14th: Why did you lie?

117 5 1
                                    

Its been one month since I became the official college dean. At aaminin kong kahit pa may ilang trainings na ang itinuro sa akin ay nasa adjustment period pa rin ako. Siguro marahil dahil na rin sa doctorate ko na kailangang isabay sa trabaho. So far naging smooth ang relationship namin ni Dylan. Halata naman kasing abala rin siya dahil sa pagsundo na lamang ang nagagawa niya. Balita ko kasi sa kanya ay may nadagdag na load na kailangan niyang aralin. Kaya naman pinilit ko siya na magsundo na lang at 'wag nang maghatid sa akin sa umaga. Mabuti na lamang at laging bakante ang linggo namin para kay Lianne. Sa totoo lang nakakamiss rin kasi ang dating routine, 'yung mga panahong bulag pa si Dylan, 'yung marami kaming oras para sa isa't isa. Ang hirap pala kapag nakasanayan mo na palagi kayong may oras tapos suddenly biglang magiging busy ang lahat.

"Puntahan ko kaya si Dylan sa klase niya? Tiyak may class siya ngayon." Ang bulong ko sa aking sarili habang nilalaru-laro ang pahina ng librong nakapatong sa aking harapan.

"Eh kung bilhan ko muna siya ng kape don ' sa shop ni Jen tutal naman malapit lang ang school sa shop nya." Ang muli kong pagkausap sa aking sarili.

"Eh sige na nga!" Isinara ko ang libro at saka naman tumayo upang lumabas. Ang totoo kasi ay tamad na tamad kasi akong magtrabaho kaya naman ang gusto ko lang ay silipin ang gwapo kong asawa sa kanyang klase. Gusto ko na nga din sanang umuwi at makipaglaro kay Lianne kaso di naman pwede lalo na't final exams. Kaya naman kahit nasa opisina ako ay ni hindi ko magawang galawin ang tambak na paperworks. Sumasakit lang kasi ang ulo ko at wala ring pumapasok sa isip ko.

Since malapit lang naman ang shop sa school ay nagdecide na lang akong maglakad para iwas hassle na din sa traffic. Bukod don ay may alam akong shortcut para mas mabilis akong makarating. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa shop ni Jen ay napadaan ako sa isang bakanteng lote kung saan ito ay nakatakda upang maging isang Architectural Firm. Biglang sumagi sa isip ko ang asawa ko, licensed architecture kasi siya pero ni minsan ay hindi pa niya nagamit ang pagiging arkitekto niya. Paalis na sana ako ng makita ko ang dating kaklase ni Dylan na siya ring kaopisina ni Nathan, mukhang siya ata ang Architect ng building.

"Hey, Dianne?" Dylan's former classmate pointed out his finger.

"Ah, yeah.." Matipid kong sagot.

"Why are you here? Are you----" He asked.

"Napadaan lang ako bibili kasi ako ng coffee nearby." Ang mabilis kong sagot.

"Ah, I thought si Dylan ang pupuntahan mo eh. Wala siya ngayon sa site nasa office." Unconsciously he said.

"What did you say?" Unti unti akong nakaramdam nang kaba. Bakit?

"Didn't he told you yet?" Nagtataka niyang sabi.

"What is he suppose to tell me?" I became so suspicious that there's something that I do not know.

"Uh, nevermind I need to go." Mabilis niya akong tinalikuran at umalis. Ni hindi ko na siya nagawang habulin dahil sa pag-iisip.

Mabilis akong bumalik ng school at dumiretso sa faculty kung saan si Dylan nagtuturo. Doon ay lakasang loob kong sinilip ang classrooms pero ni wala akong nakitang professor Dylan. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ngayon ay nagsinungaling sa akin ang asawa ko. Pero sa kabilang banda ay gusto kong maintindihan ang sitwasyon. Ayaw kong isipin na naglihim siya sa akin dahil alam kong alam niya ang pangako namin sa isa't isa, ang maging matapat. Pumunta ako sa Dean's office at doon napagalaman kong may magdadalawang buwan nang resigned si Dylan. Nakaramdam ako nang sama ng loob, hindi ko lubos maisip na ako na asawa niya ay walang kaalam alam. Natapos na lahat lahat ang turn over, ang anniversary, ang leave, araw araw magkasama kami pero ni minsan ay hindi niya man lang binanggit. Pakiramdam ko nagmukha akong tanga, wala akong alam sa buhay ng sarili kong asawa.

Nagtext ako sa kanya na huwag na akong sunduin. Matamlay at patang-pata akong umuwi ng aming bahay. Pilit kong kinakalma ang sarili upang huwag umiyak at magdamdam. Matagal akong nanatili sa gate bago bumusina habang sumasagi sa isip ko ang isang tanong..

..Why did you lie?

My Best Friend's Best Friend Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon