18th: Pain.

227 10 5
                                    

Nagpatuloy kami ni Dylan sa di namin pagkikibuan. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na siyang yakapin ulit. Namimiss ko na ang dating umagang bumubungad sa akin. Pakiramdam ko kasi habang tumatagal mas palayo nang palayo ang pagitan naming mag-asawa. Kung tutuusin napakababaw lang naman nang pinagtalunan kumpara sa mga away namin noon. Dati, ilang oras pa lang ang nakakalipas ay hindi na namin matiis ang isa't isa. Pero ngayon, nagbibilang na ito ng mga araw. Gusto ko na sanang makipagbati, kaso pinangungunahan ako ng takot at sakit sa tuwing maaalala ko ang lihim na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inaamin.

"Alis na ako." Ang paalam ni Dylan matapos humigop ng kanyang kape.

"Okay." Tumango lamang ako sa kanya.

"Hindi ka ba papasok?" Ani Dylan habang isinusuot ang kanyang coat.

"Hindi. Nakaleave ako today." Patuloy lamang ako sa pag-nguya habang nakakalong sa akin ang anak namin.

"Okay. Then bye." Bahagya siyang yumuko at humalik sa noo namin ni Lianne.

Sinundan ko na lamang ng tingin ang pag-alis ni Dylan. Unti-unting pumapatak ang mga luha ko, paulit-ulit na lang akong umiiyak sa tuwing binabasa ko ng palihim ang mga texts ni Jen. Paulit-ulit ko rin kinakalma ang sarili ko, halos sumabog na ang utak ko sa kaiisip ng tamang paraan at buwelo para makausap ang asawa ko. Aaminin kong maraming nagbago sa pagsasama namin. Maging ako man ay hindi makapaniwalang ang dating masayang pagsasama ay maaaring malamatan din pala.

FLASHBACK.

"Heart, magkaaway pa rin kayo?" Jen's text.

"Oo, nagselos kasi ako eh." Dylan answered.

"Bakit naman?" Jen.

"Nagkita sila ni Russ." Dylan.

"Eh di ba ayaw mo na lalabas ng silang dalawa lang? Ginawa ni bhest 'yon?" Jen.

"Sabi niya saglit lang naman daw eh. Gusto ko na nga siya kausapin. Namimiss ko na rin siya, at saka gusto ko nang aminin ang totoo. Pakiramdam ko kasi unti-unti na kaming nagkakagap." Dylan's reply.

"Matigas talaga ulo niyan ni bhest. Pag si Russ hindi niya matanggihan. Baka naman nagkakagusto na siya don, hindi niya ako nirereplayan eh! Kaya mo na ba umamin? Kung di mo pa kaya 'wag mo pilitin baka di lang kayo lalo magkaintindihan." Ang text ni Jen.

END OF FLASHBACK.

Halos manginig ang buong katawan ko sa mga text na nabasa ko noong gabing iyon. Ang sakit. Akala ko siya ang unang taong gagawa nang paraan para magkaayos kami, pero katulad ng dati traydor pa rin. Para bang porket sawi siya ay gusto niyang magkaroon ng karamay.

May ilang oras muna akong nakipag-bonding kay Lianne. Hanggang sa dumating ang alas dos ng hapon ay tinext ko si Denise na pumunta sa amin para bantayan ng mga ilang oras si Lianne. Nagdesisyon akong puntahan ang opisina kung saan nagtatrabaho si Dylan. Napag-alaman kong wala pala si Nathan ngayon sa bansa. Sinundan pala ang first love niya sa Japan. Kaya naman pala kay Dylan nakain-charge ang lahat ng projects ng firm kasama ang kaklase niyang nameet ko kamakailan lang.

"Ma'am akyat na lang po kayo sa 35th floor. Andoon po ang office ng executives." Ang magalang na sabi ng receptionist.

"Thank you." Tipid akong ngumiti.

Punong puno ng kaba ang puso ko habang nakasakay ako sa elevator. Nang tumunog ang pinto sa 35th floor ay para akong nanigas at hindi maihakbang ang mga paa palabas. Unti-unti akong naglakad kung saan ang mga mata ng mga empleyado ay tila ba sinusuri maging ang aking kaloob-looban. Halatang hindi sila pamilyar sa akin base sa mga reaksyon na nakikita ko sa kanila.

"Saan ang office ni Architect Santos?" Ang kalmado kong tanong.

"Sino po kayo ma'am? May appointment po ba kayo kay Architect?" Ang tanong pabalik ng receptionist.

"I'm Dianne. No, I don't have any appointment with him. Gusto ko lang sana siyang bisitahin." I answered.

"Ma'am hindi siya pwedeng abalahin ngayon kasi kausap pa niya si Miss Jen. Magpa-appointment na lang kayo some other day. O kaya itext niyo na lang siya." Ang singit ng isang nagmamagandang receptionist.

"You mean Jenny Ann dela Costa?" And I answered with fake smile.

"Yes ma'am. Kaya di siya pwedeng istorbohin ngayon dahil ayaw ni Sir Dylan. May kailangan pa kayo miss? Kung gusto mo leave your name na lang and contact number." Ani ng mahaderang receptionist na may gana pang magtaas ng kilay halatang fake naman.

"Oh so that's why. Okay. Give me a piece of paper please." Ang utos ko while smiling.

Pagkaabot sa akin ng piraso ng papel ay mabilis akong nagsulat at agad itong ibinalik.

"Dianne Marie Constantino-Santos. You can reach me tru your boss's home telephone number. Please inform him that I visit but you were not so kind to entertain me."

Sabay na napatayo ang dalawang receptionist habang ang kanilang mga mata ay namimilog sa gulat. Bakit sila ganon? Masama na bang dumalaw ang asawa?

"Ma'am we're so sorry. Please follow me." Ang nangangatal na salita ng babaeng kanina lang ay umabot na sa bunbunan ang taas ng kiĺay.

Itinuro sa akin ang eksaktong opisina ni Dylan. Hindi na ako nagpasama pa dahil gusto kong ako mismo ang agad niyang makita. Nakaramdam ako ng tuwa ng makita ko ang pangalan ni Dylan sa pader kung san Officer In Charge pala ang posisyon niya. Ang sarap sa pakiramdam, nagagamit niya na ang lisensya niya, alam ko kasing ito ang pangarap niya.

Mula sa labas ay kita ko ang nagtatawanang Dylan at Jen.

Nakakainggit.

Nakakaselos.

Nakakagalit.

Hindi kami okay, ilang araw at linggo na akong umiiyak, nagdaramdam, nasasaktan.

Pero ang asawa ko? Nagagawang tumawa. Sana ako rin.

Laking gulat ni Dylan at halos mapatayo siya nang makita niya akong nakatayo sa pintuan. Unti-unting inilingon naman ni Jen ang ulo paharap sa akin. Nakakatawa lang halos pareho silang ng reaksyon.

"Wifey..." Ang unang salitang narinig ko mula kay Dylan.

"Hindi mo ba ako patutuluyin sa opisina mo?" Ang sagot ko. Kalma lang Dianne. Kumalma ka. Hindi ka dito iiyak.

"Come in." Tulala lang siya sa akin.

"H--hi bhest.." Mautal-utal na bati ni Jen.  Akma na sana siyang hahalik sa akin pero umiwas ako.

"Wifey.. Let me explain first." Wika ni Dylan habang palapit sa akin.

"Ano bang dapat mo pang iexplain, Dylan? Alam ko na diba? Unless may tinatago ka pa sa aking sikreto then you really need to explain." Ang sabi ko habang ang mga kamay ko ay mahigpit at may panggigigil na hawak sa aking dala-dalang handbag.

"Bhest, makinig ka muna kay heart." Ang sabat ni Jen.

"Aalis na ako, congrats sa new job mo." I turned my back on them and start walking away.

"Dianne!" "Bhest!" Ang tawag nila sa akin habang patuloy lang ako sa paglakad papalayo.

Mabilis akong nagdial ng number ni Russell. Gustong gusto ko nang sumabog. Gusto ko nang magwala. Gustuhin ko man mang-away, manigaw at manampal ay hindi ko nagawa. Pinangunahan pa rin ako ng pagmamahal ko para sa asawa ko. Ayaw kong gumawa ng eksena. Ayaw kong mapahiya siya.

Kasi..

Mahal na mahal na mahal ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best Friend's Best Friend Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon