16th: Honesty, where are you?

139 8 3
                                    

Pagkatapos ng ilang buwan ay muli kaming nagbonding ni Jen. Sobrang namis ko talaga siya dahil sa napakabusy ko sa school at siya naman ay sa bagong branch ng coffee shop niya. Halos hindi ko na nga siya magawang mapahinto sa sobrang daldal niya. Puro tawa na lang ang nagagawa ko, kung sabagay ayos na rin 'yon kasi gumagaan ang pakiramdam ko. Pang-anim na araw na kasi simula noong matuklasan kong naglilihim ang asawa ko sa akin. Ayaw ko namang magopen kay Jen, hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya bagkus ayaw ko lang madamay pa siya sa problema naming mag-asawa. Sa ngayon kasi ay cool off sila ni Nathan kaya alam ko na pinipilit niya lang din tumawa.

"You okay?" Ang tanong ko.

"Yeah, yes, I'm okay. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay di ba?" Pilit ngumiti si Jen. Alam ko deep within ay hindi siya okay, na may mga luha siyang itinatago.

"Spill it out bhest.." Habang ipinatong ko ang mga kamay ko sa kamay niya.

"Mahal niya pa daw si Aya bhest. And it left me with no choice but to let Nathan go. Ngayon ko lang naamin sa sarili ko na mahal ko na pala talaga siya. All these years, ako lang pala talaga 'yung nagmahal. Ang akala ko noon wala lang 'to pero pagmamahal na pala. And Nathan? He just fucking realized that he's still madly deeply in love to his first love." Unti-unting pumatak ang luha ni Jen. And how I wish may magawa ako para sa best friend ko.

"Bhest.." Ang pag-abot ko ng panyo.

"Ang sakit pero ganon talaga eh, may mga pag-ibig na dumarating para pasiyahin tayo nang panandalian pero mang-iiwan din sa bandang huli. At ang pinakamasakit ay mag-iiwan nang napakalalim na sugat. And I guess to love and be loved is not meant for me." Pinahid ni Jen ang mga luha sa kanyang mga mata at binigyan ako nang matipid na ngiti.

"Bhest hindi totoo yan. Dahil lahat tayo ay deserving na magmahal at mahalin. Kahit nga ang mga pinakamasasamang tao sa mundo ay may karapatang lumigaya, ikaw pa kaya na wala namang inaargabyadong iba. Maaaring hindi ngayon, pero malay mo baka bukas, sa susunod na araw, sa susunod na linggo, taon magtagpo kayo nang taong itinakda para sa'yo. Umiyak ka kung nasasaktan ka, dahil darating ang panahon kusang gagaling ang mga sugat." Mangiyak-ngiyak kong advice. Kung mabigat ang loob ko, di hamak na mas mabigat ang loob ng best friend ko. Alam kong mas kailangan niya ako ngayon.

"Alam mo bhest noon pa man naiinggit na ako sa'yo, kasi minamahal ka nang taong mahal mo. Masaya kayo palagi, sa lahat nang pinagdaanan ninyo happily ever pa rin kayo. At higit sa lahat, wala kayong inililihim sa isa't isa. Tapos may Lianne na kayo, alam mo 'yun kayo 'yung tinatawag na perfect relationship. Maswerte ka, maswerte si Dylan, everything was meant to be." Wika ni Jen na nagmumugto ang mga mata.

Ikinuwento pa ni Jen ang ibang detalye nang paghihiwalay nila ni Nathan. Napag-alaman kong muling nakipagbalikan si Nathan sa ex slash first love niya. Pareho ko silang kaibigan, pareho kong hangad ang kaligayahan nilang dalawa. At pareho kong ikalulungkot kapag nasasaktan sila. Siguro kung ibang tao lang si Nathan ay makukuha kong magalit. Pero iba na pala ang sitwasyon kapag pareho silang bahagi ng buhay mo, wala kang magagawa kung hindi ang mamagitan sa kanilang dalawa. Para mabawasan ang lungkot ni Jen at makalimot ako ng bahagya sa aking iniisip ay buong araw kaming namasyal at nagbonding. Halos pagurin namin ang aming mga sarili sa paglilibot sa mall. Totoo pa lang kapag may lungkot kang nararamdaman ay gagawa ka ng mga paraan upang makalimot panandalian. Kaya pala ang iba ay dinadaan sa pag iinom, pagkain, traveling, kahit ang paghahanap nang ipananakip sa butas ay gagawin mapawi lang ang sakit. Inihatid ko si Jen sa condo niya kahit nag-aaya pa siyang uminom ay tumanggi na ako. Ayaw kong mawala sa sarili at mailabas ang lahat nang itinatago ko. Isa pa, namimiss ko si Lianne siya lang kasi ang nakakapawi ng mga pagod at lungkot ko. Pinilit ko na lang pagpahingahin si Jen bago ko siya tuluyang iniwan at umuwi.

Nang makauwi ako ay wala pa si Dylan, alas-siyete na pero hindi pa rin siya nakakauwi. Nagsimula na naman akong mag-isip, mag-alala at magdamdam. Pakiramdam ko ay habang tumatagal ang mga araw na naglilihim siya ay palayo na rin ng palayo ang distansya naming mag-asawa. Nagdesisyon akong maghintay, gusto ko na kasing marinig side niya. Hangga't maaari ayaw kong mawala o magkalamat man lang ang tiwala na inalagaan namin ng maraming taon.

Matapos ang may isang oras na paghihintay, mula sa labas ay narinig ko ang pagdating niya. May mga ilang ulit akong huminga nang malalim. Sa di malamang dahilan ay kumakabog ang puso ko, nanlalamig at nangangatog ako. Mula sa pinto ay sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap at isang halik sa noo.

"Hubby, can we talk?" Pauna ko.

"Wifey is that urgent?" He said.

"Uh, why?" I answered.

"Hmm. Pagod kasi ako eh, daming ginawa sa class. Gusto ko nang magpahinga." Dylan replied. Wow class? You lied again.

"Ah ganon ba? Sige akyat ka na. Kakain na lang muna ako ng dinner, ikaw?" Tanong ko. Gusto ko nang tumakbo sa cr dahil ramdam ko nang maiiyak ako.

"Hindi na. I just want to sleep. I'm sorry wifey ha next time na lang. Is Lianne already asleep?" And Dylan smiled. Yeah, you should be sorry for lying to me!

"Yes kanina pa." Tipid kong sabi.

"Okay good night wifey. I love you." He kissed my forehead and walk upstairs.

Mabilis akong pumunta sa cr at doon ay nagpakalma ng sarili. Kumain ako at matapos hugasan ang mga pinggan ay umakyat na rin. Nakita ko si Dylan nakadapa at halatang pagod na pagod. Tulog na tulog na siya agad kahit anong kilos ko ay di man lang siya naaalimpungatan. Kaya naman naisip kong silipin ang laptop niya at mga files na nakalapag lang sa study table namin. Dati rati'y hindi ko naiisip na pakialaman ang mga gamit niya. Samantalang ngayon, sa sobrang desperada kong alamin ang dahilan maging ang mga gamit niya ay nagagawa ko nang galawin. Nakita ko ang mga approvals ng mga boss para sa iba't ibang project. Nakita ko ang hectic niyang sched, nakita ko ang mga emails ng mga clients, maging ang mga texts at tawag.

Paano pa ba magiging perfect kung ang isa ay natutunan nang maglihim? Papaano pang magiging masaya kung sa bawat araw ay tila ba nagkakalamat ang tiwalang naibigay? Hanggang ngayon kasi umaasa pa rin ako na isang araw lalapit sa akin ang asawa ko at ipapaliwanag ang mga paglilihim na ginagawa niya ngayon sa akin.

My Best Friend's Best Friend Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon