*Kring kring kringgggggggAish! Ang ingay naman! Tss. Wala mamang pasok ah bakit nag aalarm?
May dapat ba akong gawin ngayon?
Think.
Think.
Think.
Think.
Aishh. Wala naman eh wala akong natatandaang gagawin ko ngayong araw. Makatulog na nga uli.
After 1 hr.
*Ringtone: Bubbly~
Hmmmm... ano ba yan! May tumatawag. Tsk istorbo.
Kinapa kapa ko yung cp ko sa table na katabi ng kama ko. Antok na antok pa talaga ako -_- . Minulat ko ang isang kong mata.
From: Unknown Number
Sino naman 'to? Pshh.
"Hello? Sino 'to?"
["Nasan kana?"]
dO_Ob
"Y-Yuan?"
["Exactly. Ang nag iisang gwapo."]
Tss.
"Oh, eh bakit nambubulabog ka ng tulog? Tsk. Istorbo ka alam mo ba yun?!"
["Hoy! Payat! Baka naman may practice tayo ngayon, ano?! Tch."]
dO_Ob
Hala oo nga! Ngayon pala kami mag sstart ng practice . Bakit nawala sa isip ko yun?
["Hoy ano na!"]
Bakla talaga 'to eh! Di makapag intay!
"Sorry nakalimutan kong ngayon pala magsisimula. Sige maliligo nako. Text mo nalang kung saan yung adress ng condo mo. Bye!"
["Hoy bi---"]
Di ko na siya pinatapos at binaba ko na ang tawag. Pagkatapos ay tinawagan ko si Ninna.
["Oh Chale, napatawag ka? Aga-aga eh! Natutulog pa ako!"]
"Huhu Ninna samahan mo ako!"
["Huh? Saan naman?"]
"Sa condo ni Yuan!"
["Ha?!! Bakit?! Anong gagawin mo don?"]
"Eh, doon kami magpapractice ng dance project natin. Siya ang partner ko."
["Oh eh bakit magpapasama ka pa?!"]
"Malamang! Dalawa lang kami eh! Panget tingnan yun!"
["Echusera! May practice din kami!"]
"Eh? Anong oras ba kayo magpapractice?"
[" Mamayang 2:30 pm."]
"Tss 2:30 pa pala eh! Samahan mo muna ako! Alis ka nalang pag magpapractice na kayo."
["Baliw ka ba ha? Ganon din yun eh!"]
"At least, saglit lang ang oras na dalawa lang kami. Hanggang 4:00 pm palang naman ang practice namin ngayon eh kaya sige na pleaseee?!"
["Tsk tsk . Oo na! Daanan mo nalang ako dito sa bahay. Dala kana din ng choco-choco wala na akong stock eh hehe. Sige bye!"]
"Sig--"
Di niya na ako pinatapos at binaba niya na ang tawag. Tss. Choco-choco! Choco-choco! Choco-choco! Waahh! Akin lang ang choco-choco ko! Huhu! Mababawasan ang choco-choco ko!
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin... Again (On Going)
RandomIsang trahedyang nakapagpabago ng lahat. Nakapagpabago sa pagmamahalan ng dalawang tao. Ngunit nagbago nga ba? Dalawang taong nagmamahalan na sa kamalasan ay parehong nawalan ng memorya dahil sa hindi malilimutang insidente. Posible nga ba iyon? Po...