11th: Tampuhan Days.

115 2 0
                                    

Matapos ng gabing nagtampo sa akin si Dylan ay di na noon nasundan pa ng pagbabati. May dalawang araw na niya akong hindi kinikibo. Sa katunayan ngayon ko lamang naranasan sa kanya ang hindi mapansin. At kahit pangalawang araw pa lang ay may taon na ang lumipas sa aking pakiramdam. Kaya naman wala akong tigil sa panunuyo pero halatang nagdaramdam pa rin siya sa akin. Kung kailan namang anniversary na namin at saka naman kami nag away. Hindi ko tuloy magawang magsabi na isasama ko siya sa party dahil sa tuwing lumalapit ako ay siya namang pagtalikod niya.

Dumating ang araw ng turn over pero nawalan ako ng excitement dahil sa mga nangyari. Kahit asawa ko na si Dylan ay hirap pa rin akong unawain ang mga gusto niyang ipahatid sa akin. Masasabi kong hindi ko pa rin siya lubos na kilala. Kaya naman umalis na lang ako ng maaga para dumaan sa isang art gallery ng kaibigan ni Jen kung saan doon ay itinago ko ang regalo kong pinta para kay Dylan.

"Congratulations Dean Santos!" Ang pagbati sa akin ng aking mga katrabaho. Natapos na ang turn over pero wala ni anino at bakas ni Dylan ang aking nasilayan. Kung kaya't napagpasyahan ko na lang na sumama sa The Fort kung saan gaganapin ang party.

"Dean, I thought kasama mo si Professor Dylan? Where is he?" Our VP asked.

"Uhm, sir may biglaan po kasing emergency kaya di na siya nakasama." Pagdadahilan ko sa kanila.

"Ah, I see.. sayang naman hindi niya nasaksihan ang araw ng tagumpay ng kanyang magandang misis." Kasabay ang pagpapalitan ng aming mga tipid na tawa.

"That's okay sir, mahalaga kasi talaga yung pinuntahan niya. " Ikalawang ulit kong pagdadahilan.

"How sweet that the two of you understands each other. Kung ako yan ay malamang nagtampo na ako! Haha!" Ang biro ng isa sa aking mga boss.

"Eh wala ka namang boyfriend ma'am kaya di ka magtatampo! Haha!" Ang biro naman ng isa pa.

Habang patuloy ang kanilang mga tawanan at pageenjoy, ako naman ay nanatili sa isang sulok. Nilalaro ang hawak kong wine at nakatitig sa aking cellphone. Umaasang tatawag ang aking asawa upang ako ay batiin. Halos papatak na sana ang aking luha ng may marinig akong isang pamilyar na boses.

"Congrats Dean Marie." Boses na nagmumula sa aking likuran. Agad akong lumingon at nakita ko ang gwapong mukha ng aking best friend si Russell na fresh pa from abroad.

Dali dali kong inilapag ang hawak kong wlne at pouch at niyakap siya ng mahigpit.

"Kuya!" Ang unang salitang lumabas  sa aking bibig.

"Woah! Bansot! Di ka man lang nagthank you muna sinakal mo na agad ako!" Nakangiting saad ni Russell.

"Oh! Sorry! Thank you kuya! My God your back! Oh my! I can't believe what I am seeing tonight!" Ang sunod sunod kong daldal sa aking best friend.

"Easy Ian.. Haha! Totoo ako no! Kanina lang ako dumating dumaan ako sa inyo sabi ni Dylan andito ka." Tila di mapunit ang ngiting nasisilayan ko sa kanya.

"Uhm, really? Anong ginagawa niya nung makita mo siya?" Pasimple kong tanong.

"Sitting infront of the lappy? Ba't nagtatanong ka eh asawa mo yon." Sagot niya sa akin.

"Ah wala lang! Eh sa gusto ko itanong eh! Ang tsismoso mo talaga!" Sabay palo ko naman sa kanyang braso.

"Ouch! You! Sadista ka pa rin! Ay nga pala ako na maghatid sa'yo ha?" Walang kagatol gatol nyang sabi.

"Alam ni Dylan?" Kunot noo kong tanong.

"Yup yup yup! Siya pa nga nagsuggest para magkabonding daw tayo." Russell answered.

"Ah ganun ba? Okay..." Tipid at walang gana kong sagot.

So I guess nagtatampo pa rin siya. Natapos na lang ang gabi ng party na lutang ako dahil sa kaiisip sa asawa kong nagtatampo.

My Best Friend's Best Friend Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon