[Chapter 01: Flashback Starts]
__________
*ENRICO'S POV*
TWO-O'CLOCK na ng hapon pero wala pa rin iyong taong kakatagpuin ko. I am here at SM Calamba's Jollibee...kanina pa at medyo naiinis na ako. Usapan namin ay one-thirty ng hapon. Thirty minutes na siyang late! Dalawang large fries na ang nauubos ko.
Kinuha ko na naman ang cellphone ko. I was about to make a call nang...
"Mr. Enrico Veracruz?" tanong ng maputi, matangkad at singkit na lalaking nakatayo sa harapan ko. Lalaki ako pero aaminin ko na gwapo ang lalaking iyon. Sa tantiya ko ay maraming babae ang nagkakandarapa dito.
"Mr. Jocco Garcia?" balik na tanong ko doon sa lalaki.
Nakipagkamay siya sa akin bago umupo sa harapan ko. "I am sorry kung na-late ako. Ma-traffic kasi..."
"It's okey. No worries," pero sa loob ko ay nainis ako dahil pinaghintay niya ako ng matagal. "Anyway, bago tayo tumuloy sa mga pag-uusapan natin...oorder lang ako. Marami tayong pag-uusapan, Jocco."
He smiled. "Okey. Can I call you sa first name mo?"
"Oo, okey lang. Ano nga pala ang kakainin mo?"
"Pwede bang limang extra-large fries at large Coke? Mukhang marami-rami tayong pag-uusapan, Enrico."
Mahina akong napatawa sa sinabi niya. "Copy!" sabi ko na lang at pumila na ako sa counter.
Limang extra-large fries at large Coke. Sa akin naman ay isang large fries, regular burger at pineapple juice. Habang nakapila ako ay panay ang memorize ko sa isip ko ang mga oorderin ko.
"Welcome to Jollibee! Ano pong order niyo, sir?" Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa unahan ng pila. Sinabi ko ang mga order ko. Habang hinihintay ko lahat ng mga order ko ay kinausap ako nung babaeng crew na nasa counter. "Hindi niyo po yata kasama ang asawa niyo, sir?" nakangiti niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Breaking Up With My Wife
RomansaI have a "break-up plans" for my wife. Pero lahat ng iyon ay hindi nagtagumpay. I want to get rid of her. Isang taon pa lang ang nakakalipas after naming ikasal pero ang laki na ng pinagbago niya! Siguro nga kailangan ko ng gawin ang huling "break-u...