ko nandun na si Ken, napangiti nalang ako sa kawalan.

"Let's go?" aya niya sa'kin. Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad.

"So, ba't mo naisipang manglibre? Pay day mo ba?" sabay tawa ko pa sakanya.

"Hindi, gusto lang kitang ayain. I feel disappointed nung nalaman ko na hindi ikaw yung partner ko. Ofcourse, para pampalubag ng loob ililibre nalang kita" Ngumiti siya sa'kin at inakbayan na niya ako. Enebe! Kenekeleg eke Ken!

Habang naglalakad kami palabas nang gate bigla kong naalala si Alice. Patay! Tumigil ako sa paglalakad kaya natigil din si Ken. Tumingin siya sa'kin dahil sa paghinto ko.

"May problema ba, Sofia?" tanong niya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Muntik ko ng makalimutan. Sasabay pala si Alice sa'kin ngayon. Pwede ba natin sya balikan? Baka magtampo 'yon sa'kin" aya ko sakanya. Di talaga pwedeng hindi balikan si Alice, kasi naku! Siguradong magtatampo 'yon.

"Sure, sige ba. Asan ba siya?" tanong ni Ken sa'kin.

"Sure ka? Okay lang sayo? Dalawa na kaming ililibre mo. Alam mo namang matakaw yun si Alice." sabay tawa ko sa salitang nasambit. Tumawa na din si Ken.

"Okay lang. Tara na! Baka nagmumukmok na 'yong bestfriend mo, patay tayo!" tumawa siya at tumakbo na kami papunta kay Alice.

Minsan sa buhay natin kailangan talaga natin ng lalaking kayang umintindi sa atin. Katulad nalang ni Ken. Bihira nalang din ang mga lalaki na ganito, minsan kasi ang iba nagagalit pag nadedelay ang lakad o di kaya di marunong umintindi. Sasabihan ka pa na "Ba't mo kasi nakalimutan" napangiwi nalang ako sa naiisip kaya di ko namalayan na nakatingin na pala siya sa'kin.

"Anong nangyari sa mukha mo? Ba't ka ngumingiwi diyan?" tanong ni Ken tas sinabayan niya pa ng tawa.

"Wala" ngumiti lang ako sakanya. Tumigil na muna siya sa paglalakad habang hinaharap niya ako.

"Dahil ba dito?" sabay taas niya ng kamay namin na magkahawak. "Sorry" sabay kalas niya at ngumiti.

Tumawa lang ako dahil sa ginawa niya kaya kinuha ko uli ang kamay niya at pinagsiklop yun kasama ang aking mga kamay. There, it feels like it's made up for me. Ngumingiti na ako na parang baliw.

"Ngumiwi ako dahil di nakakatuwa yung iniisip ko. Ang nega mo! Ano namang kinalaman ng mga kamay natin?" tanong ko sakanya habang tinataas ko ang kamay namin. Damn! Kinikilig ako.

"A-ah a-akala ko kasi eto 'yong dahilan" sabay turo niya sa mga kamay namin at ngumingiti na para bang nahihiya, napakamot siya sa kanyang batok. Pinisil ko nalang ang kanyang pisngi at ngumiti. Ang cute!

"Aray! Physical Abuse 'yon Sofia!" tawa niya at pipisilin na niya sana ang pisngi ko pero biglang humarang si Alice.

"Maghaharutan pa kayo? My gosh! An hour would still past and the two of you is still here, gosh!" sabay madramang sinapo ni Alice ang kanyang noo.

Panira ka rin minsan Alice! Ang ganda na ng moment bes eh! Dumating ka pa.

"Ano yan" turo ni Alice sa magkahawak na kamay namin ni Ken "Kayo na ha? Kayo na?" kinalas ko nalang ang kamay ko na nakasiklop sa kamay ni Ken. Alice! Ang daldal mo!

"H-Hindi n-noh" nauutal kong sambit. Ghaaaad! Aliceeeee!

"Ba't ka nauutal? Ha?" nakangiti na si Alice ngayon. Nanunuya pa ang gaga! Uminit bigla ang pisngi ko.

AlmostWhere stories live. Discover now