Chapter 05: First Step

15.4K 309 18
                                    

Chapter 05: First Step

 

 

 

 

 

RIYA'S POV

"SAAN ka galing?"

                Ang bungad na tanong ko kay Enrico nang makauwi na siya. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay parang pago na pagod siya. Nagtataka lang ako kasi Sabado ngayon and as far as I know ay walang pasok sa trabaho ang asawa ko kapag ganitong araw.

                Umupo siya sa sofa at isinandal ni Enrico ang kanyang likod. "Kina Xander lang..." tipid niyang sagot. Tinabihan ko siya.

                "Oo nga pala, birthday kasi ni Mommy bukas. Pinapapunta tayo sa bahay..."

                "Okey, sige. Pupunta tayo." Tumayo na si Enrico at nagtungo sa kwarto namin.

                I was left alone thinking.

                Nakita ko ang malaking wedding picture na nakasabit sa dingding. We are both smiling sa picture na iyon at hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi balikan ang araw ng kasal namin. Napakasaya ko talaga ng araw na iyon. Yes, nabuntis ako ng wala sa tamang oras pero I never regret it! Enrico is my man of my dreams...

                Aminado naman ako na medyo nagbago ako ng pakikitungo sa kanya simula ng mawala ang first baby namin. Siya kasi ang sinisi ko sa nangyaring aksidente. Umasa ako na poprotektahan niya kami ng anak namin pero...hindi niya nagawa. Pinahid ko ng palad ko ang namamalisbis na luha sa aking pisngi. Gusto kong puntahan si Enrico sa kwarto namin and say sorry sa lahat ng nagawa ko sa kanya.

                Sobrang namimiss ko na iyong magkatabi kaming natutulog at ako ang gumigising sa kanya. Simula kasi ng makauwi ako dito from the hospital because of that accident ay sa nursery room na lagi ako natutulog.

                God! Bakit ngayon ko lang narerealize ang mga bagay na ito?

                Para kasi akong kinurot sa puso ng makita ko kanina si Enrico na umuwing tila pagod na pagod. Pakiramdam ko tuloy ay pagod na rin siya sa pagtitiis sa akin. Masyado akong nagpatali sa pagkawala ng baby namin. Masyado akong nagpaalipin sa kalungkutan. Kinalimutan ko na may asawa nga pla ako na dapat asikasuhin at pagsilbihan.

                Napangiti ako sa kawalan.

                Yes, this is the right time para ibalik ko na ang tunay na ako. Ibabalik ko na ang dating Riya na minahal ni Enrico!

-----

NAKASUNOD ako sa bestfriend ko na si Menchie habang tinutulak niya ang cart kung saan nakalagay ang mga pinmimili ko. Isang ramp model si Menchie kaya naman medyo may kapayatan ito.

Breaking Up With My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon