Chapter 2: First Encounter

451 154 147
                                    

Shane Loraise POV


Bago ang lahat, pakilala muna ako. . . Ako nga pala si Shane Loraise Villafuerte. My Mom is half-Filipino and half-Spanish and my Dad is Half German and half-Filipino. Beacuase of their genes, lumaki akong matangkad kaysa sa ordinaryong bata. Their both handsome and beautiful, sexy and hot pero ako, isang ugly duckling.

I'm just 9 years old but I look like 12, nakakaasar nga eh. Ako ang parating huli sa line kapag flag ceremony. Nakaupo ako parati sa likuran ng classroom dahil matatabunan ko raw ang mga kaklase ko. Ako parati ang tagasulat sa chalkboard kasi ako ang nakakaabot ng pinakaitaas. Ako ang taga sabit ng parol sa taas ng classroom dahil ako ang pinakamatangkad. Asar lang eh 'no! Lagi akong na-bubully dahil mukha daw akong kapre at pangit pa. Sana naging bansot na lang ako para hindi ko maranasan ang mga ito.

But my mom told me that I will grow as gorgeous as her. Sana lang totoo, sana ang isang ugly duckling ay maging isang beautiful swan.

I'm at my Lola's house right now. Si Lolo busy sa pag-manage ng Hacienda, nagpapaani siya ng mga manga ngayon sa kaniyang mga tauhan. Ako nanonood ng anime sa k'warto ni Lola. Sa lahat kasi ng k'warto rito sa bahay nila, 'yong akin lang ang walang cable para hindi raw ako manood ng mga anime series na pambata at sa sports channel. Hay lahat na lang pinake-kealaman ni Lola. Ni ayaw niya nga ako nakikitang magsuot ng short, dapat daw palda or dress para babaeng-babae tignan. Pati ayos ng buhok ko pinake-kealaman, Dapat daw laging neat and clean, hindi 'yong sabog at buhaghag.

'Yong kwarto ko rito ginawang library. Yung wall ko, puro shelf, imbes na wall paper ng mga KPOP, JPOP at pintura ang makita. Ang wala lang ng shelf ay ang mga pintuan. 'Di rin niya pinatawad ang banyo dahil nilagyan niya rin iyon. Pinuno rin niya ng children's book at fairy tales ang DVD rack ko sa k'warto. Kaya 'di ko talaga matiis na magtagal sa k'warto ko rito sa hacienda nila.

Ilang sandali pa'y narinig ko na si Lola na paakyat ng hagdan. Pakialam ko ba, ang ganda ng pinapanood ko eh. Hindi nagtagal ay binuksan niya ang pinto ng kaniyang k'warto. Tinignan niya ang palabas na pinapanood ko at bigla na lang siyang sumimangot.

"Nandito ka lang palang bata ka, kanina pa kita sinabihan na bumaba na dahil 'yong pinapagawa ko sayo ay 'di mo pa nasisimulan, tanghali na! At isa pa hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka p'wedeng manood ng mga ganyang palabas? Wala kang matutunan diyan," sabi ni Lola sabay patay sa tv.

"Lola naman. . . nakaka-boring naman dito eh, wala akong magawa, at isa pa ayoko roon sa garden. P'wede mo naman iutos sa mga katulong ang pagdilig doon eh," angal ko sabay lapit sa may tv upang buksan muli 'yon, pero bago ko pa mapindot ang switch on ay tinampal na ni Lola ang kamay ko.

"Hindi pwede!" mariin niyang sabi at pinandilatan pa ako. "Kung ayaw mo magdilig ng halaman, sumama ka sa'kin sa kusina, tuturuan kita magluto."

"Po? But why should I learn how to cook? We have maids that will do that for me," reklamo ko sabay pamaywang.

"Aba talagang makulit ka na ha!" sabi niya na tila nauubusan na ng pasensya. "Hala sige kung hindi mo ako tutulungan magluto, huwag kang kumain ngayong maghapon, at hindi ka rin p'wedeng manood ng tv buong summer."

'Yan ang kinakatakot ko.

Tinalikuran niya na ako pero bago pa man siya makalabas ng kwarto ay nagsalita muli ako.

"Seriously?" taas kilay na tanong ko kay Lola. Nilingon niya naman ako.

"Kailan ba ako nag-joke, Lora? Nandito ka sa loob ng bahay ko kaya authority ko ang masusunod. Kahit na maglupasay ka riyan sa harap ng mga katulong namin, hindi ka nila pagbibigyan," seryosong niyang sabi.

A Love To Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon