"Inspector Medrano, pina patawag ka ni General De luca , urgent daw po."
Ika ng kasamahan ng binata ng nakita nya itong kapapasok lang.
"Saan sya bok?."
"Sa ofice kanina pa nag hihintay sayo yun."
Nag madali na pumasok ng opisina si Max, at sumaludo ito ng nakita nyang tumayo si General de luca.
"Inspector Medrano reporting sir!"
"Ma upo ka inspector,may pag uusapan tayo ."
"Misyon ba sir?!"
"Yes,at gusto kong mag under cover ka,dahil hindi mahuli ang mga suspek dahil bawat galaw ng mga pulis ay nalalaman ng mga kalaban."
"May mata at tainga sila dito sa loob sir, ang masaklap lang kasi laganap na ang mga kabaro natin na nag papagamit sa masasamang elemento ng tao ."
"Natumbok mo Medrano, kahit ako pili ang pinagkatiwalaan ko sa mga pulis pag dating sa mga masilan at malalaking kaso."
"Paano sir mauna na ako, hayaan nyo malalaman ninyo kaagad, pagagalawin ko ang mga informer ko."
Palabas nang opisina ang binata ng muli siya tinawag ni General."
"Medrano,mananatiling lihim ang lakad mo maliwanag ba?!".
"Makakaasa po kayo."
Maaga na sinimulan ni Max ang trabaho nya, pinakilos anglahat na imformer na para màdali nyang ma location ng target. Madaling araw na rin sya umuwi ng bahay dahil sa trabaho nya.
"Anak ,parang madalas kang gabihin ngayon?!"
Tanong ng ama na sadyang hinintay ang anak para makausap, ilang araw na rin napansin nya na madalas inumaga ito sa pag uwi.
"Dy kasi may minamanmanan ako , nag under cover ako sa mga kabaro natin na protektor ng mga iba't ibang illigal na gawain."
"Anak duble ingat lang dahil misan ang kalaban nasa grupo lang."
"Natumbok mo dy, kaya nga sya ang target ko."
"Hulaan ko?!"
"Sige nga dy, tingnan ko kung maalala mo pa sya, nakapunta na dito sa bahay."
Sandali na nag isip ang matanda, naalala nya ang kasamahan ni ng anak na napagkamalan nyang masamang tao dahil naligaw ito aa kwarto nilang mag asawa.
"Si Col.General Legaspi?!, tama ba ako bunso?!"
"Yes dy, nakarating sa kay General Deluca, na marami syang kasabwat sa mga kasamahan ko kaya nya pinalakad sa akin ng sekreto ang misyo."
"Anak. Hindi basta-basta ang tao na yan, panahon ko masugid na protektor yan, apat sila dalawa lang ang nahuli ko sa akto. Huwag kang kukumpiyansa sa kanya traidor yan."
Ngumiti lang ang binata at di na nagawang umakyat sa kwarto nya para matulog,sumiksik sya sa kama ng mga magulang na nag mistulang bata. Di na nagawang istorbuhin ng dalawang matanda ang pag tulog ni Max, dahil segurado silang ilang araw ito di nakatulog . Ika tatlo ng hapon ng nagising si Max, na may putukan sa labas ng bahay nila, agad nya hinahanap ang baril, at ang magulang nya.
"Mom, dad?!"
Tawag ng binata sa dalawang matanda, gumapang sya para hanapin ang mga ito.
"Max, huwag kang tumayo marami sila!"
"Sigaw ng ina na takot na takot at binato sa kanya ang baril ng nakita nyang may pumasok na armadong lalaki.
"Ly, ipasok mo si mommy sa basement dali, isarado ninyo ako na bahala kay daddy!"
Utos ni Max at tinakbo ang ama ng nakita nyang may lalaki sa likod nito, sinunggaban nya ito at sinuntok hanggat sa makatulog .
"Dy, segi na sumunod kana kay mommy, nasa basement sila ni Yaya Ly, ako nang bahala dito."
Sigaw ng binata at kinuha nya ang Machinegun at lumabas sa putukan, hinarap nya ang kalaban na mag isa, walang makaka pasok sa bahay nila dahil pinto palang bagsak na.
"Ahhhh, punyeta! Iisang tao di ninyo matamaan"
Sigaw ni Philip ng may bumagsak sa harapan nila at huli nang nakatakbo sila, sumabog na ang granada, halos lumindol ang boung lugar sa lakas nang putok, yung ibang kalaban ay malaki ang tama at ang iba ay hiwa -hiwalay ang parte ng katawan .
"Mga anak kayo ng pusa, sino nag utos sa inyo na idamay ninyo ang pamilya ko sagot!"
Tanong ni Max sa lalaking may malaking sugat sa binti.
"Hindi ko alam chep, basta nalang sumunod kami sa utos."
"Sinong nag utos!!"
Sigaw ng binata at piniga ang laman ng paa ng lalaki at malakas itong sumigaw sa subrang sakit.
"Ahhhhh, huwag boss, mag sasalita na ako!, huwag mo lang pigaan ang sugat ko,
Ika ng lalaking namimilipit sa sakit dahil piniga ni Max ang laman ng binti nya. hindi ito binitiwan ng binata hanggat di sya nag sasalita.
" Huwag chep, sige na mag sasalita na ako, parang awa mo na chep masakit ang sugat ko."
"Segi mag salita ka, hanggat dahan-dahan ko tinataggal ang laman sa katawan mo, itong gusto ko, na nakikitang namimilipit ang demonyo habang sinasaktan ko. Pasalamat ka kailangan kita."
Inisa-isa ng kalàbàn binunyag ang nag utos sa kanila para imasaker ang mansyon ng mga Medrano. Nag nabigay na ni Max ang nahuli na kalaban, agad sya nawala bitbit ang shotgun, pinuntahan ang unang nag utos na na ubusin ang pamilya nya. Walang katok at pumasok sya sa opisina ni Police General Carion, na kinagulat nito ang pag litaw nya.
"Anong ang nagyari sayo Medrano?!"
Galit na sigaw ng matanda,dahil na bigla sya sa pag dating ng binata.
"Gulat ka diba?,akala mo pag lalamayan na kami ng ang pamilya ko!, hayop Ka General, ang akala ko matino ka yun pala daig mo pa ang demonyo."
"Di kita maintindihan,bakit ka nagkaganyan?!''
"Ito lang ang tandaan mo sa oras na may masamang mangyari sa pamilya ko, ikaw ang sisigilin ko General ! , ang isa mong tauhan nasa loob na ng silda, kaya kung ako saya alamin ko kung bakit buhay pa ang mga taong pinapatay mo General."
Dinakapag salita ang matanda, binunot nya ang baril at nakikipag putukan sa binata na nag aapoy sa galit.
"Seguraduhin mong puputok yan General dahil pag hindi, ikaw ang mapapatay ng sarili mong baril."
Di naka kilos ang mga pulis na nakatingin sa dalawa. Dahil sa biglang pag dating ni Max, gulat na gulat sila di akalain na ganon katapang ang binata dahil pati General ay tinutukan nya ng baril.
"Huwag mong kalimutan, na sa ulitin pag may mangyari isa sa pamilya ko, ikaw ang sisingilin ko at isang beses pa ako makahuli ng mga preso sa labas, mag pasinsahan tayo General, ituring kitang kaaway."
Biglang tinayuan ng balahibo ang General na namutla,dahil sa ginawa ng binata. Nag madali syang tumawag sa kampo, para ayusin ang gulo ng bigkang may bumagsak sa harapan ng matanda na muntik na syang atakihin sa kanyang sakit sa puso ng .
BINABASA MO ANG
ULTIMATUM (BOOK 4: TRIPLETS) BY: BLOODYHEART
AcciónPrincess Cazumi Washington, babaeng bigo sa unang pag-ibig, prinsesa na may mabuting kalooban, nangungulila sa taong nagpagalaw ng kanyang mundo. Senior Inspector Max Loui Medrano, Sharp shooter ng grupo. Naging lider ng mga kapulisan sa paghahanap...