Chapter 1: Just Angela.
Angela's POV
"Ate chay, gising na sabi ni mama." naalimpungatan ako dahil sa kapatid kong maliit, makulit at cute na si Bea. "Opo maam, babangon na." Umupo ako sa gilid ng kama at ginulo ang buhok ni Bea. Ngumiti ako sa kanya at lumabas na sya ng kwarto.
Huminga ako ng malalim ng bigla kong maalala ang lahat ng nangyari. Lumipat na nga pala kami ng lugar na matitirhan. Di ko inaasahang kailangan naming sumakay ng eroplano para lang makalipat sa lugar na ito.
Nakapasa kase ako sa isa sa mga sikat na High school sa lugar na ito. Dream High School. Elementary palang ako, pangarap ko nang makapasa sa school na ito. Kaya ito, nandito ako ngayun sa lugar na sobrang layo mula sa Elem. school ko.
Pero di ko pinagsisisihan na lumayo sa lugar na pinaglakihan ko dahil alam kong ito talaga ang destiny ko.
"Chay maligo kana, first day of school late ka? Bilisan mo na anak." natauhan ako nang si mama na ang tumawag sakin. Teka, Chay nga pala nickname ko dito sa bahay. Diko alam kung bakit ang layo nun sa totoo kong pangalan.
Tumayo nako mula sa pagkaka upo sa kama at dumiretso na sa banyo. "Opo ma, maliligo na po!" sagot ko.
Lumipas ang oras at natapos na kong mag prepare para sa first day of HS ko. "Ma, alis na po ako. Late nako eh Hehehe." sabi ko kay mama at humalik sa pisnge. Niyakap ako ni mama. Naghabilin sya ng mga dapat at di ko dapat gawin sa School at umalis na rin ako.
Nasa jeep ako ngayun, 30 minutes lang ang byahe papuntang school kaya di na masama.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng jeep habang tinitignan ang mga taong busy na nadadaanan namin sa down town. Nakakatuwa silang tignan, nagtatawanan at nagtutulungan. Mukha naman palang mababait ang mga taong nakatira sa lugar na ito eh. Sana pati classmates and schoolmates ko.
Huminto ang jeep dahil may sasakay. Natigilan ako sa nakitang kong lalakeng papasok sa jeep at naupo sa tabi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa diko malamang dahilan kung bakit.
Naka uniform sya at mukhang..Teka diba uniform ito ng DHS? Parehas kami ng school?. Nakita ko ang name pin nya sa may kanang bahagi ng dibdib nya.
Nate Crisostomo.
Nate? Nate ang pangalan nya. I calm my heart and my mind. Muli kong binalik ang aking tingin sa labas ng bintana.
So magkikita pala kami nito ulit sa school? Wala pa akong uniform dahil male-late daw ng konti ang coming ng uniform ko and i dont know why.
Minutes passes and nakarating nako sa school. Isang malaking gate ang bumulagta sa aking harapan at may nakasulat na 'Dream High School' sa itaas na bahagi ng gate.
Napakaganda ng magiging school ko this first year of my High school and Im so excited. Ano ano kaya ang mangyayari sakin sa school na to? God, Im hoping for good luck.
Huminga ng malalim at pumasok na sa loob. Agad kong hinanap ang magiging room ko. Dream Big section.
Napakarami pala ng room at buildings dito. Online exam kasi ang ginawa ko para makapasa kaya diko alam ang itsura ng school nato.
BINABASA MO ANG
Nothing is Impossible
Non-FictionNothing is Impossible. It refers to a girl who is inlove with a boy and she loved back. Time passes, they became close through text and chat. They were so happy and inlove to each other. But one day, the boy meets other girl in his school and starte...