Andz Leufren Cabrera POV
Isang lingo na ang nakalipas at magaling na rin ako, pero sa nagdaang mga araw ay hindi pa rin ako um-absent para b'wisitin si Pangit. Pumupunta pa rin ako sa kanila kahit na paika-ika sa paglakad. Kinagabihan sinundo ako ni Kuya Lance at s'yempre tuwang-tuwa naman si Pangit dahil nakita niya na naman si Kuya.
Ano bang mayroon kay Kuya at type na type niya? Hindi naman nalalayo ang hitsura namin eh. G'wapo naman kami pareho. Tsk!
Palibhasa ba 20 years old na si Kuya at binata na ito tapos ako 10 years old pa lang kaya 'di pa ako napapansin ni Pangit?
Ngayon ko lang nalaman, mahilig pala siya sa matured sa kaniya. Asar!
Hindi ko naman kasalanan kung bakit parating wala si Dad dahil sa ibang bansa siya nagtatrabaho. Hay!
Dito na ako lumaki sa Catanduanes at ang Daddy ko ay matagal na rin sa US. Doctor siya roon at ngayon lang na-approve lahat ng papers namin para mag-migrate sa America.
Gabi na nang makauwi kami ni Kuya Lance dito sa'min, pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakahilera na sa sala ang mga maleta namin maging 'yong sa akin.
"Mom, what's this?" tanong ko.
"We are going to US tomorrow evening, bukas ng umaga ang flight natin papuntang Manila," sabi ni mommy.
"What? Pero bakit naman, Mommy?"
"Na-approve na ang citizenship natin and kinukuha na tayo ng Daddy mo."
"Pero, Mom, ayaw kong umalis," angal ko.
"Wala ng pero-pero, Andz. We are going to US tomorrow evening, that's final!" sabi ni Mommy at pagkatapos no'n ay padabog akong umakyat ng aking kwarto.
Ayokong umalis, gusto ko dito lang ako, pero ano bang magagawa ko? Bata pa ako para makipagtigasan kina Mommy at Daddy.
Masama ang loob kong natulog, ni hindi na nga ako kumain ng hapunan dahil sa inis. Ayaw ko siyang iwan, ayokong malayo sa kanya.
• • •
Kinabukasan, maaga akong gumising. Maaga pa si pagtilaok ng mga manok. 4:00 am pa lang naliligo na ako, gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon dahil alam kong hindi na mapipigilan pa ang pag-alis ko.
Naglalakad pa lang ako papasok ng hacienda ni Granny nang makita ko si Mang Lando na nasa garden na. Siya ang hardinero dito ni Granny. Sakto namang nakita niya ako.
"Oh Andz, ang aga mo 'ata ngayon. Sigurado sira na naman ang araw ni Ma'am Loraise kapag nakita ka," sabi nito.
"Hindi bale, huli na rin naman ito eh," malungkot kong tugon.
"Bakit? Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Magma-migrate na kami sa US, aalis kami mamaya nina Mommy."
BINABASA MO ANG
A Love To Eternity
Chick-LitCredits to the one who made the book cover: @ButiNalangTanga Under editing! ETERNITY SERIES BOOK 1 ••• I believe in destiny. I believe that there are no accidents in life. That everything happens for a reason. Every people we meet will play a role i...