13th: Surprise Version 2.0

122 5 1
                                    

After ng wedding anniversary celebration namin ay nagdecide kaming magout of town ni Dylan. At para na rin makabawi ako sa kanya ay nagtake muna ako ng 2days leave. Umuwi kami sa aming rest house to unwind while we left Lianne to Mommy Dana and his Dad. Sa ilang taon kong nagmamahal kay Dylan ay parehong pareho pa rin ang kaba at excitement na nararamdaman ko para sa kanya. Sa tuwing kasama ko sya ay tila ba may mga paru-paro pa rin ang aking tyan. Ang kanyang mga mata ay hindi ko matanggihan. Ang mga ngiti nya ay hindi ko maiwasan. Maging sa panaginip ang mukha nya ay hindi ko malimutan.

"Wifey, sobrang gwapo ko talaga ano?" Ang tanong ni Dylan habang abala sa pagdadrive.

"Haa?" Pakaawang ang aking bibig.

"Ang sabi ko ang gwapo ko! Hahaha!" Dylan burst out his laugh.

"Ano nga 'yon hubby? Kasi naman eh." Nakanguso kong sabi.

"Iyon naman talaga ang sinabi ko." Dylan smiled while busy driving.

"Yabang mo talaga magdrive ka na lang! Hmp!" Kunwari'y nagtatampo kong sabi.

"Of course I'm not wifey. Ikaw nga itong titig na titig sa akin. Busy ako sa pagdadrive tapos ikaw you were staring at me. And the funny thing is that napakaepic ng face mo, nakaawang pa ng bahagya ang bibig mo. So I assume napopogian ka sa akin." Palinga lingang sambit ng drop dead gorgeous kong asawa. Well, he's absolutely right.

At wala na akong nasabi. Naumid ako dahil totoo naman ang mga sinabi nya sa'kin. Tanging ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya.

"So am I right wifey?" Kasabay naman nun ang pagkurba ng kanyang labi at pag ngiti sa akin. Kinikilig talaga ako sa mala dyoso niyang ngiti, noon at magpa sa hanggang ngayon.

"Yeah you win handsome." Ang pagsang ayon ko.

Nang marating namin ang rest house ay bumungad sa akin ang isang napakagandang sorpresa. Magmula sa gate papasok ay maaaninag na ang mga bulaklak at paru-parong nagliliparan. Tila ba isang buhay na paraiso ang nasisilayan ko. Pumasok ako sa aming bahay at doon iniluwa ang lahat ng mga pictures namin mula noong nagsisimula pa lang kami, bago sya pumuntang Italy, kinasal kami, nanganak ako at hanggang sa muli syang nakakita. Kitang kita ko ang lahat ng mga bagay na nakakapagpaalala kung gaano namin ipinaglaban sa tadhana ang pagmamahalan namin. Bawat anggulo ng bahay ay may matatanaw kang larawan ng masasayang alaala. Ni hindi ko na namalayan na ang mga mata ko ay tuloy tuloy na ang pagpatak ng mga luha.

"Did you like it wifey?" Aniya Dylan habang ang kanyang mga mata ay naniningkit sa kanyang pag ngiti.

"Ye-yes.. I did. I like it so much hubby." I answered as my tears keep falling down.

"Then why is my beautiful Dianne crying?" As he started wiping out my tears.

"Masaya lang ako hubby. Sobrang saya." I smiled.

"Then stop crying, cry baby." Di pa rin matinag ang kanyang nagliliwanag na ngiti.

"Pero pa'no? Kailan hubby?" I asked.

"Anong pa'no at kailan?" He said.

"Itong surprise mo sa akin. Kailan mo 'to ginawa?"

"Nung busy ka.." Tipid nyang sabi. Oh God I feel so guilty. Habang ako abala sa pagiging dean, siya naman ay naging abala sa pagbibigay sorpresa sa akin. Napakaswerte kong nagmamahal sa akin ang lalaking tulad nya.

Napakasarap talaga magpahinga kapag kapiling mo ang taong tinuturing mong kapayapaan. Ang taong nagsisilbing kumot at unan mo sa gabing malamig. Ang taong nagbibigay liwanag sa dilim. At taong bumubuhay sa matamlay mong araw.

Masaya naming pinagmasdan ang paglubog ng araw. Kung saan naghanda sya ng isang candle light dinner. Kinabukasan naman ay nagpunta kami sa beach. We enjoyed every minute na mayroon kami. At masasabi kong ito ang isa sa pinakamasayang araw namin. Pinagsaluhan din namin ang gabing yon may buong pagmamahal para sa isa't isa.

"Wifey, I wish we could be like this forever." Dylan said while playing my hair.

"Of course we will be like this forever hubby." I answered habang ako naman ay sumiksik lalo sa kanyang dibdib.

"Don't change wifey. Please don't you ever change. Hindi ko kakayanin." Dylan kissed my forehead as he intertwined his fingers with my fingers.

"I won't hubby. I won't." Nakapikit kong sagot sa kanya.

"I love you so much Dianne." He whispered.

"I love you too Dylan." At tuluyan na akong nahimbing sa pagtulog.

Sana lang ay huwag siyang magbago. Manatili kaming masaya at buo ang pagtitiwala sa isa't isa.

Ikatlong araw nasa biyahe na kami pauwi ay naisipan kong magbukas ng email gamit ang laptop na dala ni Dylan. Nag open din ako ng facebook to upload our pictures ng may isang post na nakatawag pansin sa akin.

"Architect Santos, kailan ka magstart? Congrats ah!"

That was a post from his friend.

"Ano 'to hubby? Architect Santos, kailan ka magstart? Congrats ah!" Pagbasa ko ng post habang si Dylan ay nagdadrive.

"Ano yang magstart? Where?" Dugtong ko at curious kong tanong.

"Ah,  that's nothing wifey. Sa new syllabus lang yan may dinidevelop kaming new curriculum." He answered.

"Ah okay.." Tipid kong sagot sa kanya.

My Best Friend's Best Friend Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon