Chapter 04: Sudden Change

16.4K 293 10
                                    

Chapter 04: Sudden Change

 

 

 

 

 

 

ENRICO'S POV

                "HINDI ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Riya at sa magiging baby namin!" akmang susuntukin ko ang pader nang awatin ako ni Xander. Nasa hospital kami at halos isang oras na nasa loob ng operating room si Riya.

                "Calm down, bro! Walang maitutulong kung bubugbugin mo man iyang pader, okey?"

                Tila nauupos na kandila na napaupo ako sa upuan naroon. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at isinubsob doon ang mukha ho. Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak. Bakit si Riya ang nasa operating room? Bakit hindi na lang ako? Bakit isang pesteng galos lang sa braso ang sugat na natamo ko mula sa aksidente?!

                "This is all my fault! Kung naging maingat lang sana ako... Hindi sana ito mangyayari..." paninisi ko sa aking sarili.

                Pilit akong pinapakalma ni Xander sa pamamagitan ng paghimas niya sa likod ko. "Wala kang kasalanan, bro. Aksidente ang lahat. Walang may gusto ng nangyari..."

                "Kasalanan ko ito..."

                "Enrico!" umangat ang ulo ko at nakit ko na paparating ang daddy at mommy ni Riya. Tumayo ako para salubungin sila pero isang sampal ang ibinigay sa akin ng mommy ni Riya. "How can you be so irresponsible, Enrico?! Nasaan na ang promise mo nang ikasal kayo ng anak ko naalagaan mo siya?! Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka mapagkakatiwalaan. You ruined my daughter's life! Binuntis mo siya kahit na napakabata pa niya!"

                Umawat naman agad ang daddy ni Riya. "Ano ka ba naman, Ariella! Sa tingin mo ba ay gusto ni Enrico ang nangyari?" tiningnan ako ng daddy ni Riya. "Pasensiya ka na, Enrico..."

                "Okey lang po, Daddy. Naiintindihan ko po si Mommy."

                Ilang sandali pa nga ay lumabas na ang doktor mula sa operating room kung saan naroon si Riya. Agad namin itong tinanong kung ano na ang lagay ni Riya. "The patient is out of danger..." tipid na tugon ng doktor. Nakahinga na ako ng maluwag.

                "Eh, doc...iyong baby po namin...k-kumusta siya?"

                Napansin ko ang biglang pagkalungkot ng mukha ng doktor at doon na nagsimula ang kaba ko. "I am so sorry pero namatay ang bata habang nasa sinapupunan ng pasyente dahil sa aksidente. Marahil ay naipit siya. We have to remove the fetus from her womb bago pa magkaroon ng ibang complications..."

                Ngayon ko naramdaman iyong sinasabi nila na pinagsakluban ng langit at lupa. Pakiramdam ko ay nagdilim ang buong paligid ko at tumigil sa pag-ikot ang mundo. Wala na iyong doktor pero umaalingawngaw pa rin sa utak ko iyong sinabi niya na patay na ang baby namin ni Riya.

Breaking Up With My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon