Chapter 6: "I'm Serious about it."
Angela's POV
One week later after the party, marami na ring nangyari simula nung araw ng Dreamers Party. Karamihan sa mga students ay naka get over na pero meron pa ring iilan na tila naiwan kaluluwa nila dun.
Ilang araw nalang at July na. Hays napakabilis ng panahon. Matagal tagal na rin pala ako sa lugar na ito.
Kasalukuyan akong nasa kama ko ngayun, nakahiga habang hawak hawak ang phone. It's weekend kaya sobrang boring.
Kdrama lang nagpapasaya sakin kapag weekend kaya ito nanonood ako. It's Strong Woman Do Bong Soon. I really love this Kdrama. I love Min Min so much and Bong Bong also.
Minsan iniisip ko pag nanood ako, 'sana ako nalang si Bong Bong para makasal din ako kay Oppa'. Weird right?
Bigla akong natigilan nang may bigla akong naisip. I stop the Kdrama at pumwestong upo sa kama ko.
"Bakit ko nanaman ba sya iniisip?"
Oo nga. Bakit ba? Isang linggo na ang nakaraan simula nung party at isang linggo ko rin lang laman hindi nakita o ni nagparamdam man lang ang lalakeng yun. Ano kaya nangyare sa kanya?
Ginulo ko ang aking buhok na parang nababaliw. Ngayung wala sila Mama, papa at Bea, pwede akong pumunta sa Mall at mamasyal. "Tama! Mamasyal nalang ako."
Binilisan kong mag bihis para agad na maka alis. Buti at hapon na kaya di na masyadong mainit.
Nakalabas nako ng bahay at agad kumuha ng tricycle. Dadaanan pala namin ang downtown ngayun. Makikita ko nanaman yung mga taong masaya na nagtutulungan.
Minsan naiisip ko, bakit kaya iba iba ang tao? Bakit unique tayo? May masama at syempre mabait. May honest at merong sinungaling. May loyal at syempre meron din talagang nang iiwan. Pero bakit kailangan magkaka iba?
Ganun pa man, magkakaiba man ang mga tao, alam kong mangingibabaw parin ang pagmamahal sa mundong ito.
Nandito na ako sa Mall. Napakaraming tao ngayun. Expected na talaga yun pag weekend. Nagbayad ako sa driver at agad na pumasok sa mall.
"Dapat pala sinama ko sila Viana." bulong ko sa sarili. Tawagan ko kaya sila?
Kinuha ko ang phone sa bag and I dial Viana.
"Hello Viana!"
"Why?"
"Samahan nyo naman ako nila Chloe dito sa Mall pls."
"Girl, nasa mall din ako ngayun. Namimili ng damit."
"Ow. Great! Sama ako sayo. Tulungan kitang pumili."
"Okay lang na sumama ka sakin but to help me pick what am I going to buy? No thanks. Mas fashionista ako kesa sayo, okay."
"Oo na. San ka banda dito sa Mall?"
"I'm at Celine. Bilisan mo. Hung up."
Tapos pinatay na nya. "Hay naku. Ang babaeng yun talaga." buntong hininga ko.
Dali dali nakong pumunta sa third floor dahil nandun daw ang boutique na Celine. Mayaman talaga ang babaeng yun hays.
Habang hinahanap ang boutique na sinabi ni Viana, nagtingin tingin din ako ng pwedeng mabili na pagkain. Im craving for ice cream.
I saw Ice Cream House stand kaya lumapit ako. Isa ang Ice Cream nila na pinakamasarap na natikman ko kaya madalas akong nabili dito. Lumapit ako sa counter.
"Kuya isa pong Rainbow cream cone. Thanks."
Habang naghihintay sa counter, nilibot ko ang aking paningin. Bahagya akong natingin sa likod at parang may mukha akong biglang nakilala.
BINABASA MO ANG
Nothing is Impossible
NonfiksiNothing is Impossible. It refers to a girl who is inlove with a boy and she loved back. Time passes, they became close through text and chat. They were so happy and inlove to each other. But one day, the boy meets other girl in his school and starte...