Chapter 21: Promise

70 30 23
                                    

Shane Loraise POV


Gaya ng sinabi ko, dinala ako ni Andz sa tabing dagat na may kalayuan sa siyudad. Nami-miss ko na rin magbakasyon  sa probinsya lalo sa lugar ni Lola. Marami kasing dagat sa Catanduanes na talagang nakaka-relax. Hay! Kailan kaya ako makakabalik ulit doon? Sigurado matutuwa si Lola kapag nakita ulit si Andz, and peke na apo niyang parating kinakampihan. Tsk! Pero sadyang ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang mga bata pa kami, at ang pinoproblema ko lang noon ay kung paano papatalsikin si Bonsai sa kaharian ko tapos ngayon. . . everything was so complicated! Hindi ko na maikakailang na-stress na ako mga nangyayari. Lalo na ang tungkol sa'min ni Harry. Mahal ko na si Andz at 'yon ang sigurado.

Kasabay ko siyang naglalakad sa dalampasigan at kitang-kita ko ang ganda ng papalubog na araw kasabay ng mapula-pulang karagatan dahil sa pag-agaw ng liwanag at dilim. Magkahalong lungkot at saya ang aking nadarama.

Sa paglubog ng araw, isang panibagong bukas ang aking kakaharapin. Sana naman maging masaya ang kahahantungan ng panibagong bukas ko kasama si Andz.

Medyo mahaba rin ang oras na binyahe namin papunta rito, at wala na akong pakialam kung hindi ako makapunta sa usapan namin ni Harry. I'll cut off the wedding! That's for sure.

Kasabay ng pag-upo ko sa malambot na bunganin ang pagtabi sa'kin ni Liu este Bonsai.

Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako. Marami pa siyang atraso sa'kin, ang mga panloloko niya, akala niya siguro nakalimutan ko na 'yon! P'wes humanda ka!

"Bakit noong isang gabi mo lang sa'kin sinabi na ikaw at si Bonsai ay iisa? At saan galing ang pangalan na Liu saka 'yong Drei? At sino si Danica? Ang dami mong pangalan ah, Andz. Tss!" sarkastiko kong tanong at diniinan ko pa talaga ang tunay niyang pangalan.

"Sandali lang, Pangit, ang dami mo namang tanong. Isa-isa lang, mahina ang kalaban."

"Tse! Tigilan mo ako, napakasinungaling mo! Liu, Drei, Bonsai, Andz! Tsk!"

"Eh ano naman kung marami akong pangalan? Iisang pangalan lang naman ang sinisigaw ng puso ko. . . at ikaw 'yon, Pangit," nakangiti niyang sambit sabay akbay sa may baywang ko.

"Tss," singhal ko sabay simangot sa kaniya. "Huwag ka ngang aakbay sa'kin kung hindi mo naman sasagutin ang tanong ko!" inis kong dugtong sabay alis sa braso niyang nakahawak sa'kin.

"Wow! Pangit na pangit na naman ang ugali mo, maldita ka talaga. . . pero kahit na gano'n, mahal pa rin kita," nakangiti niyang sagot at inakbay akong muli.

Para talaga siyang naka-shabu! Ang layo ng mga sagot sa tanong ko!

"Sabihin mo nga sa'kin, ano bang tinira mo?"

"Katol!"

"Ulol!" Babatukan ko sana kaso mabilis niyang nahawakan ang kamay ko na binawi ko naman agad.

"Kapag nakikita kita para na rin akong naka-shabu eh. Daig ko pa kaya ang nakainom ng energy drink makita ko lang ang pangit mong mukha!" pang-aasar niya pa sabay pisil ng ilong ko.

Aba namimihasa na makatsansing ang loko! May sayad na nga talaga siguro ito!

"Kung pangit ako, doon ka na lang kay Danica, mas bagay kayo."

Tapos tinignan niya ako ng nakakaloko, "Nagseselos ka ba?"

"Hindi! Asa ka!"

"Weh?"

"Oo nga sabi!" inis kong sagot pero bigla niya na lang akong hinila kaya mas napalapit ako sa kaniya.

Nasa bandang likuran ko siya nakayakap sa'kin at nakasandal ang kanyang baba sa aking kanang balikat. Hindi ko na siya tinulak dahil alam kong wala naman akong panalo sa kaniya. Kailan ba ako nanalo sa isang Bonsai? Mula noon hanggang ngayon parati akong natatalo sa kaniya.

A Love To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon