Chapter 03: Waking Up With My Wife

18K 294 10
                                    

Chapter 03: Waking Up With My Wife

ENRICO'S POV

                NAIILING na napapatawa na si Jocco sa mga kinukwento ko sa kanya. Tumihim ako para iparamdam sa kanya na hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang tila pagtawa sa kwento ko. "Pinagtatawanan mo ba ako, Jocco?" seryosong tanong ko sa kanya.

                Umiling-iling siya. "Of course, not! Hindi ako sa iyo natatawa kundi sa kwento mo," sagot niya.

                "Can I continue now?"

                "Sure! Excited na akong malaman kung bakit mo gustong makiaghiwalay sa asawa mo..."

                Uminom muna ako sa aking inumin at ipinagpatuloy ko na ulit ang aking pagkukwento...

-----

                "GOOD morning, Enrico!"

                Whoa! Mabilis kong ibinukas ang aking mga mata nang may bigla kumalabit sa akin at bumulong sa aking tenga. Nagpalinga-linga ako at napakunot ang aking noo nang makita si Riya na nakaupo sa tabi ko habang nakahiga pa ako sa kama. Hindi rin ako nakapagreact nang bigla akong halikan ni Riya sa aking noo.

                "Riya? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. May pagtataka.

                Ang noo naman ni Riya ang kumunot. "Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Enrico? Kinasal na tayo kahapon, diba? This is our first morning dito sa bahay natin!" at tila nagtatampo na tinalikuran niya ako.

                Shit! Oo nga pala.

                Nasanay na kasi ako na alarm clock ang gumigising sa akin at gumigising ako na wala akong nakikitang ibang tao sa kwarto ko. Bumangon ako and I hug Riya from her back. "Sorry na..." hinalikan ko pa ang likod ng tenga niya. She smells so sweet! Nabubuhay ang dapat mabuhay sa katawan ko. "Please try to understand na hindi pa ako sanay na may kasama sa kwarto. Sorry na, misis ko..."

                Bigla siyang humarap sa akin. "Anong tinawag mo sa akin?" tanong niya.

                "Misis ko."

                "Ulitin mo nga..."

                "Misis ko!"

                Isang malapad na ngiti ang pumaskil sa mapupula niyang labi. "Napakasarap pakinggan...mister ko!"

                "Cause you are mine now... Misis na kita," and binigyan ko siya ng halik sa labi. Mabilis lang. Nakita ko na napapikit siya. "Misis ko..." tawag ko sa kanya at tila nagising sa isang magandang panaginp na nagmuilat siya ng mga mata.

Breaking Up With My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon