Chapter 02: Mighty Bond

20.2K 340 14
                                    

CHAPTER TWO- Mighty Bond

ENRICO'S POV

                "SO, what happened next' Enrico? Sumuko ka na ba? Anong moves ang ginawa mo para mapansin ka ni Riya?" tila excited na tanong sa akin ni Jocco na sinundan niya ng pagsubo ng ilang piraso ng french fries.

                Tiningnan ko siya. "Actually' you interrupted my story-telling..."

                Itinaas ni Jocco ang dalawa niyang kamay. "Oooppps! Sorry. Go on. Excioted lang talaga akong malaman ang mga susunod pang nangyari after ng incident na iyon sa bar."

                I just cleared my throat at ipinagpatuloy muli ang aking pagkukwento...

-----

                "BYE, guys! Bukas ulit, ha!" Medyo bulol na ako sa pagsasalita dahil sa totoo lang ay lasing na ako. Kumakaway-kaway pa ako sa papaalis na kotse na kinalululanan ng magkapatid na Xander at Sandy. Napadami na rin kasi ang inom ko. Dumagdag pa ang inis ko dahil sa hindi ako pinansin niyong magandang babae kanina doon sa bar. Ngayon lang yata hindi nag-work ang charm ko, ah!

               

                May araw din sa akin ang babaeng iyon. Kapag nag-krus ulit ang landas namin ay talagang hindi ko na siya papakawalan pa.

                Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan nila ay saka ako pumunta sa kotse at sumakay na doon. Nag sign of a cross muna ako bago ko inistart ang engine ng kotse at pinaandar iyon. Medyo mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil sa lasing nga ako. Mahirap na at baka maaksidente pa ako kung bibilisan ko.

                Hanggang sa may napansin akong babaeng naglalakad sa gilid ng sidewalk. Teka! Parang kilala ko iyon, ah! That dress and hair... Kahit nakatalikod iyong babae ay hindi ako maaaring magkamali. Siya iyong masungit na babae sa bar na sinupladahan lang ako nanag magpakilala ako kanina!

                Medyo sinabayan ko ang paglalakad niya habang nagdadrive ako. Nasa kaliwa ko siya kaya binuksan ko ang bintanan ng kotse ko at dumungaw. I called her. "Miss Masungit! Ihatid na kita sa bahay mo!" Lumingon siya pero isang masamang tingin lang ang isinagot niya sa akin. "Miss, gabi na. Baka kung mapaano ka pa. Sige ka..."

                "Get lost!" sigaw niya pero hindi na niya ako nilingon.

                Sungit talaga. Pero mas nacha-challenge ako sa mga ganyan. Saka kilala ko na ang mga babae. Kunwari susungitan ka pero iyon pala nagpapakipot lang.

                "Miss...mamaya pagtripan ka pa diyan ng mga tambay diyan!" pananakot ko pa.

                Medyo nagulat ako nang malakas siyang tumili. Iyon pala ay naputol ang isang takong ng kanyang suot na high heels. Hinubad niya iyon at ipinakita niya iyon sa akin. "Look what have yu done! Dahil sa kakulitan mo, nautol ang takong ko!"

Breaking Up With My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon